"Sacrifice"

32 8 0
                                    

(Yang's POV)

Pagkatapos nang nangyari,hindi na ako nagpakita kay Yin at sa pamilya nya.Tama lang na tapusin na namin ang pagkakaibigan namin dahil ayoko nang maisip nya na ako ang sagabal sa kaligayahan nya.Sana lang talaga hindi kami magkita ni Yin sa school ngayon dahil mga isang linggo narin kase kaming hindi nagkakausap at nagkikita.

Akalain nyo naman yun noh? sa loob ng matagal na pagkakaibigan namin,matatapos nalang ang lahat ng ganun.Dahil lang sa mahal ko sya at mahal nya yung ugok na Andrew na yun nagawa kong isugal yung pagkakaibigan namin.I really hate myself.Gusto kong yakapin si Yin nung umiyak sya at sabihing lahat nang yun ay ginawa ko lang dahil sa gusto ko na sya bigyan ng kalayaang maging masaya na hindi ako kasama pero alam kong mas nakakabuti kung hindi na nya malaman pa ang mas malalim na dahilan.Yun ay ang pagbibigay ko sa kanya ng kalayaan dahil mahal ko na sya na higit pa sa pagkakaibigan at ayokong mas lumala pa yon.

Kaya kong isakripisyo lahat wag lang malaman ni Yin na gustong gusto ko sya.Hindi lang gusto,kundi MAHAL na MAHAL.

Ayoko talagang masaktan nang todo kapag nalaman nya ang totoo at sabihin mismo sa harap ko na kaibigan lang talaga ang turing nya sa'kin.

Sana lang talaga maintindihan nya ako kahit di nya alam ang dahilan ng lahat ng ito...

"Yang?"

sambit ni dad na nasa pintuan na pala ng kwarto ko.Habang ako'y nag aayos na para makapunta na sa school.

"Yes Dad?"

Aaminin ko, pag lasing lang talaga si Dad nagagalit.At ni minsan hindi nya ako at si mom pinabayaan.

"Yang,Tapos kana jan?bilisan mo at baka ma late kana.Sasama ba sa iyo si Yin papunta sa school?"



"Uhm,hindi na po kami close dad.She's with someone else now.May maraming kaibigan naman sya na makakasama nya."

"Hmmm?? Akala ko ba magbestfriends kayo simula nung mga bata pa kayo?You two are more like magkapatid na nga diba?."

"Dad,past na yun.May malalim akong dahilan kung bakit ko 'yun ginawa."

"What's the reason Yang?"

"Wala kana dun dad."


Naglakad si dad palapit sa'kin at sinabing...

"You're already inlove with her,am I right?"

"U-uhm,dad ma la-late na po ako.Alis na po ako dad.Bye."

Dahil hindi ako nakaimik sa sinabi ni dad,naglakad na ako palabas ng kwarto ko at nilagpasan ko si dad.Instead na sagutin ko sya,nag change topic nalang ako para hindi nya mahalata na yun nga ang dahilan.

"Yang,,wag mong piliting ilayo ang sarili mo sakanya kung di mo naman talaga kaya.Okay lang naman ako na maging kayo cause I already know her simula mga bata pa kayo."

Nagulat ako sa sinabi ni dad nung nilagpasan ko na sya.Seryoso ba talaga sya?Sa pagkakaalam ko kase tutol na tutol sya sa'min ni Yin.Aaarrrggghhh >,< ba't ko ba iniisip si Yin! ang importante nakalayo na ako sakanya at wala nang dapat akong prinoproblema.

"Dad,I have to go.And hindi naman po talaga magiging kami ni Yin noh.That will never happen."

Instead na sagutin ako ni dad,naglakad na sya papunta sa kitchen na walang ekspresyon sa kanyang mukha.Eh kanina lang nung sinabi nya sa'kin na inlove ako kay Yin,nakangiti nga sya.Haaayyyyssstttt...

Habang papunta ako sa school hindi ko napigilang tingnan ang bahay nina Yin.

Aaminin ko,miss na miss ko na sya.I want to make it up to her.Gusto kong malaman nya na gustong gusto ko na sya but I can't...

Parang Tayo,Pero Hindi [On-Going]Where stories live. Discover now