MARK's POV
It's been a week mula nung nakidnapped si Bea pero hanggang ngayon hindi pa din siya nagigising.
Nag-aalala na kaming lahat sa kalagayan niya. Gumagawa na din ng iba't ibang test ang mga doctors.
Andito ako ngayon sa kwarto niya habang pinagmamasdan siyang matulog. Para siyang Angel, ang amo ng mukha niya.
Bea, kailan ka ba magigising? Pangako pag nagising ka hinding hindi na kita iiwan pa, lagi na akong nasa tabi mo.
__________________________________________________________________________
GINO's POV
(a/n:kung mapapansin niyo maiikli lang ang POV ni Mark, pansin niyo? hehe! sinasadya ko po abangan niyo sa susunod na chapters kung hahaba ba, o mas iikli.... maraming salamat po.... Love Lots :** )
Ang saya ko. Ang saya saya ko.
Ang sarap pala sa pakiramdam na mailigtas ang taong mahal mo, pero nauwi din sa wala kasi hindi niya nakita na niligtas ko siya.
Bea naman kasi tumakaw sa tulog nag-ala SLEEPING BEAUTY.
Oh hindi ako nanunood niyan favorite ni Beang panoorin yan nung bata pa kami.
Hay! mamaya na ang kwento bibili muna ako ng prutas para sa mahal kong Bea.
Para sure na makakain talaga siya binilhan ko na din siyang ng favorite niyang apples.
×××F L A S H B A C K×××
-Elementary-
Bea ano bang ginagawa natin dito?,
masungit kong tanong
Papanoorin nating mag-audition siya, sabay turo niya sa crush niyang lalaki
Sus! Uwi na tayo
Mamaya na, kaibigan natin yan kaya dapat suportahan natin.
Kaibigan ko lang siya pero ikaw crush mo siya
Nakakainis talaga yang lalaking yan, bat ka pa kasi nakilala ni Bea?
Alam mo ba siya yung gaganap na Prince, habang nakatingin sa kanya
O wala ka na pala eh, iba na Princess niyan. Wag ka ng umasa pause sa akin meron kang pag-asa, hininaan ko na yung sunod kong sinabi.
Ano?
Wala, sabi ko uwi na tayo
Mamaya na, sayang talaga hindi ako nakuhang Snow White, naunahan na daw ako ni Annika, nung mga panahong yun dun na pala magsisimula ang kompitisyon nila Halika uwi na nga tayo, malungkot na bigkas niya.
Habang naglalakad kami palabas ng school.
Kung hindi ako ang magiging Snow White pwede pa din naman akong maging Princess diba?
Oo naman, kahit hindi mo pa nakikita ang Prince mo
Gusto ko na siyang mahanap, wag muna tayong umuwi hanapin muna natin ang Prince ko, mukahang desidido siya sa sinasabi niya.
Bea
Hmmm.. siguro naman pwede ko tong sabihin.
Pwede bang ako na lang?
ang alin?
Ang maging Prince mo
Talaga? sige sige. At dahil ikaw ang Prince ko ibili mo ako ng apples
Ayay! My princess
×××End×××
hay tama na nga sa pagbabalik ng nakaraan. Pero sana hindi ko na lang sinira noon ang pagsasama namin para hanggang ngayon Prince pa din tawag niya sa akin, at ako pa din ang tatawag sa kanyang Princess.
Sana magising na ang Prinsesa kong mahilig sa Apples.
Salamat sa apples kasi naramdaman ko ang maging Prince ng crush ko noon na ngayon ay mahal ko na.

BINABASA MO ANG
Bus-mate(Complete)
Teen FictionMAHAL KA, pero iniwan ka? Nangako sayo pero hindi na tupad? Kinalimutan ka? Sinaktan ka? Pinagbintangan ka? Mamahalin mo pa ba siya? Kaya mo pa bang magpatawad? Sino nga ba ang mas matimbang ang lalaking minahal mo ng matagal na panahon o ang lalaki...