"Letting Go"

40 6 0
                                    

(Yin's POV)

Gustong gusto ko na talagang kausapin si Yang kung bakit nya tinapos nalang nang ganun yung pagkakaibigan namin,pero ano naman ang magagawa ko kung ayaw nya talaga akong kausapin?haist...

Sinubukan kong puntahan si Yang sakanila pero sabi naman daw kase ni tita madalas na daw kase sya nagpupunta sa bahay ng kaibigan nyang si Tristan tsaka madaling araw na kung umuwi.

Siguro ang tangi ko na lamang pag-asa ngayon,ay si Tristan,sure akong marami syang nalalaman tungkol kay Yang.Pwede ko syang matanong sa lahat.Kaso...hindi kami close eh!
>,< aiissshh!

Gusto ko sana syang makausap at itanong kung ano talaga ang dahilan.Pero ramdam ko kase na nilalayuan nya ako at umiiwas sya sa'kin.Ano kayang problema nitong si Tristan sa'kin? may nagawa kaya akong kasalanan sakanya? haist,anak ng tokwa namang buhay 'to ohh T_T

"Hey Yin! tara sabay kana sa'kin kumain don sa resto namin."



"Uhm sige Meg.Gutom narin kase ako eh."



Nang nakaabot kami sa resto,agad kaming nakahanap ng mauupuan.

Nakapag order naman kaagad si Meg,syempre mommy at daddy nya ang may ari ng resto na'to eh.Syempre,dahil magbestfriends kami nitong si Meg,kada kakain ako dito wala na akong babayaran na kahit ano.

"Meg,may tanong sana ako."


"Hmmm? ano naman yun?"


"Close ba kayo nyang si Tristan?"



"Wahaha! Tristan? ofcourse not! yung nerd na yun?!magiging ka close ko?ugh! hindi ko type ang nerd noh."


"Ahh..kase alam kong may marami syang alam tungkol kay Yang eh.Pwede ko naman siguro syang matanong diba?"




"Oo naman noh.Pero,I think hindi nya rin siguro sasabihin sa'yo yung tungkol kay Yang."





"Bakit naman?"




"Close yung si Tristan kay Yang eh.Magbestfriends na yung dalawa kaya hindi mo masisisi si Tristan kung ayaw nyang sabihin sa'yo ang lahat nang sinabi ni Yang sakanya."




"Hmp.Kung sabagay tama karin."



Paano ko nga ba malalaman ang dahilan ni Yang? kailangan ko din sigurong subukan kausapin si Tristan.Bahala na si pokemon.


"Meg,mag try nalang ako magtanong kay Tristan.Kung sasabihin nya sa'kin lahat,mas mabuti pero kung hindi okay lang din."



"Hmm,nasa'yo yan Yin.Basta,ako hindi ko type makausap yung nerd na Tristan nayun."


Pagkatapos naming kumain ni Meg nagpaaalam na ako sakanya at nagpasya na rin akong mauna sa school kase nga kailangan ko pang hanapin si Tristan.Sa tingin ko sa library yun magsta-stay kapag lunchbreak.Eh,paano ba naman NERD nga yang si Tristan at puro libro lang ang gustong makaharap.

Nang makarating ako sa library,hindi ako nagkamali,nakita ko si Tristan na nakaupo sa dulo at halatang busy sa mga projects.


"Uhm, Hi Tristan." sambit ko sabay ngiti sakanya.


"U-uhm, hello Yin." sagot nya pero hindi nakatingin sa'kin at halatang nahihiya.


"Sorry kung naistorbo kita ahh.May gusto lang sana akong malaman."



"A-ano y-yun?"



Kawawang Tristan nauutal. ^_^


"Tungkol kay Yang.Okay lang ba kung magshare ka sa'kin tungkol sakanya?"



Parang Tayo,Pero Hindi [On-Going]Where stories live. Discover now