Mary's POV
Hahanapin ko muna si Yang dahil panigurado baka nagkita na sila ni Yin. Tsaka isa pa, nasa iisang classroom lang naman kami.
"Mary!"
Napalingon sa kaliwang bahagi ng canteen at nahagilap ng aking mata si Yang.
"My goodness!" napangiti ako at nilapitan siya saka ako nagsalita ulit. "Yang buti nalang at pinuntahan mo ako rito. Marami kase akong gustong itanong sa'yo." pagkasabi ko no'n ay parang nag iba ang reaksyon nya.
"Ano 'yon? Huwag ka munang magtanong. Sumunod ka muna sa'kin Mary." pagkatapos niyang sabihin iyon ay kaagad syang naunang naglakad sa akin.
"Napakasungit mo naman Yang. You're not like that naman eh." panimula kong sabi habang naglalakad. "Sa'n ba tayo pupunta?" tanong ko.
Hindi niya ako sinagot but instead, he pulled me right at the backyard of the school building. Like what the---?!? nasisiraan ba sya ng bait?!
"Stop acting. May balak ka kay Yin? tsaka bakit ka narito?" biglaan nyang tanong at pinagtaasan nya ako ng kilay. Ano ba'ng problema niya?
"What?! do you have a problem with having friends?" irita at panimula kong sabi.
"Kay bago ko pa lang dito Yang nangangapa pa ako ng atensyon sa ibang students, I'm thankful nga at nakilala ko si Yin eh,dahil ikaw mismo ang nagpakilala sakanya." dugtong ko.
"Why are you so affected anyway?" tinaasan ko rin sya ng kilay.
Pagkatapos kong itanong iyon ay hindi niya ako sinagot at nagpoker face papaalis doon.
What's your problem Yang Santos?
"Hoy!" sigaw ko at dali-dali ko syang sinundan.
Mas binilisan at nilakihan ko yung hakbang ko habang naglalakad para makahabol sakanya at nung magkatabi na kaming naglakad ay sinimulan kong magsalita, "Yang sinabi sa'kin ni Tristan na may problema kayo ni Yin. Can you tell me what's wrong with the both of you?"
Patuloy parin kami sa paglalakad at ayaw paring magpapigil ni Yang at wala rin akong nakuhang sagot, mas nilakihan pa nga niya ang bawat hakbang. Kaya sinabayan ko parin sya.
"Naging kayo ba ni Yin?" pahabol kong tanong kahit hingal na hingal na ako.
"Shut up. Walang kami." seryoso niyang sagot.
"Then bakit affected ka sakanya?"
"Hindi ako affected okay!" agad niyang sabi.
"Nagsisisi ka na nandito ako?" tanong ko at saka huminto.
Nauna sya ng kaunti at saka napahinto rin. Nakatalikod sya sa'kin.
"Of course not. I am not your parent so wala akong karapatan kung saan ka nila paaaralin. Ang prinoproblema ko lang ngayon ay kung bakit nakikipagclose ka doon kay Yin."
Wait, so ibig sabihin affected talaga sya? May sila nga kaya? iyon ang dapat kong alamin.
"Wala namang problema kung makikipagkaibigan rin ako sa bestfriend mo ah. Bestfriends rin naman tayo diba?" tanong ko na ikinagulat niya.
"Yes." tipid niyang sagot. "Edi solved! wala ka nang problema." agad ko ring sabi.
"May dapat ba akong layuan kay Yin? o ako ang dapat lumayo?" tanong ko ulit.
Hindi ako nakakuha ng sagot kay Yang at naglakad siya papaalis.
Ano ba ang tinatago ninyong dalawa sa'kin ha? aalamin ko ang totoo.
YOU ARE READING
Parang Tayo,Pero Hindi [On-Going]
Teen FictionWho would ever thought na ang pagiging mag bestfriends nyo ay magiging trending pala NATIONWIDE?? este--sa paligid.Tapos,di nyo napapansin na pinag-uusapan na pala kayo ng buong mundo na sasabihin pa nilang..."PARANG SILA"pero sasabihin nyo namang "...