Chapter 7

8.2K 322 7
                                        

Shan's note: This is not an extra chapter anymore :))) Freya at the sideee~ Ang ganda niya pag naka gown no guys TT^TT

***

Ang bilis, new year na agad. Di parin kami nakakapag training, pano kasi namove ng namove yung duel--busy daw kasi mga prof namin sa clans nila. Kaya eto kami nasa garden ng Infernus Empire, sa kingdom nila Zack at nag ka-countdown...

"10! 9! 8! 7! 6! 5! 4! 3! 2! 1! Happy New Year!" Sabay sabay na sigaw naming apat. Ito yata yung unang new year na hindi ko kasama si mommy pati si Caprice. Miss na miss ko na si mommy. Pero ngayon, magsisimula ako ng bagong buhay. Bagong buhay na wala sila.

Di ko namalayan umiiyak na pala ako.

"Oh? Freya new year na new year umiiyak ka?" Sabi sakin ni Zack na ngayon ay kung maka akbay akala mo kami -_____-

"Wala to. Namimiss ko lang sila mommy."

Biglang sumabat naman si Alex

"Wala ba kayong traditions kapag new year?"

"Oo nga, Renren meron naman siguro diba? Para naman kahit papano mabawasan pagkamiss mo sakanila." Singit ni Lorraine.

Renren? Ako ba yun?

"Yap. Ikaw yun, may Renae ka diba?"

"Ah oo. Tradition namin? Every new year ginagamit naming arrow yung mga fireworks namjn. Tapos sisindihan namin saka itututok pataas."

Dalawa lang kami ni mommy na hilig yung pana. Si Caprice kasi gusto nun sword.

"Ah ganun ba? Paaaaaa! May fireworks pa ba tayo jan?" Sigaw ni Zack kay tito. Si Zack lang yung may parent na nandito. Daya! Amp.

"Meron! Bakit?"

"Pahingi isa! Daliii." Walang galang talaga to -____-

"Oh eto! Ingat ah."

"Opo opo! Oh eto nga pala, pana. Ginawan kita. Gamitin mo muna yan hangga't di mo pa alam kung pano palakihin ulit yang kwintas mo."

Wooow! Ang ganda!

"Thank youuu Zack!"

"Wala yun, Merry Christmas and Happy New Year! Sige na gawin mo na yung ginagawa nyo."

Nilagay ko na yung fireworks dun sa pana ko tapos tinutok ko pataas. Si Zack na yung nagsindi. Mga sampung fireworks din pinaputok ko.

Pagtapos ko, pwinesto na ni Alex saka ni Lorraine lahat ng natitirang fireworks pati ilang fountain tapos lahat kami may hawak na lusis.

Yung mga fountains saka lusis si Zack yung nagsindi tapos yung fireworks si tito.

"Hey Zack! Thank you ulit." Sabay hinalikan ko sya. Sa cheeks lang wag kayong ano!

"Chumachasing kana Renren ah." Hayop ka Zack -____-

"Nabasa namin yun!" Sigaw nung tatlo.

"Freya di mo naman agad sinabi sakin na may gusto ka sa anak ko, edi sana pina engage ko na kayo dati pa. Hahaha!" Aw, grabe si tito. Di ko na nga gagawin yun ulit!

"Tito naman eh. Nag thank you lang po kasi ako."

"Haaay. Pareho talaga kayo ni Eliana, ganyan din sya pag nag papasalamat."

Yieee. Manang mana ako kay mother dear! Kaso namimiss ko na talaga sya :(

"Wag kana malungkot Freya. Ayaw ni Eliana na nakikita mga mahal nya na malungkot. Start your new year with a smile, not with a cry. Sige ka baka buong taon lagi kang malungkot."

"Salamat po tito! Ay Zack pwede pumasok muna ko sandali?"

"Sige sige! Balik ka agad ha?"

"Okaaaay!"

Pumasok nako sa bahay, tapos dumiretcho sa kwarto. Umiyak ako ng umiyak hanggang makatulog ako. Bigla nalang akong nagising dahil sa isang napaka pamilyar na boses.

"Freya."

"M-m-mommy?" Eto nanaman ako, umiiyak. Si mommy nasa harap ko ngayon, nakangiti at sobrang liwanag.

"Freya, anak. Tahan na. Alam mo namang ayaw kitang makitang umiiyak, hindi ba?"

"O-opo. Kaso m-ma miss na kita!"

"Miss narin kita. Pero ayokong makita kang laging malungkot ha? Oh eto, kwintas. Matagal nang nasakin yan, dapat ibibigay ko yan sayo bago kami umalis kaso may nangyari. Laging mong isuot yan nang maramdaman mo na lagi mokong kasama."

"M-mommy. Opo! Lagi ko itong isusuot. Salamat po! Miss na miss na kita." Humihikbi kong sagot sakanya ngunit nakangiti ako.

"Muka kang ewan, Freya! Hahaha! Ngumiti ka lang, wag nang humihikbi. Miss na rin kita at mahal na mahal kita. Wag mong kalimutan na hanapin si Caprice ha? Happy New Year, Freya Renae! Wag mong isipin na hindi mo na ako kasama ngayong bagong taon dahil hinding hindi ako nawawala sa tabi mo."

Di ko talaga mapigilang umiyak habang nakikita si mommy na unti unting nawawala. Tiningnan ko yung kwintas na binigay nya. Muka itong hangin, kulay blue. Ang ganda tingnan, nakaka kalma.

Kailangan ko na pala bumalik sa labas, baka iniintay nila ako. Di pa kami kumakain eh.

Lumabas nako sa kwarto at nakita ko silang lahat sa sala. Lumapit sakin si tito.

"Nakausap mo ang iyong ina, hindi ba?"

"Opo."

"Naitanong mo ba kung paano palakihin ulit yang kwintas mo?"

Ay! Anobayan! Sa sobrang kadramahan ko nakalimutan ko pa.

"Ah eh. Hindi po eh, pasensya na."

"Okay lang yun, malay mo kusang lalaki yan. Osya! Kainan na!"

Pumasok na ulit kami sa loob saka dumirecho sa dining hall.

Marami rami rin kaming handa. May lechon, leche flan, spaghetti, graham, biko, puto at marami pang iba! Sabi nga nila papupuntahin pa nila yung mga teachers ng REA dito para makakain. Sobrang dami kasi ng handa eh!

Maya maya nilabas na ni Lorraine yung red wine tapos nilagyan mga baso namin saka nagsalita.

"Happy New Year sainyo! Thank you kasi naging parte kayo ng 20** ko. Lalo na sayo, Renren. Matagal na tayong magkakilala. Salamat sa mga kabaitan nyo. Osya! Cheers na!"

"Cheers!" Sigaw naming lahat.

Masaya na malungkot ang tema ng new year ko ata ah. Hahahaha!

But something's not right...


Royal Elemental Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon