Chapter 4

26 1 0
                                    

Nandito parin ako ngayon sa kuwarto ko. Kanina pa ako pa-ikot-ikot. Hindi ko pa alam kung anong isusuot ko.

7:00 P.M. na pero hindi parin ako nakapag-ayos ng sarili ko. 8:00 kasi ang usapan. Doon daw sa restaurant na malapit dito sa Village namin. Hindi parin kasi ako mapakali. Para bang may masamang mangyayari mamaya. Tinawagan ko nalang si Ella kasi hindi ko talaga alam ang gagawin ko. After a few minutes, nandito na siya sa bahay. Hindi naman kasi kalayuan yung bahay nila. We’re on the same village kasi.

“Bessy, gabing-gabi na oh” Wow! Ang sweet naman niyang bumati ngayon. *sarcastic*

“Eh bessy! Kasalanan mo ito. Kung hindi mo sana inagaw yung phone kanina at kung hindi ka sana nag-yes sa invitation ni Louis ehdi hindi sana ako ma-momroblema ng ganito” sabi ko sa kanya

“Hahaha! Relax. I’m just doing my part” sabi ni Ella sa akin

“Hay naku! Halika na nga sa taas. Hindi pa ako nakapag-ayos eh. Gusto ko namang maging presentable kaya pilian mo ako ng damit tapos ikaw na ang bahalang mag-ayos sa akin” sabi ko sa kanya tapos nag-lakad na kami papunta sa room ko.

“Okay, ito nalang kaya” turo niya doon sa dress na above the knee. Nandito na kami ngayon sa tapat ng closet ko at naghahanap ng damit. Cute naman siya at hindi ko pa yun nagagamit.

“Oh sige, yan nalang” sabi ko sa kanya. Nakaka-inip eh.

“Tapos, do you have any heels here?” tanong ni Ella sa akin

“Yep! There” turo ko doon sa collection of shoes ko. Maraming klaseng sapatos ang nandoon. Naka-hilera silang lahat. Merong flat sandals, merong boots, merong heels, tapos madami pang iba.

“I want this. Ito nalang ang isuot mo” sabi niya sa akin tapos kinuha na niya yung high heels. Maganda yung design niya. Pang-formal pero okay lang. Bagay naman sa damit eh.

Hay salamat! Dahil after 30 minutes, natapos na din ang mahaba-habang pag-aayos. Excited na tuloy ako. Gusto kong ipamukha kay Louis na dapat ako nalang ang pinili niya kahit na hindi naman niya ako nakikilala bilang si Chantel na BEST FRIEND lang niya.

“Are you ready bessy?” tanong sa akin ni Ella

Huminga muna ako ng malalim bago mag-salita. “Yes bessy! Aja! Aja!” sabi ko sa kanya. Tumayo na ako mula sa kina-uupuan ko at bumaba na kami.

“Manang alis na po ako. Paki-sabi nalang kila mommy na may pinuntahan ako. Thanks” sabi ko kay Manang at lumabas na kami ni Ella

“Bessy, baba na. Kaya mo yan” sabi sa akin ni Ella. Nandito na kami ngayon sa tapat ng restaurant.

“Okay. Bye bessy” sabi ko sa kanya.

Hinatid ako ni Ella dito sa restaurant. Since dala niya yung kotse niya, nag-volounteer nalang siya kanina na ihahatid nalang daw niya ako para mas sure daw na pupunta ako. Baka daw kasi tatakas ako. Grabeh siya ha!

“Reserved table with Mr. Torres please” sabi ko doon sa information desk

“Here ma’am. Follow me” sabi sa akin nung babae

Huminto kami sa isang table na wala pang tao. So it means na mas nauna akong dumating kesa kay Louis. Sabagay, quarter to 8:00 palang naman.

“Thanks” sabi ko doon sa babae

Nag-order muna ako ng juice para mabawasan ng konti yung kaba na nararamdaman ko. Tinignan ko yung wall clock nila at saktong 8:00 naman na pero wala parin siya. Siguro ma-lelate lang yun ng konti. Na-traffic siguro.

“Waiter” tawag ko. Gusto ko kasing mag-oorder ng wine. Medyo inaantok na rin kasi ako

“Yes ma’am, what’s your order?”

Mission: Teach HER How to Love Again ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon