Prologue
Naranasan mo na ba ang mainlove sa bestfriend mo? Ang hirap di ba? Lalo na kapag ikaw yung tinatakbuhan niya pag may bago siyang nililigawan, ikaw yung palagi niyang nilalapitan kapag manghihingi siya ng advice, kukulitin ka ng kukulitin hanggang sa tulungan mo na siyang pumorma dun sa taong gusto niya at once na nakuha niya na yung attention ng nililigawan niya, iiwan ka na niya....
Ang ironic nga isipin na kahit gaano mo siya ka-ayaw tulungan o samahan, isang text o tawag niya lang nya... Ayan, nandyan ka na. Syempre bestfriend eh. Susuportahan mo siya kung saan man siya masaya. Kahit na alam mong kapalit nun, ikaw naman ang masasaktan. Ulirang bestfriend award? Haha. But wait...
Siguro nga masyado nang common 'tong tanong ko tungkol sa magbestfriends. :))
Kaya subukan nating lagyan ng twist.
Paano kung nainlove ka sa bestfriend mo tapos may boyfriend ka?
Anong gagawin mo?
Kaya mo bang iwan ang relasyon ninyo ng boyfriend mo at isugal ang pagkakaibigan ninyo ng bestfriend mo...
para sa hinahangad mong pagmamahalan?
Paano kung pareho mong mahal ang boyfriend mo at ang bestfriend mo?
Sino ang pipiliin mo?
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N
Hi guys! Sorry sa Prologue ko. :)) Hindi siya ganun ka-haba at medyo madrama. =))
Pagbigyan nyo na po! First time ko lang kasi magsulat ng story dito sa Wattpad. :D
Nakakainspire kasi yung mga friends kong writer din dito. Kaya naisipan ko ring gumawa ng sarili kong story. :bd
I dedicate this story to my bestfriend and lover, J. :"> Nakss. Hahaha.
Anyway, sana po makarelate kayo. Lalo na sa mga girls. I'm sure at some point in your lives naramdaman niyo rin ang feeling na, 'torn between two'. Haha :)
Well, basically this story is for everyone. Mapa-teen or adult pwedeng pwede! I hope you all enjoy. I'll try my very best para maging maganda yung story. So anong masasabi niyo sa Prologue ko? Nakakarelate ba kayo?
VOTE. LIKE. COMMENT. BECOME A FAN. SUGGEST TO FRIENDS.
BINABASA MO ANG
Tough Love
Teen FictionPaano kung nainlove ka sa bestfriend mo tapos may boyfriend ka? Kaya mo bang iwan ang relasyon ninyo ng boyfriend mo at isugal ang pagkakaibigan ninyo ng bestfriend mo, para sa hinahangad mong pagmamahalan? Sino ang pipiliin mo?