"Mary Esmundo"

25 4 0
                                    

Mary's POV

Woah! ^_^ napakaganda ng bungad ko noh? haha. Anyways, I'm Mary...an old friend of Yang.Actually kagagaling ko lang sa states dinalaw ko lang dito sina mom and dad dahil business partners kase sila ng parents ni Yang. I'll be staying for 1 year, so nagdecide sina mom na dito nalang muna ako mag-aral. Pumayag ako dahil syempre, nandito naman si Yang. May kakilala ako kahit papa'no.

"Mary, hanapin ko lang si Meg ah?" mahinahong sambit ni Yin sa'kin. Agad naman na napatango ako at nginitian siya.

Isinama ko siya dito sa canteen,ayaw kase akong samahan ni Yang eh,nakakainis.Wala naman kase akong ibang kaibigan dito, sina Yin at Yang lang.

"Hi,Mary." bati ng isang lalaking naka-eyeglass na nasa harapan ko ngayon. Eh? feeling close si kuya?

"Uhm,h-hello." susme, nahihirapan akong magsalita. Hate ko kase yung mga taong mukhang weirdo. Ugh! -_-"

"Ako nga pala si Tristan, kaibigan ni Yang." sabi niya at agad na naglahad ng kamay para makipag-shake hands.

Hindi naman ako masamang tao, kaya inabot ko na yung kamay niya at nag-shake hands kami.
Tsaka kaibigan din naman 'to ni Yang kahit papa'no.

"Ikaw lang mag-isa? bakit hindi mo kasama si Yin?"tanong niya atsaka umupo sa tabi ko habang umiinom ng soda.

"Hindi, kasama ko siya kanina kaya lang..." napatingin naman ako sakanya dahil parang pansin ko, kanina pa siya nakatitig sa'kin eh. NAKAKAILANG. Kaya tinanong ko na siya, "May problema ka ba sa mukha ko?"

Mabilis naman na napakurap yung mga mata niya at sinabing, "H-Huh? W-Wala." atsaka nag-iwas ng tingin.

"Kasama ko si Yin kanina, kaya lang hinanap na niya si Meg yung bestfriend niya.Okay lang,sanay naman akong maiwanan eh." wala sa sarili kong sambit.

Narinig ko siyang bumuntong hininga, "Alam mo,buti ka pa..." panimula niya.

"Huh? ano ang ibig mong sabihin?" nagtataka kong sabi.

"Buti ka pa, nakikipag-usap sa'kin. Yung iba kase diyan, ni tingnan ako hindi nila magawa." dugtong niya. "Buti nalang talaga at nakilala kita, lalo na si Yang! siya yung unang nakaintindi sa'kin eh."

Napangiti ako,"Naku,sinabi mo pa! mabait naman talaga si Yang eh." pagsang-ayon ko sa sinabi niya.

"Mary, matagal na ba kayong magkaibigan ni Yang?" tanong niya.

"Oo, 7 years na kaming magkaibigan. Mga bata pa lang kami para magkapatid na yung turing namin sa isa't isa.Yun nga lang..." panimula ko.

"Yun nga lang ano?" tanong niya.

"Yun nga lang lumipat siya rito sa Pilipinas. For seven years akala ko makakalimutan na niya ako. Bata pa kase kami nung lumipat sila rito." dugtong ko.

"Ah, kaya pala. 7 years na ding magkakaibigan sina Yin at Yang. So parang kayo lang din, diba?"

"Oo, pero mas close sila ni Yin dahil mas nakakasama nila yung isa't isa sa mahabang panahon." walang gana kong sabi.

"Kung nasa states lang si Yang sa loob ng pitong taon, hindi niya makikilala si Yin,at malamang! sure akong close na close kayo ni Yang sa isa't isa."

"It doesn't matter. Ang importante, nandito na ako ngayon sa Pilipinas at sisiguraduhin kong pupunan namin ni Yang ang mga panahong hindi kami magkasama." sabi ko atsaka siya nginitian.

"Nice." ngumiti rin siya, "Mary, kung ikaw ba si Yin...makikipag-away ka rin ba kay Yang?" dagdag nito.

Ang alam ko lang, napaka-close nilang dalawa. Nagulat nga ako nung sinabi ni Yin na nag-away sila ni Yang eh. Ano kaya ang dahilan?

"Bakit sila nag-away? akala ko ba parang kapatid na yung turing nila sa isa't isa? dahil syempre, akalain mo nga naman sa loob ng pitong taon magkasundo sila sa lahat ng bagay. Eh bakit ngayon, nagkaroon nalang bigla ng away?" nagtataka kong sabi.

Agad namang natahimik si Tristan at nag-iwas ng tingin."Sorry. Hindi ko pwedeng sabihin." napayuko siya pagkatapos niya itong sinabi.

"Bakit naman?" tanong ko. Ngunit wala akong nakuhang sagot mula sakanya.

"Hays, napakadaldal mo...tapos bigla nalang matatameme dahil sa issue na 'yan." napa-face palm nalang ako.

"Hayaan mo nalang si Yang ang sumagot niyan. Mauna na ako sa classroom ah? Thanks sa time." tinapik niya ako sa balikat atsaka tumayo't naglakad papalabas ng canteen.

Ano ba talaga ang tinatago mo sa'kin,tungkol kay Yin? Well, if akala mo na hindi ko malalaman yung katotohanan...nagkakamali ka,Yang.

Gagawin ko ang lahat para bumalik ka sa'kin...para bumalik ang closeness natin.


YOU PROMISED...na ako yung babaeng papakasalan mo.


To be continued...



Parang Tayo,Pero Hindi [On-Going]Where stories live. Discover now