Chapter14:Finding her

36 3 0
                                    

BEA's POV

Antagal naman ni Mark. Makalabas nga muna dito sa canteen puntahan ko siya.

Bea? Ikaw ba si Bea?

Oo, bakit?, tanong ko sa lalaking kumausap sa akin.

Sabi ni Mark puntahan mo na lang daw siya sa likod ng school., bakit kaya sa likod pa ng school?

Sige salamat

Dalian mo na lang daw kasi malapit na magsimula ang first class niya, sige una na ako.

Agad kong tinungo ang likod ng school kung saan ako pinapapunta.

Walang gaanong tao ang nagpupunta sa likod ng school. Natatakot na ako >_<

Mark sigaw ko habang naglakad.

umikot ikot muna ako baka sakaling nandito siya.

Mark! Mark naman lumabas ka na asdfghjkl, biglang may nagtakip sa mukha at ilong ko at nakaamoy ako ng kakaibang amoy Mark tulong sambit ko at nagdilim na ang paningin ko.

Third Person's POV

Matapos ng pag uusap nila Mark at Gino nagtungo sila sa Canteen para sundan na si Bea dahil ililibre pa ito ni Mark.

Ngunit pagkarating nila sa Canteen ay walang bakas ni Bea ang kanilang nakita.

Kakaunti lamang ang tao sa canteen ng mga oras na iyon.

May isang babae ang padaan sa harap ng dalawang binata.

Excuse me Miss diba kaklase mo si Bea?, bigkas ni Mark sa binibini.

Oo, bakit?

Nakita mo ba siya? muling pagtatanong ng binata

Oo, kanina may lumapit sa kanya at kinausap siya pagtapos nun nagpunta siya doon. sabay turo sa direksyon papunta sa likod ng eskwelahan nila.

GINO's POV

Hindi ko kilala kung sino o kaano-ano man siya ni Bea pero nung tinuro niya ang direksyon na pinuntahan ni Bea bigla akong kinabahan.

Bea asan ka na ba?

Mag-yayari bang muli ang nangyari noon?

Bus-mate(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon