Chapter 9

53 1 0
                                    

Jhea’s Point Of View

Hello! Short P.O.V lang ito. Wala pa sigurong 1 page. Hahaha!

I’m Jhea, member of the Ultimate Girls and a Good Friend of Saph.

Super obsessed to my Ex-Boyfriend. 2 years na kasi kami nung BF ko kaya lang may mali akong nagawa sa kanya. I had an affair with his Best Friend and the result is.. you know. Na-buntis ako at 2 months na ito ngayon. Last month lang nalaman ni Nate na nagkaroon kami ng affair ng Best Friend niya. Galit na galit siya noong nalaman niya ‘yun kaya nakipaghiwalay siya sa akin. Tapos yung Best Friend naman niya, hindi ko na alam kung saan nagpunta. Iniwan niya ako nung nalaman niyang buntis ako.

Kahapon, napag-isipan kong kausapin siya. Gusto kong mag-sorry sa kanya at kahit hundreds, thousands, millions o billions pa ang pag-sosorry ko sa kanya, gagawin ko. I need him right now and I still LOVE him.

Siguro iniisip niyong naging masama akong Girlfriend sa kanya but don’t worry, tama naman kayo. Hindi ako naging isang mabuting Girlfriend sa kanya.

Nadala lang naman ako ng lungkot noon kaya may nangyari sa amin nung bestfriend niya. Nag-away kasi kami ni Nate noon at 1 week niya akong hindi pinansin kaya naman kinomfort ako nung Bestfriend niya. Niyaya niya akong punta daw muna kami sa bahay nila since wala daw siyang kasama doon.

Noong una hindi ako pumayag dahil alam kong mas magagalit sa akin si Nate pero dahil nga malungkot ako at siya lang ang karamay ko that time, sumama nalang ako sa kanya. Nalasing kami nung gabing yun kaya naman hindi namin namalayan pa yung mga nangyari. Nagising nalang akong walang saplot at katabi siya sa kama.

Umalis agad ako sa bahay niya at pumunta kila Nate. Mag-sosorry ako sa kanya. Habang patagal ng patagal ang hindi namin pagkakasudo, mas nadadagdagan pa ang kasalanan ko sa kanya.

Nang binuksan niya yung gate nila at nakita ako, tinitigan niya lang ako na parang nagtatanong kaya hindi na ako nag-paligoy ligoy pa. Nag-sorry ako sa kanya at sinabi kong nag-sisisi na ako sa mga ginawa ko tapos tinaggap naman na niya yung sorry ko dahil hindi na daw niya matiis yung sitwasyon namin. Miss na daw niya ako.

From that day on, naging masaya ulit kami. Hindi ko na rin nakita yung Bestfriend niya after nung nangyari sa amin sa bahay nila na itinuturing ko bilang isang bangungot.

Last Month, monthsary namin yun at yun din ang araw ng break up namin. Sinabi daw sa kanya nung Besfriend niya na may nangyari sa amin at may pinakita pa siyang video. Walangya talaga yung Bestfriend niya. Siguradong may galit yun kay Nate kaya gumawa ng paraan para maghiwalay kami at para maging miserable ang buhay ni Nate.

Sinabi ko sa sarili ko na ibabalik ko ang dating meron sa amin ni Nate kaya lahat gagawin ko para lang bumalik siya sa akin. Kaya yung mga babae na lumalapit sa kanya, ginagawan ko ng masama. Masama na ako kung masama basta obsessed ako.

Yung latest girl naman niya ngayon eh yung Ella ata ang pangalan niya.  Nakita ko si Nate na hinila yung girl palayo sa amin nung nabangga niya si Saph. Alam na kasi niya kung gaano ka-maldita si Saph. Tapos nakita ko ulit sila nung recess na magkasama tapos magkahawak pa ng kamay. They look like a perfect couple together. Nainis ako nung nakita ko yun kaya naman binuhusan ko siya ng juice. Duh! Don’t be mad at me. I’m just following my feelings.

Nung nalaman kong kaklase namin siya, nag-isip agad ako ng pwedeng gawin sa kanya and a bright idea popped out. Naisip kong hilain yung upuan niya kapag tumayo siya at fortunately, samang-ayon ang pagkakataon. Alam ko na ang pwedeng mangyari kapag ginawa ko yun, I’ll be thrown into the detention room kaya humingi muna ako kay Saph ng Bubble Gum para kapag nasa loob na ako ng detention room, hindi ako masyadong ma-bored.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mission: Teach HER How to Love Again ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon