1

55K 621 46
                                    

Kate's POV

Andito ako ngayon sa kuwarto ko. Nagbibihis, kasi first day of school ngayon at 3rd year high school na ako.


Yieee, Excited na 'ko!!


"Kate bumaba ka nga dito." Sigaw nung mama ko.


"Opo mom, " Saad ko.


Bumaba ako ng hagdan. Nakita ko si mama na naka tayo lang do'n hawak yung baunan ko.

"Why?" Tanong ko.

"Here's your packed lunch."


"Ok"



Nang matapos na ako sa lahat ng gawain sa pagpre-repare ay umalis na agad ako.


"Wait, Kate."


"O, bakit?"


"Gusto mo bang sumabay kay kuya Jaycob mo?"



Biglang tumingin sa akin si Kuya. Syempre hindi.



"Ma naman eh, makikita siya ng grupo ko mapapahiya ako." giit nito. Nakakalungkot din kasi hindi niya manlang maramdaman na nasasaktan din ako.



"Jaycob naman, sister mo iyan eh"



Oo ganoon nga ang tingin sa akin ni Kuya Jay, short for Jaycob, nickname niya ang Jay. Pangit at nakakahiya ako para sa paningin niya kaya ikinakahiya niya ako.



"Mom, Kuya, I'm just gonna go by myself."



Biglang tumahimik yung buong bahay, ang ingay kasi nila masyado kapag nagbibiruan at nagagalit.



Well, ngayon nakaalis na ako sa bahay.
Naglalakad na lang akong papuntang school, dibale, malapit lang naman ang school namin.


Habang naglalakad ako, may isang itim na kotse ang nakasalubong ko.
biglang ibinaba nila yung window ng sasakyan at tinapunan ba naman ako ng chichirya na may laman.



"Grabe men, ang pangit ng lasa ng tinapon kong pagkain."


Seriously? Kailangan pa bang itapon ang pagkain? Biglang tumingin yung lalaki sa akin. Wait...



Si Jeyden ang lalaking ito ah?!



"O, pulubi sa iyo na yung pagkain ko, masarap iyan."



"Hoyy!!!! Hin-"



Bigla akong iniwan sa may sulok, este bigla nilang pinaandar yung kotse.



Pulubi ba ako sa tingin niyo? Isa kaya akong nerd na mayaman konti. Konti lang.



Nasa school gate na ako ngayon, I'm a transferee.


Ang ganda ng school na ito, may fountain sa harap ng gate sa loob, ang luwang pa at ang ganda rin ng pangalan.



Pacific Vista High o PVH


Dahil sa kagandahan ng view hindi ko na natitingnan ang daanan ko.



*blam!*



"Ouch!"



"I'm so sorry."



"What? Sorry? Do you think sorry will clean my dress?"



"H-hindi."



"Can you speak in english?! I hate tagalog langguage even if I'm a filipino."



"Kung pilipino ka dapat ipinagmamalaki mo yung wiks natin, ayun ang sabi sa..."



"I still don't care of what books says."



Wala akong nagawa.



"Just look at my dress. Ugh, you ruined it!"



"Sorry na nga eh."


"No, No 'sorry' can clean my dress. I will give no chances, this is my favorite dress and now its filled with juice."


"S-sorry na nga po."



"No!"



Edi wag! Ayaw mo eh sige. aalis na ako, mga pafeeling rin pala ang andito.



"Hoy!" May tumawag sa akin na lalaki.



Tumalikod ako at nakita si Jeyden na nakatayo at mukhang mangangain na ng tao.

The Four Bad Boys And Me ( EDITING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon