3rd Person POV
Mahimbing na natutulog si Bea sa isang abandonadong silid habang may pagnanasang pinagmamasdan siya ng tatlong lalaking nakauniporme ng kalabang eskwelahan nila.
Ano napadala niyo na ba sa mayabang na Mark na yun ang magandang balita?, wika ng isang lalaking kapapasok lamang sa silid.
Oo naman, tignan lang natin kung magdadalawang isip pa yun pag nalaman niyang nawawala ang girlfriend niya., wika ng isang nagbabantay
Haha! Subukan lang niyang magdalawang isip. May hindi magandang mangyayari sa maganda't makinis niyang nobya., sabay tingin ng masama sa dalaga.
__________________________________________________________________________
MARK's POV
Ipinag-alam na namin sa pricipal at pulis ang nangyari dahil sa 5 hours na ding nawawala si Bea, hindi siya matagpuan sa loob ng eskwelahan. Nakunan siya ng CCTV na nagtungo papuntang likod ng eskwelahan pero pagdating doon ay wala ng CCTV kaya hindi rin malaman kung saan na siya nagpunta wala pa din siyang kuha na bumalik mula doon.
Inexcuse na ako para tumulong sa paghahanap pero hindi pinayagan si Gino dahil transferee siya at kailangan niyang maghabol sa mga klase.
Ilalagay ko na sana ang mga gamit kong libro sa desk ko ng makita ko ang isang papel. Printed ang sulat nito.
Hawak namin ang girlfriend mo kung gusto mo pa siyang maabutang buhay pumunta ka sa abandunadong building ng dati mong eskwelahan. Bilisan mo bago ka pa mahuli.
May naka-attached na larawan ng isang babae ang nakayukong makaupo sa isang medyo madilim na silid.
Agad kong pinadala ang sulat sa office..
Tinignan ko muna si Annika kung siya ba ang tinutukoy na babae dahil madalas niyang ipagmalaki na kami kahit alam niyang kaibigan lamang ang turing ko sa kanya.
Hi babe bat ka napadalaw pambungad na bati niya
ah wala sige una na ako., nung makumpirma kong ndi siya.
Ito ang napagplanuhan ng mga pulis.
Ako ang papasok at baback up lamang sila.
Bea kung ikaw man ang nasa kamay nila antayin mo lang kami.
Ililigtas kita, namin.

BINABASA MO ANG
Bus-mate(Complete)
Teen FictionMAHAL KA, pero iniwan ka? Nangako sayo pero hindi na tupad? Kinalimutan ka? Sinaktan ka? Pinagbintangan ka? Mamahalin mo pa ba siya? Kaya mo pa bang magpatawad? Sino nga ba ang mas matimbang ang lalaking minahal mo ng matagal na panahon o ang lalaki...