Ika-Labing Walong Kabanata

2 0 0
                                    

"You should move here." Kahapon pa niya ako na pinipilit lumipat sa bahay niya. Or namin rather. Isa pang pinipilit niya ay ang wedding. Kaarte. Kinasal nanga kami't lahat dati, ayan, nagrerequest pa ng church wedding.

"Noon nga na nasa US kami, nakatagal ka ng wala kami jan eh, ngayon pa bang nasa iisang continent na tayo, nasa iisang bansa, sa iisang region at city. Ano pang inaarte mo?" Tanong ko sakanya habang busy ako sa pagkakalkal ng mga papel na nasa lamesa ko.

"Dati yun nung di ka pa sakin. Eh ngayon? Akin ka na ulit. Asawa kita kaya titira ka sakin." Sabi niya.

"Ayun! Asawa mo ako! Meaning, kasal na tayo. So bakit magpapakasal nanaman tayo?" Tanong ko.

"Renewal of vows? Ay! Wag mong ibahin ang usapan. Saakin kayo titira and that is final." Sabi niya.

"Final mo mukha mo, sakin parin nakadepende yun, gago." Sabi ko at lumabas. Nakakastress si Terrence!

Tinawagan ko si Ailee dahil pakiramdam ko sasabog ang ulo ko kapag wala akong nakausap.

"Hello? Whyers ba?" Tanong niya.

"May lahi ba kayong may saltik? Hayop! Ikaw naghahabol ka sa lalaki na ayaw nga sayo, tapos etong gago mong pinsan, pinipilit ako na sa kanya na tumira. At ang matindi dito, gusto niya magpakasal! Anak ng puta! Kaya nga kami mag anak kasi kasal na kami. Hibang ba sya?" Sabi ko. Tumawa naman si Ailee sa kabilang linya.

"He just loves you too much. Pagbigyan mo na. Wala namang mawawala kung titira ka sa kanya diba?" Sabi ni Ailee.

"What about the wedding?" Tanong ko.

"Ituloy mo! Una sa lahat, hindi ikaw ang gagastos, pangalawa, parang renewal of vows niyo nalang. Formalities nalang." Sabi niya.

"Should I?" Sabi ko. Tumawa nanaman siya.

"Oo. Lalo na at darating na si Marga." Sabi niya. Para naman akong natauhan sa sinabi niya.

"Sino?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"The Great Marga San Jose." Sabi niya.

"Love your husband. You'll never know when the bitch will strike." Sabi niya pa.

Naputol na ang tawag. Wala sa sarili akong umakyat sa office namin ni Terrence.

"Finally, you're back. So as I was saying--"

"Mahal mo nama ako diba?" Sabi ko kay Terrence. Tumayo siya mula sa upuan niya at lumapit saakin.

"What kind of question is that? Ofcourse." Sabi niya at niyakap ako.

"You won't leave me right?" Sabi ko.

I hate it so much. Sabi ko di na ako mate-threaten kay Marga. I said I won't be insecure anymore. But I can't help it. How could you stay still when your love can be stolen away anytime?

"Ofcourse I won't." Sabi niya.

Then its settled. Lalaban ako sa impakta na iyon. The bitch that took away a lot from me. I'm not letting her do it again. Not now, not ever. Hindi mapapasakanya si Terrence. Hindi ako papayag. This time, I won't runaway.

It was already 6 kaya napagtripan namin na umuwi na. Pumayag na ako sa lahat ng gusto niya. The wedding, ang pagtira namin sa kanya, lahat. Anything he wants. Papayag na ako.

"Dito ka na matulog." Aya ko sa kanya.

"You sure?" Tanong niya. Tumango naman ako.

Good thing, boyscout si Terrence. May damit siya sa likod ng sasakyan niya. Bumana na kami at sumalubong si Ace saamin.

"Oh? Where is your tita Ailee?" Tanong ko.

"Tito Maui came and took tita Ailee." Sabi niyang nakabusangot.

"Was he angry?" I asked.

"Yep. He said something like 'I own you, Ailee! Why do you keep doing things I hate?!' And then tita Ailee shouted at him and then he took tita Ailee na." Sabi ni Aiden.

"I see. Daddy will sleep here. Is that okay with you?" Sabi ko. Pumalakpak siya at agad na sumagot ng oo.

Nagkunwari naman akong nagtatampo.

"You love daddy more than me." Sabi ko. Humalukipkip ako at tumalikod sa kanya. I am imitating him. Ganito siya kapag may ibang bata ako na nilalaro noon.

"That's not true mommy!" Giit niya at niyakap ako mula sa likod. Tumawa ako at humarap na sa kanya.

"I was just kidding. Sige na, take a bath with daddy and mommy will just coom okay?" Sabi ko.

Tumango siya at hinila ang daddy niya papasok ng banyo. Ako naman, nagpunta ng kusina para magluto. Carbonara will do I hope. Mahilig naman silang dalawa doon. After ko magluto, tinawag ko na ang mag-ama.

"Terrence, Ace, kakain na!" Sigaw ko mula sa kusina ngunit walang sumasagot so I decided to go to Ace's room. Nanonood sila ng Tom and Jerry at nakatulugan na nila iyon.

It was a sight to behold. Ang cute nila tingnan. Nakasalampak sila sa floor. Si Terrence, nakasandal sa sofa habang nakaunat ang dalawang kamay. Habang ang anak niya ay nakayakap sa kanya.

Niyugyog ko si Terrence para magising siya. At buti naman nagising na siya.

"Una ka na sa kitchen. Ayusin ko lang si Ace." Sabi ko sa kanya. Bubuhatin ko palang si Ace, binuhat na niya ito at inilagay sa kama. Ipinaligid ko dito ang mga unan niya. Then I kissed his forehead at lumabas na kami ni Terrence.

Kumain kami ng carbonara. After eating, hinugasan ko na ang pinggan at lumabas ako ng bahay para tumambay sa garden. Nagulat ako ng lumabas din si Terrence mula sa bahay.

"Hey." Bati niya.

"Hey." Bati ko rin sa kanya. Nagulat ako ng pumunta siya sa likod ko at niyakap ako.

"I missed you." Sabi niya saakin.

Ngumiti ako at sumagot ng I miss you too sakanya. He held my hands habang ang baba niya ay nakapatong sa balikat ko. It's easy for him to do this kasi matangkad siya. Maybe Ace got his height from his daddy.

"Ayeza." Sabi niya saakin.

"Hmm?" Tanong ko.

"You're the greatest thing that happened to me. Kayo ni Ace. I love you Ayeza. Wag mo na akong iwan ulit ah?" Sabi niya saakin.

Tumango naman ako agad at humarap para yumakap sa kanya. How I miss this times. Yung lalabas kami ng apartment namin noon para lang magyakapan. I wish this won't end forever.

If I StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon