Yin's POV
Hindi ako makapaniwalang mas magiging malapit na naman ako kay Yang dahil magkaklase na kami, at hindi ko alam kung paano ko ito matatakasan. Ibig sabihin ba nito ay makakasama ko sya for a year? hindi pwedeee! T_T nakakapagod kaya umiwas nang umiwas.
"Hoy, Yin! halika na. Pumasok na tayo sa loob ng classroom at magsisimula na ang first session.Strict pa naman yung bagong professor natin." nakakunot-noong sabi ni Meg at hinihintay kung ano ang magiging tugon ko sakanya.
"Teka..." pag-aalangan kong sabi.
Alam ko kaseng sa pagpasok ko sa loob ng classroom ay pagtitinginan ako ng aking mga kaklase dahil alam nila na matalik na magkaibigan kami ni Yang.At alam nila na nag-away na kaming dalawa.
"Papasok ka ba? o ako ang magpapapasok sa'yo sa loob ng classroom?" ani Meg.
"A-Ano..ikaw nalang muna ang pumasok.Mag-aabsent nalang ako ngayong araw." mahinahon kong sabi.
"Yin naman eh! kaka-absent mo pa nga lang kahapon eh. Tapos ngayon, mag-aabsent kana naman?" napayuko na lamang ako matapos ko iyon marinig kay Meg.
"Basta. Ikaw nalang muna ang pumasok sa loob." tugon ko at agad na napatakbo papalayo sa kinatatayuan namin kanina.Narinig ko pa nga ang pagsigaw ni Meg sa pangalan ko pero hindi ko sya nilingon.
Habang nagtatakbo ako papalayo roon, ay may nahagip ang aking kaliwang balikat na syang naging dahilan upang akoy mapaupo sa sahig.
"Ouch! Ang tanga mo naman!" galit na sigaw ng babaeng nakatayo sa harapan ko ngayon.
"S-Sorry." nakayuko kong sabi.
"Tss. Fine. Sino ka ba? huwag ka ngang yumuko."
Pagkatapos nyang sabihin iyon ay iniangat ko ang aking ulo upang makilala ko na rin sya.
"Hindi ka man lang ba tatayo dyan sa kinauupuan mo?" sabi nya habang nakapameywang.
Napakaganda nya, may maputi at makinis na balat, may magandang pigura sa katawan, at napakaganda ng kanyang mga mata, napakatangos pa ng kanyang ilong.
Agad na tumayo ako at pinagpagan ang aking sarili.
"I'm Yin Chua. Sorry ulit ah? ikaw anong pangalan mo?" nakangiti kong sabi at inilahad ang aking kamay.
Hindi nya ako sinagot sa halip ay iniirapan lang nya ako. "Whatever." mataray nyang sabi.
Napangiwi naman ako kaagad matapos makita ang reaksyon niya.Hindi ko man lang nalaman ang pangalan nya.Napaka-unfair dahil sinabi ko yung pangalan ko. -_-
Pagkatapos nya akong tarayan ay agad na nilagpasan lang nya ako.Habang ako ay napanganga dahil sa kasungitan ng babaeng iyon.Ugh! >_< nakakainis sya ah.
"Ehem."
Biglang sumulpot sa harapan ko ang adviser namin.Naku,lagot.
"U-Uhm,goodmorning po." sabi ko at agad na pinakitaan si miss Jess ng ngiti. Pero ngiti lang na sapilitan. >____<"
"Tsk,tsk,tsk. Miss Chua, I need to talk to your parents, regarding your series of absences.What's the reason behind all of these?"
PAKTAY. Eto na nga ba ang sinasabi ko eh. T___T huhuhu.Hindi ko naman pwedeng sabihin yung totoo ko talagang rason.
"Sa'n ka na naman pupunta? don't tell me,mag-aabsent kana naman? gusto mo bang ibagsak kita sa lahat ng subjects mo?"
"Prof, sorry talaga.Hindi na talaga mauulit, huwag nyo lang akong ibagsak at ipaalam sa parents ko ang tungkol dito."
"Well,miss Chua...I'm sorry, but I still have to call the attention of your parents.No more excuses, do you understand?"
Grabe. Naluluha na ako sa sinabi ni miss Jess. T___T paano na 'to?
"I have to go.Wala ka bang planong pumasok sa classes mo?"
"P-Papasok na po." syete. T__T parang ilang sandali nalang talaga ay magsisipatakan na yung luha ko.
"Okay." huling tugon ni miss Jess at pagkatapos ay naglakad na patungo sa faculty room.
Hays. pa'no na 'to? yung iniiwasan ko ay makakasama ko na talaga FOR A YEAR! T___T
Pwedeng na bang mamatay? Chos. OA masyado. --____--"
"Hi,Yin." ^_^
Eh? sino ba 'to? kilala nya ako, tapos hindi ko sya kilala. >3<
"Uh..hello.Saan nga ba tayo nagkakilala miss?" nagtataka kong tanong.
"Haha!actually, ngayon lang talaga tayo nagkakilala.Alam ko lang talaga yung pangalan mo,dahil naikwento ka sa'kin ni Yang.Tsaka matalik na magkaibigan kayo diba?"
"Ahh,kaya pala.Hmmm..hindi na kami magkaibigan ni Yang ngayon eh."
"Huh?bakit?"
"Mahabang storya."
"Sayang naman." napayuko sya ng bahagya.
"Anong pangalan mo? close ba kayo ni Yang? ka anu-ano mo siya?" sunud-sunod kong tanong.
"I'm Mary Esmundo.Matalik na kaibigan nya rin ako.Do'n kami nagkakilala sa states.Our parents worked on the same company."
"Ahh,nice to meet you Mary." nakangiti kong sabi at agad na nag shake hands kami.
"Dito ka rin ba nag-aaral?" pahabol kong tanong.
"Oo,kakalipat ko lang kahapon.Magkaklase na din tayo Yin. Ang saya,diba?" ^_^
Ano daw? 0_0
"Sabi kase ni miss Jess kung saan daw na classroom si Yang,do'n narin ako." nakangiti paring sabi ni Mary.
Leshe. -__-" kung kailan iniiwasan ko na si Yang,saka pa dumating si Mary eh. Sarap talaga bigwasan ni tadhana. HMP!
"Oo nga. Mabuti kung gano'n." sabi ko at ngumiti ng kaunti.
"Tara na.Sa'n ka ba pupunta? diba do'n yung papuntang classroom?"
"A-Ahh..ano...mauna ka nalang."
"No way! halika na." hindi na ako nakapalag dahil hinila na ako ni Mary papunta sa classroom.
Pagkarating namin doon,ay agad na tumakbo ako papunta sa upuan ko.Runner lang te?
Buti nalang talaga at hindi pa dumating yung bagong teacher.Strict daw yun eh,sabi ni Meg.
Speaking of Meg, sini-sermonan na naman si Tristan dun sa kabilang row.Tungkol na naman siguro yun sa'min ni Yang.Hays.
"Yin!"
Aish. >_<" tsk! kung makatawag naman to'ng si Mary sa'kin ay parang nasa magkabilang planeta ang layo.
Hindi na lamang ako sumigaw pabalik, sa halip ay tumango lang ako at nginitian sya.
Nagulat ako dahil kinalabit nya bigla si Yang, at itinuro ako.
Punyetang kalabaw. --______--"
Napatingin naman sa akin lahat ng kaklase ko. BADTRIP. -_-
Agad naman na nag-iwas ako ng tingin kay Yang.At gano'n rin ang ginawa nya.
"Yin? okay lang yan."
Napalingon naman ako sa katabi ko ngayon.Ahh,si Meg.
Agad na nagsitayo kaming lahat nang mapagtantong nasa harap na pala namin ang bagong teacher.
"Goodmorning tea--""Is that how you greet your teachers? pathetic students.Just take your seats."
ABA! -_- BUTI NGA NAG GOODMORNING KAMI SAKANYA EH. Psh. wengya.
To be continued...
YOU ARE READING
Parang Tayo,Pero Hindi [On-Going]
Teen FictionWho would ever thought na ang pagiging mag bestfriends nyo ay magiging trending pala NATIONWIDE?? este--sa paligid.Tapos,di nyo napapansin na pinag-uusapan na pala kayo ng buong mundo na sasabihin pa nilang..."PARANG SILA"pero sasabihin nyo namang "...