Ella’s Point Of View
Tapos na ang dalawang subject at recess na namin. Since wala akong masyadong kakilala dito, pumunta nalang ako sa backyard garden. Wala kasing masyadong pumupunta doon.
Na-cucurios ako doon kay Sapphire. Imposible namang siya si Chantel diba? Eh kasi ang totoong Chantel patay na. Ang sakit tuloy sa ulo mag-isip.
“Buti pa kayong mga bulaklak, masaya. Pasayaw-sayaw lang diyan. Sana naging bulaklak nalang ako” sabi ko sa mga bulaklak.
“Ahy! Ano ba yan? Nababaliw na ata ako” sabi ko ulit sa sarili ko
“Psst..” nakarinig ako ng sumitsit kaya napatingin ako sa paligid pero wala namang tao.
“Psst..” aba! Ang kulit naman nun.
“Hoy! Magpakita ka nga!” sigaw ko. Para tuloy akong baliw doon.
“Psst..” nakarinig ulit ako ng pag-sitsit kaya hinanap ko kung saan nanggagaling yun. Tumayo ako at nag-lakad para mahanap yung sumitsit.
“Lumabas ka na nga kasi kung saan ka man nag-tatago!” sigaw ko ulit.
“Baah!” napa-upo tuloy ako kasi ginulat ako nung nakakainis na katabi ko
“Hoy! Langya naman oh! Huwag ka ngang mang-gulat” sabi ko sa kanya
“Hahaha! Ano ba yan? Ang dali mo namang magulat” Tinulungan niya akong makatayo pero hindi parin siya tumitigil sa katatawa.
“Alam mo ba, pwede akong magkaroon ng sakit sa puso ng dahil sayo?” sabi ko sa kanya tapos pinalo ko siya sa braso niya. Kainis eh!
“Hahaha! Pero bakit ka nga pala nandito sa backyard garden? Diba dapat nakikipag-socialize ka sa mga ibang tao dito para hindi ka maging loner the whole school year?” tanong niya sa akin. Tama nga naman siya. Bakit nga ba hindi ganun yung ginagawa ko?
“Ewan ko sayo! Eh sa wala talaga akong kakilala dito. Si Louis kasi nasa kabilang building pati kasama niya yung Girl Friend niya” sabi ko naman sa kanya.
“Huh? Sino naman si Louis?” tanong niya sa akin habang tinititigan niya ako
“Hm.. Best Friend nam—ko” sabi ko sa kanya tapos tinitigan ko rin siya. Nakaka-irita kaya yung pag-titig niya.
“Hoy! Huwag mo nga akong titigan ng ganyan” sabi ko sa kanya tapos tinulak ko siya. Tumayo ako at nag-simula ng maglakad. Bahala na siyang maiwan doon noh!
“Teka! Hintayin mo naman ako seatmate” sinigaw niya kaya naman napatigil ako sa paglalakad.
“Huh? Hoy! May pangalan ako nogh kaya huwag mo akong tawaging seatmate” sabi ko sa kanya tapos tumalikod na ulit ako sa kanya. Naramdaman ko naman na sumusunod siya sa akin.
“Teka lang! Sorry naman. Hindi ko kasi alam yung pangalan mo eh” sabi niya sa akin tapos bigla nalang niyang hinawakan yung kamay ko na ikinagulat ko. Hindi tuloy ako makagalaw. Yung feeling na parang na-freeze. Ganun yung pakiramdam ko ngayon eh.
“a-ah.. E-ella nga pa-pala yung pa-pangalan ko” na-uutal kong sinabi sa kanya. Nasa state of shock parin ba ako?
“Ang ganda naman ng pangalan mo. Kasing ganda mo” sabi niya sa akin. Kung kanina, naka-recover na ako sa state of shock, ngayon naman, napahinto ulit ako.
“Ho-hoy! Tigilan mo nga ako” sabi ko sa kanya tapos pinipilit kong bumitaw sa pag-kakahawak niya sa kamay ko pero mahigpit yung pagkakahawak niya sa akin eh.
“Hahaha! Anyway, ako nga pala si Nate” pagpapakilala niya sa akin.
“Okay. So bitawan mo na ako pwede?” sabi ko sa kanya. Binitawan naman niya yung kamay ko tapos na-una na siyang nag-lakad papalayo. Loko ba siya? Ano namang intention niya? Hinawak-hawakan niya ako ng ganun tapos bigla nalang niya akong iiwan? Hay naku!