October 12, 2011
(Pao's POV)
Nag-PM ako kay Jessica pagbalik ko galing sa tindahan.
Pao: Haha. OL agad.
Jes: Haha. Ako lang ba? Pinaloadan mo si Tammy?
Pao: Lol. sabi nya kasi sendan ko sya ng load eh. Hindi ko naman alam yung pin ko sa phone. Di makakapagsend kaya yun pinaloadan ko nalang.
Jes: Wow. Ok.
Bakit kaya? May mali ba sa ginawa ko?
*few seconds later....
Pao: Bakit?
Jes: Wala....
Pao: Ano nga?
Jes: Wala nga sabi. Paulit-ulit?
Okay parang naiinis na siya. Gusto ko lang naman malaman kung anong mali sa ginawa ko tapos siya pa tong mukhang galit. >.< Hayy.
Pao: Okay. Galit?
Jes: No. I'm not, I have no right.
Pao: E bakit bigla kang ganyan?
Simula nung nalaman niyang pinaloadan ko si Tammy parang ang cold na ng mga reply nya. Yun ba yung dahilan kung bakit siya nagkakaganyan? Bes namaaan.
Maya maya. Nakita ko tweet nya..
"Bv. Tengene. -_____-"
Ano ba talaga? Sabi niya di siya galit, pero halata naman sa mga tweet nya. Bestfriends nga kami pero hindi nya naman sinasabi sakin kung ano ba talagang problema niya at kung bakit siya nagkakaganyan.
Jes: Gusto mo talaga siya nuh? :(
Pao: Hah? Hindi. Grabe naman.
Jes: Ok.
Pao: Ano ba yang mga iniisip mo? Paloadan din kita gusto mo?
Jes: Wala. Wag na, may load na ako.
Pao: Hindi ka nag-ask. Bibigyan naman kita.
Jes: Sus. Ayoko mag-ask sayo nuh.
Nagseselos ba siya? Hay ewan ko ba kung bakit siya nagkakaganyan. Tsk. Sinabi niya pa sakin na wag ko na daw pansinin yun kasi nag-overreact lang daw siya kanina. Pero nung tinanong ko naman kung anong nangyari, ayaw na daw niyang pag-usapan. Di ko talaga maintindihan mga babae. -__-
Naguguluhan na talaga ako sa mga pangyayari. Ba't ba ayaw niyang sabihin?
Jes: Hai.
Pao: Bakit nanaman?
Jes: Wala. Masama lang pakiramdam ko.
Pao: Bakit? Dahil nanaman sakin?
Jes: Hindi naman siguro. Di ako galit sayo.
Pao: Okay. Kitang kita ko nga.
Jes: Hindi na.
Pao: Hindi na? So it means nagalit ka pa rin.
Jes: Nagselos ako. Okay? Tapos na. Pero wala naman ako karapatan kaya nevermind.
Sabi ko na nga ba, tama ang hinala ko. Nagselos nga siya. Pero tulad ng sabi ko sakanya, friends nga lang kami ni Tammy at friends lang din kami ni Jes at wala akong maisip na pwedeng reason para magselos siya. Buti sana kung may commitment kami.
BINABASA MO ANG
Tough Love
Roman pour AdolescentsPaano kung nainlove ka sa bestfriend mo tapos may boyfriend ka? Kaya mo bang iwan ang relasyon ninyo ng boyfriend mo at isugal ang pagkakaibigan ninyo ng bestfriend mo, para sa hinahangad mong pagmamahalan? Sino ang pipiliin mo?