Rain by Jade Star/Star Cross
Muli akong napatingin sa aking relo.
"Isang oras na lang..." Napabuntong hininga ako. "Dadating ka pa kaya?"
Tumingin ako sa aking paligid. Kasabay nito ay ang alaala kung kailan nagsimula ang lahat.
*****
May 8 noon, 5:00 PM. Nakaupo lang ako sa bench habang umiiyak. Ilang sandali lang ay sinabayan na rin ako ng langit. Nagtaka ako kung bakit umuulan gayong, tag-araw. Hindi ko na lamang inalintana ang ulan. Ang gusto ko lang ay iiyak yung sakit na nararamdaman ko. Nakipag hiwalay kasi ang boyfriend ko.
Nagtaka ako kung bakit hindi na ako nababasa gayong umuulan pa rin. Pagtingala ko, isang lalaki ang nagpayong sa akin. Tinanong niya ako kung bakit ako umiiyak. Hindi ko alam pero, gumaan ang pakiramdam ko. Kinuwento ko sa kaniya ang nangyaring panloloko sa akin ng boyfriend ko noon. Nagalit siya at sinabi sa aking "Hindi dapat iyakan ang lalaking 'yon. Marami pang lakaki diyan, huwag kang magpakatanga sa kan'ya."
Simula noon, palagi na kaming nagkikita. Gumagala kung saan-saan at nagkukuwentuhan. Noong matatapos na ang bakasyon, nakaramdam ako ng lungkot. Baka kasi hindi ko na siya makita. Pero inaya niya akong mag-aral sa pinapasukan niyang paaralan dahil pareho lang daw kaming senior high sa pasukan. Sinabi niya pang lumipat na lang ako para mas madali kong makalimutan yung ex ko. Natuwa ako at agad sinabi sa magulang ko. Noong mga panahong iyon, nasabi ko ring naka-move on na ako.
Nagsimula na ang pasukan. Isang araw, nakita ko siyang may kasamang babae. Lumapit ako sa kanya. Pinakilala niya yung babae bilang girlfriend niya. Natuwa ako dahil dalawa na silang magiging kaibigan ko, pero ayaw yata sa akin ng girlfriend niya. Sinabihan niya akong nilalandi ko daw ang boyfriend niya. Sa tingin ko ay nagseselos 'yung girlfriend niya kaya dumistansya ako.
Ilang Buwan ko rin siyang iniiwasan. Ngunit ng mga Buwang yoon, parang may kakaiba akong naramdaman. Tuwing makikita ko siya kasama yung girlfriend niya, parang naiinis ako, naiinggit.
Isang araw, nagising na lang ako at napagtantong mahal ko na pala siya. Sino ba ang hindi mahuhulog sa taong gwapo, matalino, gentleman at maalagang tao, 'di ba?
Makalipas ang isang Buwan, naghiway sila ng girlfriend niya. Lumapit siya sa akin ng umiiyak. Bigla niya akong niyakap. Niyakap ko rin siya at inaya siya sa tahimik na lugar. Kinuwento lang niya sa akin ang nangyari. Sinabi ko sa kaniyang "Huwag kay mag-alala, magiging ayos lang ang lahat." Kahit alam ko, ako mismo, hindi ayos. Lalong-lalo na yung puso ko.
Bumalik yung dating naming pagkakaibigan. Pero, medyo nabaligtad 'yung mundo. Siya na kasi 'yung kailangang mag-move on, at ako naman yung tutulong para maka-move on siya.
Dumaan ang Pasko at Bagong Taon. Naging masaya kami. Nagdiwang nga rin kami ng sinabi niyang move on na siya.
Valentine's day. May nagbigay sa akin ng isang box na puno ng Hello Kitty stuffs. Isang stuff toy, key chain, wallet, necklace, payong, ipit at kung anu-ano pa. Natuwa ako kasi paborito ko 'yung mga yo'n. May papel pang nakadikit at may nakasulat na 'from your admirer'.
Kung ano 'yung saya ko noong oras na 'yun, ay siya namang sakit ng naramdaman ko noong kinahapunan.
"Alam mo, sa tingin ko, inlove na ako."
Iyan 'yung mga salitang paulit-ulit na iniisip ko.
"E 'di, maganda," sabi ko. Mas maganda na nga rin siguro kung kalimutan ko na yung nararamdaman ko sa 'yo.