Chapter30:Begin again

26 3 0
                                    

Bea's Pov

Binabagabag ako ng sinabi ni Gino sa akin tungkol kay Mark.

May alam ba siya?

Nahahalata niya na ba ako?

Kumukupas na ba ang award winning acting ko?

"Hi Bea!", nagsalita ang nakatayo sa gilid ko.

Hindi ko kilala kung sino kasi wala ako sa wisyo para intindihan pa siya sa daming iniisip ko.

"May bumabagabag ba sayo?"

"wala", walang gana kong sagot.

"Galit ka ba sa sinabi ko?", napatingin ako sa kanya.

"*0* hah? Hindi ah!", isa ka pa nakakabagabag ka.

"okay lang naman sa akin kung ayaw mo eh", nakakahassle >_<

"Bea look", at umupo siya sa tabi ko nasa garden pa din kasi ako eh. " hindi naman kita pinipilit tungkol dun, tatanggapin ko kung ano man ang desisyon mo. Kung nag-iisip ka pa din, handa naman ako mag-antay hanggang handa ka ng sagutin ang tanong ko", paglilitanya niya.

Aww!! Nakakakonsensiyang gumanti sa kanya:(. Sa tuwing naiisip ko ang ginawa niya sa akin nasasaktan ako.

Pumikit muna ako sandali para malaman kong may galit pa ba ako sa kanya.

Wala na akong naramdaman.

Matagal tagal din akong nakapikit at pagdilat ko'y mukha niya ang tumambad sa akin.

Hindi ko inutusan ang katawan ko pero bigla ko siyang niyakap.

Niyakap niya din ako.

Now that already figured out na hindi pala talaga ako galit sa kanya.

Isip ko lang ang nagpapaniwala sa akin na galit ako.

"Please don't leave me again"

"hindi ko na gagawin ulit yun Bea", na shock ako sa sinabi niya at napabitaw ako sa yakap.

"what do you mean?"

"Bea I'm so sorry", I saw a him crying. "sorry! Pwedeng hindi mo pa naalala sa ngayon, Please forgive me.", wala na akong paki sa sasabihin at ipapaliwanag niya. Ang gusto ko lang ay ang magkaayos kami.

"shhhh!!! Your forgiven :) stop crying", at pinunasan ko ang luha niya.

"Sorry for blaming you T-T"

"I said your forgiven bata pa tayo nun."

"naalala mo na?!", nabigla siya sa narinig niya.

"oo, at ikaw din so I think its a tie"

"Bea lets begin again"

Makakatangi pa ba ako sa taong minahal at minamahal ko ng matagal na panahon.

Akala ko nabalot ang puso ko ng galit nagkakamali pala ako pagkamiss pala ang nadadama ko sakanya.

Bus-mate(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon