Chapter 5

27 1 0
                                    

This is it! Babalik na ako sa America to meet Britt. I really need her help now. Hindi ako masyadong nakatulog ng maayos kagabi. Pagkagising ko kaninang madaling araw ay naligo na ako at inayos ang mga gamit ko. Di nag-tagal, nagpahatid na ako kay manong sa airport. Nag-mumuni muni lang ako habang nasa daan dahil hindi naman ako makatulog. I want to sleep but I really can’t. Hindi parin kasi mawala sa isip ko yung nangyari kagabi,

“Paasa ka Louis! Pag-sisisihan mo lahat ng nagawa mo” I murmured kaya napalingon sa akin si manong at tinanong ako kung ano daw yung sinabi ko pero hindi ko nalang siya pinansin at nag-hand gesture nalang ako ng “wala”.

Hindi naman masyadong matagal ang byahe mula sa bahay hangang sa airport dahil hindi naman ito kalayuan. Napag-desisyonan kong bumalik sa America ng mas maaga dahil sa nangyari kagabi. Dapat next next week pa ako pupunta pero he provoked me na paagahin ang lahat ng plano ko.

“Ma’am nandito na po tayo” sabi ni manong. Binuksan na niya yung pinto at lumabas na ako. Hinatid niya ako hangang sa entrance dahil medyo madami akong bagahe.

“Sige, salamat po” sabi ko sa kanya

Hindi ako nakapag-paalam sa parents ko ng maayos dahil wala naman sila sa bahay kagabi. They’re out of town for business again. Wala na talaga silang time para sa akin. Hawak ko ngayon ang diary ko, ito na ang nag-silbing sandigan ko. Sinusulat ko lahat dito ang mga problema ko at ang mga masasayang pangyayari sa bawat araw ko. Nandito din nakasulat lahat ng mga plano ko, pati ang plano kong magbago.

“Good Morning Ladies and Gentlemen. Welcome onboard this flight to America. Your Cabin Crew are here to ensure you have an enjoyable flight to America this morning. Please fasten your seat belt and refrain from smoking while the no smoking sign is on.” sabi nung Flight Attendant.

Sinunod ko naman yung sinabi niya, nilagay ko na yung seatbelt ko. Madami pa siyang sinasabi pero hindi ko na pinakinggan. Gusto ko sanang matulog pero hindi ako makatulog ng maayos eh. Parang may iba akong nararamdaman. I’m beginning to feel nervous but I don’t know why. Before this flight nga pala, tinawagan ko na si Britt para sunduin ako sa airport. Nung una, ang dami niyang tanong, kung bakit daw napaaga ako, kung sino daw kasama ko, kung okay lang ba ako, kung ano ba ang nangyari at kung ano ano pa, pero sinabi ko sa kanyang i-kukuwento ko nalang pag nagkita na kami at sumang-ayon naman siya.

“Oh-My!” nasabi ko nalang nang biglang umalog yung eroplano. I don’t know what’s happening.

“Passengers please secure your safety now. Please put your life vest already because we will be having an emergency landing” sabi nung Flight Attendant

Kinuha ko yung life vest na nasa tabi ko at sinuot iyon. Tumingin ako sa baba at nakita kong lumilipad kami sa tapat ng dagat. I’m nervous lalo na’t mag-isa ko lang—I mean wala akong kasama na kakilala ko. Pabilis ng pabilis yung pag-alog ng eroplano hangang sa lumanding ito ng tuluyan sa dagat.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi malinaw ang mga nakikita ko. Hindi ako makahinga ng maayos. We’re trapped under the water. Kahit na may life vest ako, hindi ako agad lumutang dahil nasa loob parin ako ng eroplano at hindi ako makahanap ng butas na maari kong daanan. Unti-unti akong nawalan ng hininga hangang sa makalunok na ako ng tubig at hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari.

Ella Lee’s Point Of View

Hi! Magpapakilala muna ako. Ako ang bestfriend ni Chantel. Medyo loka-loka ako kaya minsan kung ano-anong mga pinag-sasabi ko, pati na rin yung mga ginagawa ko. Para sa akin, wala sa vocabulary ko ang salitang “SERYOSO” pero kahit na, meron parin namang times na mag-seseryoso talaga ako pero bihira lang yun. Hahaha! Sana magustuhan niyo ako.

Mission: Teach HER How to Love Again ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon