Chapter 6

74 0 0
                                    

Chapter 6

October 23, 2011

5:50 akong nagising. Tinext ko kaagad si Pao. sabi ko,

"Pao"

"Gising na!!!!!"

"Uyyyy"

"Wake up!"

"What the eff?"

"Hay nako ang himbing pa ng tulog mo, patay na."

"Uyyy yoo!"

"Dapat gising ka na by now. What's happoning?"

"Uyy gising!"

"Pao, wake up!"

"Uy lalake asan ka na? Nako ang layo pa ng panggagalingan mo gumising ka na! :)))))"

Tapos nagreply din ang mokong sa wakas. 

"What's happoning? Sorry kakatapos ko lang maligo."

Okay, OA masyado ako. =))  Kala ko tulog pa siya eh, gising naman pala. Nauna pa pala siyang nagising sakin di lang siya nakapagtext ng maaga kasi nahihilo pa siya at 3 hours lang daw ang tulog niya. So ayun na, Umalis na kami ng bahay. Siya naman nag MRT. So nauna kaming dumating ni Gian(Brother ko) sa McDo(meeting place) Sumunod si Mama na galing sa trabaho. (Call center agent) Tapos si Princess(Pinsan ko) lastly, si Pao. Inaabangan ko pa sa loob yung pagpasok niya nasa tapat ko na pala =))

Ayown, nag CR siya pagkadating at pagkatapos nauna na sina Mama. Hinintay ko naman siya sa loob ng McDo. So lumabas na siya tapos sumakay na kami ng bus papuntang Mariveles. Pagsakay sa bus, nagkatabi kami. Left side, bandang likod ako nakaupo. Siya yung nasa mirror side! Unfortunately. Geh, pagbigyan na :| Tengene leng.

Ako nasa gitna. Palabas palang yung Planet of Apes nung gumora na yung bus. Haha. Nanood sila, wala lang. HAHA. Dafuq!

ANG SAYA KO KASI NAGKITA KAMI ULIT. Eto kasi yung first time simula nang magkabati kami eh. Kaya hindi matatawaran yung moment. CHOS! Tawanan nga kami ng tawanan sa bus eh. Pero maya maya nakatulog na siya. Hinayaan ko nalang kasi nga alam kong puyat yung tao. Nagising na siya nung nasa Sn. Fernando na kami. Pagkababa ng bus,sumakay na kami ng tricycle. Pagdating samin, nag-mano kami sa lola at lolo ko at nag unpack ng gamit.

Kumain muna kami ng pandesal at uminom ng juice. Later on, nagkanya kanya na kami. Nanood muna kami ng Twelve, starring Chace Crawford :"""> yieeee tapos a walk to remember na sobrang corny. joke! Nakatulog na ko sa sofa, siya rin. Ulo-to-ulo. Nasa taas ng ulo ko yung ulo nya, gets? haha >-|-o o-|-< ganyan itsura namin pagkagising :">

Naglibot muna kami ni Pao sa barrio kasama yung pinsan kong super supportive na si Princess :) Dun ko sila dinala sa may palaisdaan. Natakot si Pao kasi baka may mga palaka dun =)) So nagpicture picture lang kami, tapos naglakad lakad na ulit. :)) Pumunta kami sa may malapit sa peryahan. Wala lang, gusto lang daw nilang tingnan. Eto namang si Pao, bawat makitang poso, binobombahan.Kulit lang eh. :p Ayun, umuwi na kami pagkatapos makita yung ferris wheel na walang kwenta. Ang daming gamu-gamo!!!

Eto na, kinagabihan, nagluto yung lola ko ng turbo chicken. :)) Pinauna na kaming tatlo na kumain. Nagkamay kami. Well, siguro nagutom yung dalawa so, nung ako tapos na kumain, sila naman nilalantakan pa rin yung chicken.Hindi pa nakuntento, talagang mukhang balak nilang ubusin yun! :)) Si Princess tumigil na pero si Pao ayaw talagang paawat! Nililigpit ko na yung plato kumukuha pa rin siya. Favorite food niya kasi yung chicken.  Ngayon, tinawag ako ng lola ko.. :o Tinanong ako kung naubos ba daw namin yung chicken. Sabi ko oo. :)))) Ang sabi naman niya baka raw hindi magkasya sa kanila yung isa pang manok. Hahaha!

Dumiiretso na ko sa kusina, medyo nahiya naman kasi ako. :))Nagdala ako ng PG na kaibigan. JOKE hahahha! PEACE TAYO PAO. :D Hinugasan ko na yung mga plato, sina mama naman pumunta sa patay kami naman naiwan, nanood nalang kami ng tv. :D

I forgot! nung hapon pa pala, tinuruan ko magtumblr si Pao. Ang cute nga niya eh. nyahahha :)) Wala lang. Hmmmm?

Nung tinamad na kami manood nagsiligo na kami at nagdecide na matulog na. Kami ni Princess, natulog sa kwarto ng lolo at lola ko, si Pao naman nagstay sa may guest room. :)) Nung naliligo pa siya, naisipan kong mantrip. :)) hahaha. Nag text ako sa kanya, ang nakalagay...

"BAKA MAKITA MO YUNG PUGOT SA KISAME AT YUNG NAKAPUTI NA GUMAGAPANG SA ILALIM NG KUMOT. PAKI KAMUSTA NA LANG AKO SA BATANG KATABI MO..."

HAHAHA. LAUGHTRIP. TENGENE. :)) Natakot siguro yun, siya lang kasi magisa sa kwarto eh. Nagreply pa siya bago matulog, ang sabi naman...

"Eff ka talaga grabe na hindi na ko makakatulog nito baka may lumabas pa sa ilalim ng kama, hahahhaa!" 

Ayun,excited na ko for tomorrow! Fiesta na! Yyaaahooo, sleeping time. :)

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N:

Hello! Im back. Naisipan ko lang ituloy to sayang kasi eh. Ayun as usual ang boring na ng story ko. Pero ngayon hindi ko na goal ang magkaroon ng maraming readers kasi ang mas pinaprioritize ko eh yung pagshshare ng kwento ko. True to life to. Halos. Oo. Kaya mahalaga sakin to part kasi siya ng pagkatao ko. Nakakatuwa na pag binabasa ko ulit yung bawat chapter naaalala ko yung mga dating nangyari sa buhay ko. Which is very important to me. Sana kahit na hindi ko laging nauupdate to eh magawa niyo parin pong suportahan ako. Maraming salamat po. :)

VOTE. LIKE. COMMENT. BECOME A FAN. SUGGEST TO FRIENDS.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tough LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon