Chapter22:Lie

32 3 0
                                    

MARK's POV

Pinagbawalan ako ng mommy ni Bea na dumalaw sa kanya pati na din si Gino.

Namimiss ko na si Bea. Balita ko makakalabas na daw siya sa ospital tulad ng sabi ng mga kaibigan niya na babae, sila lang kasi ang pwedeng makapasok. Ano bang problema nila sa akin bakit ayaw nila akong palapitin kay Bea?

Dahil na sa nahuli ako sa pagliligtas sa kanya?

"hi! Babe", bati sa akin ni Annika.

"stop calling me babe"

"why? Matagal ko na naman tong ginagawa ah?" with her flirty voice.

"just stop"

"okay fine, I'll stop if you'll stop", baliw nanaman to eh. Hindi ako komportable pag hinahawakan niya ako. Hindi tulad noon.

"stop on what?"

"stop following Bea"

"what do you mean?"

"stop loving her", at biglang umalis si Annika.

Hindi ko pa din alam ang feelings ko kay Bea. Gusto kong ipagtapat sa kanya pero lagi naman siyang may bantay. Nakakainis man kung iisipin pero kailangan ko makagawa ng paraan.

GINO's POV

Hindi ko itetake advantage tong nangyari kay Bea para manalo sa laban na ito. Hindi pa naman ako ganon kasama para gawin yun.

× F L A S H B A C K ×

"Doc tapatin niyo po ako, ano po ba talagang lagay ni Bea ngayon bat ang tagal niyang magkamalay?"

"To be honest with you hijo si Bea ay maaring magkaroon ng mild amnesia epekto ito ng gamot na inapply sa kanya nung bihag pa lamang siya", amnesia? !

~~

Makalipas ang isang araw nagising na si Bea.

"Bea okay ka lang ba? Buti nagising ka na? May masakit ba sayo", hindi siya sumasagot pero nakatingin lang siya sa akin.

"Bea?"

"Ako ba ang kausap mo? Sino si Bea?", pagtatanong niya ng may pagtataka sa mukha.

Ano ba yan Bea ikaw na ata ang nakilala kong shunggang babae. Ang hilig mo sa amnesia. Dapat ka ng bigyan ng award.

× end ×

Balak ko sanang sabihin kay Mark ang totoo pero hindi ko alam ang gagawin.

Bea's PoV

"Ako bang kausap mo? Sino si Bea", yan ang mabenta kong line ~_~

Hindi naman talaga ako nagka-amnesia eh. Narinig ko lang silang nag-uusap ng Doctor pati nga pag-uusap nila ni mommy narinig ko din.

May plano kasi ako kaya ako nagsinungaling. Tsaka ayokong maging telenobela na may amnesia ituuu noh! Gusto ko ako ang magpapaniwala sa kanila. :/

Bus-mate(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon