Ika-Dalawampung Kabanata

4 0 0
                                    

"Okay. Bababa na ako." Sabi ko.

How did she know this place? Bakit siya nandito? Did Terrence show this to her? Only one way to find out. Bumaba ako and I saw her sitting on the couch while drinking juice.

Me and Marga, we used to be friends. Until nakilala ko si Terrence. Naging close kami ni Terrence, tapos pinakilala ko si Marga sa kanya. Tapos napag-alaman ko na magkababata sila. Marga was cool with our relationship. Or so I thought. Until one day

"Layuan mo si Terrence, Ayeza! Walang mapapala si Terrence sa isang katulad mo!" Inis na sabi saakin ni Marga.

"Pero..." Dedepensa sana ako pero nagsalita ulit siya.

"Hanggang nasa tabi ka niya, liliit ng liliit ang ginagalawang mundo ni Terrence. You'll just drag Terrence down with you." Sabi niya.

Marahil ay tama siya. Kumpara sa pamilya ko, ay hamak na mas maimpluwensya at mapera sila Marga. Sila ni Terrence ang bagay.

"Marga." Tawag ko sa kanya.

Tumayo siya sa kinauupuan dala ang baso ng juice niya.

"You just don't learn, do you?" Sabi niya at isinaboy saakin ang juice niya.

"Pathetic worthless bitch, a gold digger whore, a fucking lunatic." Sabi niya saakin. Is she really the Marga I used to know?

"Marga..." Tawag ko sa kanya.

"Hindi ka talaga masisindak, Ayeza? You want to keep Terrence beside you kahit na you're dragging him down? Paano ka niya ipapakilala sa iba? This is Ayeza, my wife? Ganun? Ikaw LANG is AYEZA na asawa LANG ni Terrence. Wala kang kwenta. You'll never be beneficial for him." Sabi niya. Umikot siya saakin at muling nagsalita.

"Since nandito na din tayo, I'll just tell you the fucking truth. Ikaw ay pinaglalaruan lang, Ayeza. Come on bitch, don't be pathetic! After all these years, tingin mo ba ikaw pa rin? Ha! This is all for revenge! He wants to break your heart like how you did to his!" Sabi niya saakin. Hindi ako sasagot. Hahayaan ko siya sa lahat. But one thing is for sure. This time, I'll never let go.

"Marga. Stop." Isang malamig na tinig ang nagsalita.

"Terrence!" Lumapit si Marga sa asawa ko at akmang yayakapin ito ng biglang magsalita si Terrence.

"Anong ginawa mo sa asawa ko?" Malamig niyang tanong.

"Asawa? Come on, don't be pathetic Terrence, divorce na kayo." Sabi ni Marga.

"The papers were never filled, Marga. She's still my wife. By papers, by soul and by heart." Sabi ni Terrence ng buong diin.

"What? That's not true! Kasama mo pa akong nag file ng divorce papers niyo!" Sabi ni Marga.

"No! Binalikan ko iyon dahil hindi ko kaya! It's the only things that keeps me and Ayeza bound to each other! I will never let it be ruined!" Sabi niya kay Marga.

"Baliw ka Terrence." Hindi makapaniwalang sambit ni Marga.

"If wishing to be by her side forever means being crazy, then by all means let me lose my mind. No one can take me away from her or take her away from me. No one can ever do that." Sabi ni Terrence at hinila na ako papanik. Pumasok kami sa kwarto at binitawan na niya ako.

Huminga siya ng malalim bago niya ako hinarap.

"Are you okay? Damn! Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung nasaktan ka niya." Sabi niya at niyakap ako.

"Terrence, puro juice ako. Don't hug me." Sabi ko at sinubukan siyang itulak. Puti ang damit niya at mahihirapang matanggal ang mantsa.

"I don't care. Kahit na tinik pa ang nakapaikot sayo ay hindi ako matatakot na yakapin ka." Sabi niya at niyakap ako ng mas mahigpit.

Niyakap ko nalang din siya at hindi din naman siya bibitiw kahit ano pang sabihin ko.

Kinabukasan, nagpumilit akong pumasok sa office at wala siyang nagawa. Kaya gumayak na ako at pumunta na kami sa office. Ipinalipat ko na rin ang office ko. Katabi lang nung kaniya. Buong araw siyang binubugnot dahil sa ginawa ko. Kung ano-ano ang idinadrama niya saakin.

Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga papel ng mainip ako at mapagpasyahan kong mang-inis. Nagdala ako ng papel at ballpen. Tumayo ako at lumabas ng opisina ko.

"Nandiyan ba si Terrence?" Tanong ko kay Celie.

"Yep. Ayiiee, ano gagawin niyo ha?" Sabi niya.

"Secret." Sabi ko at ngumiti. Tumawa siya at pumasok na ako sa loob.

"Come on, game's over Terrence! Hayaan mo na si Ayeza! Tigilan mo na yang revenge mo!" Narinig kong boses ng isang babae. Si Marga.

"Leave, Marga. Leave before I forget that we were friends!" Sabi ni Terrence.

"No! I won't leave until you come to your senses! Tumigil ka na Terrence! Let her go!" Sabi ni Marga.

"I told you, no one can ever separate us again. At kung ano man ang putanginang dahilan niya nung iniwanan niya ako, sisiguraduhin kong hindi na iyon muli magiging sagabal saamin." Sabi niya.

"Then let's find a better reason to separate you both." Sabi ni Marga at hinalikan niya si Terrence.

Para akong tinutusok ng punyal sa dibdib habang pinapanood ko ang labi ni Marga na gumalaw sa labi ng asawa ko. Isinara ko ang pintuan at hindi ko na itinuloy amg pagpasok.

"Oh, bakit ka umiiyak?" Tanong ni Celie.

"Wala. Babalik nalang ako mamaya. May kausap si Terrence." Sabi ko.

"Huh? Wala naman akong napansin na pumasok. Siguro kanina nung nag cr ako." Sabi niya. Ngumiti lang ako at pumasok na sa sarili kong opisina. Kinuha ko ang bag ko at lumabas na ng building. I need time. I need to refresh. Everything is just too much to handle.

Sinakyan ko ang koche ko at nagpunta ako sa isang lugar na tanaw ang buong syudad. Nagpalipas lang ako ng oras doon with my deep thought.

Nararapat nga ba ako kay Terrence? I'm dying to know. Gusto kong malaman kung ano ang meron at pilit kaming pinagtatagpo at nagkakasakitan. Gusto kong manatili this time. Hindi na ako bibitaw ulit. Hanggat kaya ko, at gusto niyang manatili ako, mananatili ako. I'll be Mrs. Saaverda as long as he wants me to.

If I StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon