Chapter 5.5
Nakakakilabot naman yung chat ni Pao at Jessica. Potek. Sa tuwing mababasa ko yun nagkakagoosebumps ako eh. Hahaha. =))
Talagang away na to, to the highest level! Antaray :)) Tipong nagsisigawan sa chat pero sa personal kung sila talaga yun, malamang tahimik lang yung mga yun. :)) Hahaha.
Meanwhile, hindi lang naman sila ang nag-aaway kundi pati rin kami ni Ian. Pano ba naman kasi ilang beses ko na siyang sinasabihan na wag nya ichat yung babaeng yun, pilit parin niyang chinachat sa Facebook yung classmate ko dati!!! Nakakabadtrip.
Away fest nga daw eh sabi ni Pao =)) At nag-goodluck pa yan sakin ha! Sana daw magka-ayos kami agad. :)) Haha, epal talaga tong gagong to eh no.
Nagdadrama nga din ako nung time na yun kasi feeling ko ako talaga yung reason kung ba't sila nag-away. Ewan ko kung bakit may feeling of guilt kasi considering the fact na ako yung tumulong kay Pao para ayusin yun, siguro ako din dahilan kung bakit hindi naayos. WHATEVER! Arghhhh. Sabi naman ni Pao hindi ako dapat magdrama kasi hindi naman daw ako yung reason, pero still... Why am I feeling this now?
Nung araw din na yun, nagkabati na kami ni Ian, for the nth time. Pinagbigyan ko na. E syempre ano pa bang use ng second chances? Matuto naman sana to sa mga pagkakamali nya. Turns out, sa tuwing pagbibigyan ko siya inaabuso nya na e. :|
Kinabukasan, pinasa sakin ni Pao yung pinagusapan nila. Ang tiyaga niya nga eh. Haha. Sobrang tsismosa ko talaga. Pinapasa ko kaseee. Wala lang. :p Gusto na rin kasi ni Pao na matapos yung away. Alam kong ayaw niya rin naman ng ganun.
Tinanong siya ni Jes kung kakausapin pa daw ba siya ni Pao, at nagtanong naman si Pao kung bakit pa sila mag-uusap... Ang sabi naman ni Jes, para matapos na yung lahat ng hindi pa ayos. kasi nung huling beses daw silang nag-usap, nag-away lang sila.
Sabi naman ni Pao..." Tapos na yun. Ano pa bang hindi mo naintindihan?".. At sabi ni jes.. "Ganun ba.. Wala na talaga. Sige. Ayaw mo naman eh. Siguro wala na ding worth kung magkausap pa tayo. :'("
"Hah? Kailan ko sinabing ayaw ko? Iba ata pagkakaintindi mo eh?"
"May feelings ka pa ba para sakin?"
"Yung friends na part di mo naintindihan? Gusto mo pa ata ulitin ko, Jes naman eh -.-"
"I want you to be just my friend. Nothing more, nothing less. Ok Jess?"
"Di ko lang siguro matanggap yung sinasabi mo, kaya di ko na maintindihan. At andami na rin natin nasabi, di ko na alam dun kung ano na ba talaga."
"Sana dati pa ko nagselos para di ganito kasakit na malaman yang sagot mo."
"Sorry kung masyado kang nagexpect. Di ko din alam na ganito kalalabasan. Pasensya na, sana maintindihan mo."
"Sige, matutulog na ko, kung ayaw mo maging friends, ikaw na bahala. Nyt."
"Sorry naman lagi eh :((( Wala naman akong sinasabing ayaw ko eh. Kaso sana malaman mo kung bakit ako nasasaktan ng ganito. Ok. Nyt."
Kahit siguro sinong babae masasaktan sa ginawa ni Pao. Hindi naman talaga tama yun. At ayokong kunsitihin siya at lalo na ang pakielaman ang buhay niya. Pero bottomline, sinabi niya na, na nagpapakatotoo lang siya sa sarili niya nung mga oras na yun. Hindi naman din siguro niya intensyon na saktan si Jessica o paasahin man... Knowing him, nakita ko kung paano niya binigay yung time and effort niya kay Jes. To the point na ako yung naging daan para maging close sila. Hindi man direct, pero masasabi mong ako talaga.
BINABASA MO ANG
Tough Love
Teen FictionPaano kung nainlove ka sa bestfriend mo tapos may boyfriend ka? Kaya mo bang iwan ang relasyon ninyo ng boyfriend mo at isugal ang pagkakaibigan ninyo ng bestfriend mo, para sa hinahangad mong pagmamahalan? Sino ang pipiliin mo?