Chapter 4- Ian: "Sinusundan mo ba talaga ako?!"

24 3 0
                                    

Chapter 4

"Ok, class hindi ko na kayo bibigyan ng seating arrangements. Kung saan kayo nakaupo ngayon, diyan na kayo for the rest of the school year. Understand?"

What the…!

Talaga bang nananadya tong mga to?! Nakakainis, ayoko ngang katabi tong mokong na Cliché na to! Tumingin ako ng bakanteng upuan pero wala na. mayron pala sa bandang likod, pero ayoko naman dun.

Mas lalong wala akong matututunan kapag nasa likod ako, so no choice. Bahala na niyan. Wag lang siyang mangulit o bumanat na naman ng kung anu-ano at baka mabanatan ko talaga ang gwapo niyang mukha.

Yeah right, gwapo naman talaga siya. I admit. Besides, wala naman akong mapapala kung idedeny ko yung fact na yun diba. Masabihan pa akong bitter.

"And by the way, dahil may new student tayo. I would need a volunteer para itour siya sa ating campus. So anyone?" tanong ni sir. Hmp paki ko naman diyan. It's not as if I'm interested.

As expected, maraming nagtaas ng kamay. Mostly, girls.

"Ah, sir!"

"Yes, Mr. Buenavista?"

"Sir, Ms. Alice here told me that she's willing to tour me around the campus."

He said what?!

Napatingin ako sa kanya. Clearly shocked. Where the hell did he get that idea that I want to accompany him?!

"Excuse me?!"

"I asked you earlier if you would want to accompany me and you said sure."

"At kelan yun nangyari?!" he's still looking at me while smiling. And he's really pissing me off. Wala naman akong matandaang umoo ako o ano pa man. Ni wala nga akong matandaan na tinanong niya ako about that matter.

"Kaninang nilapitan mo ako at kinausap."

"Hin---" ang then realization hit me.

"Ok then, Ian, samahan mo nalang mamaya si Mr. Buenavista. And since he's new here like what I said, ikaw na ang bahala sa kaniya. Be nice to him a'right?"

"Yes sir." sabi ko nalang. Do I have a choice? Psh, isa akong taong may isang salita so whether I like it or not, I guess I'm stuck in this situation now.

Pagkalabas ni sir, lumapit sakin sila Irene. Oh god, I think I know what they're up to.

"Eee! Bheb! Ibang klase ka rin bumawi eh noh?! Haha! Tour guide?" –Irene

"Oo nga bheb! Hindi namin sukat-akalain na ganun ka pala bumawi." –Lyka

"Haha! Tama bheb… idol na kita!" at nag apir pa sila. Mga baliw.

"Psh, hindi ko naman alam na yun ang tinanong niya kanina noh.i was not paying attention that's why umoo nalang ako."

"Whatever!" sila.

~~~~

"Dito yung garden, halata naman diba." Ako. Habang kausap si Cliché, kanina pa kami nagiikot dito sa campus, sabi ko kasi bukas na pero ayaw niya. Gusto na daw niyang ngayon. Choosy pa siya.

Paglingon ko sa kanya, ayun, nakahiga na siya sa may damuhan. Yung garden kasi ng school is nakabermuda grass kaya tsaka may nag-aalaga at naglilinis kaya okay lang kahit na mahiga ka pa nang nakauniform.

Fulfilling Our PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon