OMG! What to do? What to do? I can’t move. Hindi ko alam kung bakit. Para bang na-freeze na ako. Pati yung mga kamay ko, hindi ko na ma-igalaw.
“Hi Ella! Kumusta ka na Bhe?” Bhe parin pala ang tawagan nila hangang ngayon. Bhe means best friends for them.
“H-hello. O-okay lang naman ako” Gosh! Bakit nag-i-stutter si Ella?
“So sino yang kasama mo? Ipakilala mo naman” ngumiti siya sa akin. That smile.. Isa sa mga dahilan kung bakit ako—Oh! Nevermind.
“S-she’s..” halatang hindi alam ni Ella kung anong sasabihin niya kaya ako nalang ang nag-pakilala
“Oh.. Hi! I’m Ella’s new best friend. I’m Sapphire and you’re?” Saan ko naman nakuha yung pangalan na Sapphire? Pero in fairness ha!, bagay sa personality ko. Cauz like it’s telling that I’m on fire.
“Nice name Sapphire. I’m Louis and this is Ayesha” tinignan ko si Ayesha. She’s still the same. Pero siyempre nag-mature na ng konti yung istura niya. She’s Gorgeous. Hindi sinasadyang napatingin ako sa baba at nakita ko ang kamay nilang magkahawak.
“Miss Sapphire, are you okay?” tanong ni Louis. Maaalalahanin parin siya tulad ng dati. But I don’t effin care.
“Yeah! Yes, I’m fine. So who’s she again?” turo ko kay Ayesha. Gusto ko lang na manggaling sa kanya mismo na sila na.
“ah.. She’s Ayesha. She’s my girlfriend” tinignan niya si Ayesha at ngumiti ng napakatamis.
“You’re so sweet couples. I want to know more about you but we really need to go. Bye! Nice meeting you and I hope that I can see you again” paalam ko sa kanila. Hindi ko na kasi kaya eh. Masakit parin kahit anong gawin ko.
“Bye! Nice meeting you too.” Paalam ni Ayesha na sobra ang ngiti.
Kung hindi lang nagbago ang itsura ko, siguro sa pagkikita namin kanina pinapa-inggitan na ako nung Ayesha na yun. Bruha talaga siya kahit kelan! Ang galing mang-agaw. Argh!
“Hoy! Teh yang mukha mo” sabi ni Ella
“Bakit ganun? Kahit anong pagbabago na ang ginawa ko, masakit parin. Hindi ko parin matanggap na sila na” malumanay kong sinabi
“Hm.. Nag-bago ka na ba? Kelan? Kanina lang? Kanina mo lang naman nalaman na sila na eh” sabi ni Ella.
“Hindi yun Ella. Matagal ko nang iniba ang sarili ko. Hindi na ako yung dating Chantel. Tama nga siguro, dapat Sapphire na ang pangalan ko habang kaharap natin sila o kaya kahit sa harap ng ibang tao. Bukas na bukas din, papapalitan ko na yung pangalan ko sa Birth Certificate” mahabang paliwanag ko sa kanya.
“Naman.. Lahat nga talaga nagagawang baguhin ng pag-ibig” sabi ni Ella.
“Che! Ang supportive mo masyado ah” sarcastic kong sinabi kay Ella
“Ehy! Bessy, ano nang balak mo?” seryosong tanong ni Ella
“I still don’t know. But I’m thinking, how can I turn this heart to a metal” sabay turo sa bandang tapat ng puso ko.
“Hahaha! You’re changing the atmosphere ha! Ikaw talaga palabiro parin” matawa-tawang sabi ni Ella
“Duh! Bessy I’m serious. Halos buong pagkatao ko na ang nabago ko. Ito nalang talagang puso ko. Gusto ko ‘tong gawing bakal para hindi na ako kailanman masasaktan pa. Gusto kong maging manhid” seryosong sabi ko kaya naman naging seryoso din yung mukha niya. Seryoso na ulit ang atmosphere namin ngayon.
“Pero bessy, mas maganda parin naman kung magiging totoo ka sa sarili mo. Yung magiging totoong ikaw” seryoso ang tono ni Ella.
“Wow! Bessy saan mo nakuha yan?” nag-pipigil ako ng tawa ko kasi hindi naman ganyan si Ella. Never pa yang naging serious eh.