Ella’s Point of View
“Next week start na naman ng schooldays” sabi sa akin ni Louis
Hindi ko siya pinansin at patuloy lang na tinitigan ang mga pictures namin ni Chantel. Mga bata pa kami dito at sobrang saya naming pagmasdan. Siguro kung pwede lang ma-ibalik ang mga nangyari sa maraming kahapon, ibabalik ko yung araw na nag-paalam siya sa akin na babalik na siya sa America at gagawin ko ang lahat para hindi siya makabalik doon para sana nandito parin siya ngayon. Buhay na buhay at sobrang masaya. Minsan nga gusto kong sisihin ang sarili ko kung bakit wala na siya ngayon. Kung hindi ko sana plinano yung dinner date na yun, ehdi sana walang problema ngayon.
“Ella! Yoohoo!” sabi ni Louis tapos winave niya pa yung kamay niya sa harapan ko
“Hey! Stop that! I’m irritated” sabi ko sa kanya tapos may padabog effect pa. Hahaha! Mapag-tripan nga ito para kahit papaano sumaya naman ako ng konti.
“Uhy! Sorry” sabi niya sa akin at nilapitan niya ako.
Nandito nga pala kami ngayon dito sa room ko. Nag-patulong kasi ako sa kanyang ayusin yung mga gamit ko dahil sobrang dami ko nang gamit na wala ng silbi—I mean mga gamit na hindi na magagamit pa.
“Che! Stay away from me” sigaw ko sa kanya. Nakakatawa kaya yung itsura niya tapos ang hirap pang mag-pigil ng tawa.
“Sorry na kasi. Gusto mo labas nalang tayo tapos i-lilibre nalang kita ng ice cream” sabi niya sa akin. Bigla naman akong natakam kaya pumayag nalang ako. Wow! May good effect din pala itong pantitrip ko sa kanya.
Nandito na kami ngayon sa mall papunta sa ice cream parlor na madalas naming puntahan nila Chantel noon. Kanina pa nga niya tinatanong kung bakit daw bigla akong nag-susungit ngayon tapos sinabi ko sa kanyang may period ako ngayon kaya ayun tumahik nalang siya. Hahaha! Joke lang naman na may period ako ngayon, gusto ko lang talaga siyang pagtripan.
“Sir what’s your order?” sabi nung waitress
Medyo may pagkasosyal ang Ice Cream Parlor na ito dahil may menu pa sila for different kinds of ice creams and different kinds of sweet foods.
“I want a Chocolate Ice Cream” sabi ko doon sa babae. Nag-order na rin si Louis ng kanya at pagkakuha namin nung order namin, umalis na kami sa Ice Cream parlor at nag-lakad lakad hangang sa maubos yung ice cream namin.
Balak kong bumili ng bagong damit kaya nag-pasama ako kay Louis sa isang boutique. Magaganda at mamahalin ang mga damit dito kaya minsan lang ako makapunta dito. Nag-tingin tingin ako ng damit tapos meron naman agad akong nagustuhan kaya kinuha ko iyon at isusukat ko. Habang nag-lalakad ako papunta sa fitting room, meron akong nakabangga na babae at sinungitan ba naman ako.
“Tignan mo nga yung dinadaanan mo para hindi ka nakaka-bangga” sabi niya sa akin. Hindi ko alam pero bigla nalang akong natulala.
“S-sorry miss” sabi ko nalang sa kanya at tatalikod na sana ako para maka-iwas sa gulo kaso hinigit niya yung braso ko kaya napaharap na naman ako sa kanya. Galit na galit yung mga titig niya sa akin.
“Hindi pa tayo tapos mag-usap pero tinatalikuran mo na ako! Wala kang good manners. Look at yourself, (tinignan niya ako mula paa hanggang ulo) you look like a garbage. Hindi ka bagay sa mga boutique na katulad nito” sabi niya sa akin tapos tinulak niya pa ako. Medyo nangingilid na yung luha ko kaya napatakbo nalang ako sa C.R.
Habang tumatakbo, naalala ko na naman nung kababalik ni Chantel dito sa Pinas, nag-mall din kami noon at tumakbo kami dahil sa pantitrip na ginawa namin doon sa dalawang lalaki. Pero habang tumatakbo kami noon, masaya kami. Hindi katulad ko ngayon na tumatakbo dahil malungkot ako.
“Chantel kung nandito ka lang sana.. Siguro hindi ako malulungkot ng ganito” nasabi ko nalang sa sarili ko.
Pagdating ko sa C.R. sakto namang walang tao kaya umiyak nalang ako doon. Bakit kaya ganun yung babae kanina? Pinahiya niya ako, masyadong masama yung ginawa niya sa akin. Wala siyang puso. Wala siyang awa. Pero kahit na ganun yung ginawa niya sa akin, hindi ko parin magawang magalit sa kanya. Hindi ko din alam kung bakit.
Pag-labas ko sa C.R. nakita ko si Louis na naka-upo doon sa malapit na bench kaya nilapitan ko siya at niyayang umuwi nalang. Hindi ako umiimik sa buong byahe. Ganun din naman si Louis. Alam na kasi niya kung anong gusto ko kapag malungkot ako—I just want some space and peaceful atmosphere. Yung walang ingay at walang nangungulit sa akin. Pagdating ko sa bahay nag-dinner na ako tapos umakyat sa room ko.
“Chantel I miss you..” nasabi ko nalang sa kawalan.
Siguro dahil sa pag-iyak naka-idlip nalang ako kaya naman paggising ko ang hapdi ng mata ko. Bumaba na agad ako sa kusina para mag-breakfast. Wala naman akong balak puntahan ngayon eh. Sinabihan ko naman si Louis na ayaw kong gumala ngayon dahil bukas pasukan na. Ayako namang magkasakit at umabsent sa First Day of Classes.
Business Management ang course na kinuha ko dahil sinabi nila mama na ako lang din naman ang magmamana ng company naming kaya Business Management nalang ang kuhanin kong course. Wala naman akong nagawa at magagawa. They always choose the best for me naman.
Kinabukasan..Sa Pearl of the Hillside University..
“Hi Miss Ella” bati sa akin nung mga dati naming ka-schoolmate
Sayang nga lang at wala na akong kasama ngayon. Dati kasi sabay kaming pumapasok ni Chantel. Ayako kong makita ng iba yung mukha ko ngayon dahil malungkot parin ito. Hindi ko nakikita yung mga nakakasalubong ko dahil nakatungo lang ako kaya naman First Day of Classes palang naka-bangga na ako ng estudyante. Tinignan ko kung sino iyon pero bago ko pa makita yung mukha niya, sinampal na niya ako. Napa-gasp naman yung mga tao sa paligid. Naku po! Ayoko ng iskandalo lalo na sa unanag araw ng pasukan. Nag-sorry naman ako doon sa nakabangga ko pero hindi siya nakikinig at kung ano-anong masasamang salita ang sinasabi niya sa akin.
Bigla nalang may humigit sa braso ko at hinila ako sa kung saan mang parte ng school. Siguro backyard garden ito, wala kasing masyadong tao dito eh.
“You should watch your moves” sabi niya sa akin
“a-ah.. O-okay” sabi ko sa kanya
“So are you alright?” tanong niya sa akin. Hinawakan ko naman yung pisngi ko na nasampal nung babae kanina. Hindi ko na nakita kung sino yung sumampal sa akin kanina dahil hindi ko magawang tumingin sa kanya dahil na rin siguro sa takot ako nab aka kung ano pang gawin niya sa akin.
“Tara na nga sa clinic” sabi na naman niya sa akin at hinila ako. Mahilig ba itong mangaladkad? Pangalawang beses na ito eh.
Sabi nung nurse, lagyan ko lang daw yun ng cold compress para mawala na yung pamumula niya. Hindi naman gaanong masakit eh kaya after 10 minutes siguro okay na. Pumunta na ako sa announcement board para tignan kung anong section ako at sa di inaasahang pagkakataon nga naman, napunta ako sa worst section.
“Good Morning Class” bati sa amin ni Prof.
“Good Morning Sir” bati naman namin sa kanya. After ng greetings, pina-upo na niya kami. Pero since late akong dumating kanina, wala na akong makitang bakanteng upuan kaya tinanong ko kay sir kung saan ako uupo.
“You just stay there” turo niya doon sa tabi nung lalaking tumulong sa akin kanina. Ayos! Hindi pa ako nakapagpasalamat sa kanya kanina eh kaya naman naisipan kong magpasalamat sa kanya mamaya.
Dumiretso naman ako doon sa upuan ko at nakinig nalang ng ma-igi. Puro self introduction naman ang ginagawa namin. Hindi ako masyadong nakikinig dahil wala naman akong pakealam sa kanila pero nung narinig ko yung pangalan ng isa naming kaklase—“Hi! I’m Sapphire Mendez. The FAMOUS BITCH so watch your moves” sabi niya saka siya bumalik sa upuan niya.
Tinitigan ko siyang mabuti, siya yung nag-pahiya sa akin sa mall tapos—“Siya yung sumampal sayo kanina” sabi naman nung katabi ko. Actually hindi ko parin alam ang pangalan nitong katabi ko. Mamaya ko nalang tatanungin.
Pinag-masdan ko lang siya. She reminds me of someone..—my Best Friend.