Chapter 1
(Tammy's POV)
October 8, 2011
3:00 PM
*buzz* *buzz* *buzz*
Ang sarap sarap ng pagkahiga ko sa kama ko nang bilang nagvibrate nanaman yung phone ko.
Sino nanaman kayang nag-text? Pshhhh.
1 message received
Opening message...
"Thank you sa lahat Anne, John, Tammy and Joy. Hindi naman sa ganun. Hindi ko naman kayo hinusgahan. Masama kaya yun. Haha. Sorry talaga kung bigla na lang akong lumayo sa inyo kahit sa last day hindi ko kayo nakasama. Sobrang nanghihinayang nga ako na lumayo ako. Ang saya niyo kaya kasama. Super. Kaya mamimiss ko kayo more than anyone in our class. :bd Kahit sandali lang tayo nagkasama. Salamat sa oras. Mamimiss ko kayo. Sana magkita pa ulit tayo. Ingat kayo palagi. Love you lots friends. Pagbigyan niyo na 'tong text ko, minsan lang mag-drama. Haha."
From:
Unknown number
Wtf is this shit? Ano nanamang drama 'to? -______- At ba't naiiyak ako? Waaaaa. Nako. Ayokong umiyak dito. Tirik na tirik ang araw tapos ang emo ng text. Grabe lang. Pero hindi na ko magtataka kung sino yung nagtext.
Obvious naman kung sino kahit number lang ang lumabas. Duh? Memorize ko lang naman kasi yung number ng bestfriend ko, si Paolo. Sino ba namang hindi makaka-memorize ang number ng bestfriend nila? :))
Ano rereplyan ko ba tong ugok na to? Ughhh. Ano namang sasabihin ko? Biglaan nalang kasi kung mag-text tong si Pao. Ang tagal-tagal na naming hindi nagkakausap tapos all of a sudden and randomly biglang makakatanggap ako ng text sa kanya. What the eff. Teka, natataranta na ko. Mamaya na yan.
Papakilala muna 'ko. Haha. Hello! I'm Samantha Jane Garcia. "Tammy" for short. 16 years old. College Freshman sa Centro Escolar University-Manila.
Kung tatanungin mo kung bakit sa CEU ko napiling mag-aral, yun ay dahil hindi lang naman ako pumasa sa UP at UST. Two of my dream schools. Ewan ko ba kung bakit sa CEU. Nung may Career Talk kasi dati sa SAS (St. Andrew's School- my former school) Sinabi nila na maganda daw ang business course sa CEU. So nag-go na ko. Pumayag naman ang parents ko kasi sariling choice ko naman kung saang university ko gustong pumasok.
Bachelor of Science in Business Administration major in Management naman ang kinuha ko since nagbago ang isip ko nung interview ko dahil sabi nila mahirap daw ang Marketing Management. Saka business course pa rin naman yun eh. Haha. Wala din masyadong difference. Bata pa lang ako, mahilig na ko magbenta ng kung anek anek. =)) And to be practical, mostly naman ng mga successful ngayon ay business people. Di ba?
So yun, napunta ako sa 1A kasi kaunti lang naman yata kaming nag-enroll sa ganung course. Mostly kasi ng nag-eenroll sa CEU either Dentistry, Pharmacy, Opto etc. ang kinukuhang course. Kasi yun ang specialization nila. Pero never kong pinagsisihan na dun ako nag-aral at yun ang pinili kong course kasi maganda naman din sa CEU.
Grade 5 pa lang ako nang lumipat kami ng family ko from Pampanga to a subdivision here in Parañaque malapit sa airport. Mahirap daw kasi ang buhay sa probinsya sabi ng mga magulang ko dahil wala daw silang mahanap na trabaho. Pero umuuwi uwi naman kami dun tuwing may okasyon o kaya naman tuwing bakasyon. Dinadalaw namin yung mga relatives ko sa mother side. Fluent ako magkapampangan kaya nagkakasundo din kami ng mga classmate kong kapampangan din tulad ko. Cool nga ng ganun eh. :)) :bd
BINABASA MO ANG
Tough Love
Teen FictionPaano kung nainlove ka sa bestfriend mo tapos may boyfriend ka? Kaya mo bang iwan ang relasyon ninyo ng boyfriend mo at isugal ang pagkakaibigan ninyo ng bestfriend mo, para sa hinahangad mong pagmamahalan? Sino ang pipiliin mo?