***
Freya's Point of View
Finally! Makakaattend narin kami ng classes. Ano nga pala first sub?
"It's history." The three of them answered me in unison. Ano pa bang aasahan ko eh nakakabasa slash nakakarinig kami ng isip.
"Ohh. Classmates tayo?"
"Yup! Classmate din natin yung mga Royals" Alex answered.
Grr-reat! Classmate pa namin si Veronica =3=
"Hindi lang si Veronica teh! Pati yung nagiisang alipores nya."
"Uh? Royal din?"
"Yap. You'll know her later, tara upo tayo sa likod. Dun lahat Royalties"
Dumirecho kami dun sa likod kaso I felt something weird, parang may nakatingin sakin pero he or she is far from me.
Hinayaan ko nalang yun tapos umupo na malapit sa bintana. Pagkaupo ko dun ko narealize na ang ganda pala ng buong REA, from my place kasi nakikita lahat. Yung room kasi namin nasa pinaka taas ng academy.
Maya maya dumating nadin teacher namin, she look very young! Pero ang alam ko mga teacher namin may mga anak na saka mga dutchess and dukes ng bawat Clan ng Royals
"Goodmorning class!"
"Goodmorning ms!" we all answered without her name, di namin sya kilala eh.
"Hahaha, I think I should introduce myself first. As you can see, old students, I'm your teacher in history and herbology since your first year in here."
"Omygosh! Ms. Clare? Naira! She's your mom? How did this happen?" sigaw nung nasa harap ko.
"Yes Ms. Fortalejo. I am. As you can see our power is plants, and I'm also your herbology teacher. I made a tea, that could make me look young again. Amazing isn't it?"
Gosh! I should know how that tea is made. Ang galing kaya.
"Mom! Oh please, stop this nonsense. Umaasa tuloy sila na kaya nilang gawin yung tea." As I've heard kanina sya si Naira.
"Naira Mendez; Ms. Clare's daughter and heiress of Environs Clan." bulong sakin ni Lorraine.
"Your highness." Tawag ni Naira, I don't know kung sino samin ni Lors. "Princess Lorraine, I heard that you have spoken my name with an unknown reason."
"Yes. I did. I just told Princess Freya what she needs to know. I mean she needs to know you."
"Ah. Hi! Princess Freya! I'm Naira, heiress of Environs Clan. Hope we'll get along well." Whaaat? Akala ko bitchy sya eh. Di naman pala.
"Hi! I hope so."
"Girls?" Singit ni Ms. Clare samin.
"Sorry ms!" sabay sabay na sagot naming tatlo.
"So class, I don't need to you to introduce yourselves one by one because I already knew all of you. So now, we'll be starting our class." Ito lang ang school na walang introduction of yourself chuchu ha.
"Now, who knows King Zerion?"
Lahat sila nagtaas ng kamay, well, except for me.
"So, Freya, you're the only one who doesn't know him. But did you already heared his name?"
"Yes, I did." Nakwento sya sakin nila Alex.
"What do you know about him?"
"There's only one thing that I knew about him, he's the great grand son of King Zeus."
"Good! And King Zerion is the first one who summoned the Spirit Of Elements, just like what you did in the duel betweeen you and the mother of Veronica."
Feeling ko may nakatitig sakin sa bandang left side dun sa may harap. Kaya tiningnan ko kung sino nandun, dun ka narealize na nandito na pala si Veronica. Nakatingin din sakin ng masama yung katabi nya.
I tapped Lorraine's shoulder to get her attention.
"Ow?"
"Lors, sino yung katabi ni Veronica?" Tiningnan nya muna bago sya nagsalita.
"Ah yun? She's Crystal Roux, heiress of Glacè Clan. Siya yung sinasabi ko sayong nagiisang alipores nya."
"Ohh.."
Familiar sya eh, I think I've seen her before. Wait, ugh! Nevermind.
I turned my attention to Ms Clare again, I raised my hand and ask her directly.
"Ms?"
"Yes?"
"How come I summoned the Spirit Of Elements?"
"Even the other leaders my dear don't know the reason. But I think you're special, you're other talents is the other elements. Be proud of it! It's the first time for a student to have those special talents."
"Ohh."
Nahuli kong inirapan ako ni Crystal saka Veronica. Pero yung iba nakatitig lang sakin at nakangiti.
*SCHAAACKKKK* (sounds po ng nabasag na salamin haha)
Nasira yung pag didiscuss ni Ms, dahil sa biglaan nabasag ang salamin na banda dun sa second row.
Imposibleng may makabato dto sa room namin! Nasa pinakatuktok to eh!
Nagulat ang lahat ng biglang may lumitaw na babae sa likod ni Ms Clare at may nakatutok na punyal sa leeg nya.
Lahat sila sumisigaw na at lalabas na sana pero may mga lumitaw sa tapat ng mga pinto ng kwarto na naka itim, Itim lahat ang suot nila. Mata lang nila ang nakikita, pula. Pulang pulang mga mata.
Pero yung sa babae, yung babaeng nasa likod ni Ms. Clare ngayon! Pamilyar ang mga mata nya.
Ang mga matang iyon, ang mga matang bughaw na kelan man di mawawala sa puso't isip ko.
"Bitawan mo sya!" Sigaw ni Naira. Kasunod nito ang pag release niya ng leaf blades.
Ngunit di tinamaan yung babae dahil mabilis syang naglabas ng air wall at nagrelease ng air blades.
Na ikanagulat ko naman dahil itim na hangin ang mimanipulate niya.
Muntik ng tamaan si Naira pero dahil umilag sya halos masira na yung classroom namin.
Lalaban na rin sana kami nila Lorraine pero unti unti silang nawawala. Di ko tinanggal ang titig ko sa babae kanina, nakita ko rin ang pagsaksak nya sa bandang bewang ni Ms Clare.
Pero ang mga matang iyon talaga ...
"Mom! Yung pendant mo nakuha ng babae!"
"N-no need to worry. Atleast I'm still alive."
"Let me heal those wounds ms!" Sabi ni Lorraine.
Pero gulong gulo padin ako, ang mga bughaw na matang iyon.
Di kaya, sya nga talaga yon?
Pero hindi. Imposible mangyari yon.
Dapat ko siyang makita ulit, ng malaman ko kung sino ba talaga sya.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Royal Elemental Academy
FantasyLet's join Freya Renae Aeroin in discovering the world of not-so-ordinary royalties. Let's join her in discovering this school, Royal Elemental Academy
