THE GIRL I JUST MET by Lheann Lou
Kuntento ako sa buhay ko. Hindi man ako perpekto pero nag-eenjoy ako sa mga kagaguhan ko. Halos isang linggo nang nag-uumpisa ang klase pero ngayon lang ako papasok.
"Girl, siya yung sinasabi ko sa'yo na classmate natin." Rinig kong sabi ni Anne. Kilala ko siya dahil blockmates kami since 1st year. "Whatcha think?"
Nakatalikod ako sa kanila kaya hindi ko alam kung ano ang reaksyon ng kausap niya.
"Tss." Rinig kong sabi ng isa.
Hindi ko alam ang iisipin sa narinig ko. Kaya hindi ko nalang pinansin.
Natapos ang klase at palabas na ako ng room namin. Wala akong masyadong kinakausap. Hindi ako interesado sa kanila.
"Dali na kasi! Yung pinag-usapan natin!" Kahit hindi ako lumingon ay alam kong si Anne yun. "Heaven.." Pangungumbinsi niya.
Nakailang hakbang na ako sa room namin ng may kumalabit sa'kin sa likod. Napahinto ako at pinagmasdan siya. Kagat-kagat niya ang labi at halatang nag-alinlangan.
"Ano?"
"Can you go out with me?" Seryoso niyang sabi.
Tinitigan ko siya. Siya yung kausap ni Anne. She looks like a typical girl na mahinhin. Kaya hindi ko maisip na gusto niyang lumabas kasama ako.
"May dalawang naka sched na date ako ngayon. Mahihirapan akong isingit ka pa." Totoo yun. Dahil hindi lang naman isa ang girlfriend ko. Tatlo sila and I'm very vocal about it.
"Hindi ba pwedeng ako nalang at next time nalang sila?" Wow. She has the guts.
"I can't. Let's meet tomorrow. Isa lang ang date ko bukas." Kumunot ang noo niya at napairap. Halata sa kanyang ayaw niya naman akong makasama pero ba't niya to ginagawa?
"Forget it. Ngayon lang ako pwede. And don't ever think I'll ask you again." Nakakatawa siyang pakinggan. As if gusto ko siyang ka date. With the looks of it, boring siyang kasama.
Naglakad na siya palayo at habang tinitignan ko siya ay na napansin ko..
"She's cute."
***
"Hey. Wala akong date later. Wanna go out?" Napag-alaman kong Heaven Gorrez ang pangalan niya.
Tinignan niya lang ako saglit at nagpatuloy sa pagsusulat. Kinuha ko ang notes niya at tinanong siya ulit.
"I told you already. You wasted your chance." Kung makapagsalita akala mo sinong maganda.
At hindi ako makakapayag.
***
"Let go of me! Sa'n ba tayo pupunta?" She's so serious. Kahit kay Anne ay ganito siya. Hinila ko kasi siya hanggang sa makalabas na kami ng campus. At walang nagbadyang harangan ako dahil akala nila ay "new girlfriend" ko siya at LQ ito.
Dinala ko siya sa isang kainan sa likod ng campus. Gusto ko man siyang dalhin sa restaurant pero baka mag eskandalo lang siya. Umorder ako ng dalawang set ng siomai at tag-iisang cup ng kanin. Kumain ako pero siya ay hindi man lang ginalaw ito.
"Hindi ka kumakain ng siomai?"
Pinandilatan niya ako at pinalo sa braso.
"E kung hindi ka naman isa't kalahating tanga e sana nadala ko ang wallet ko! Nasa locker ko pa po! Pa'no ko yun kukunin e malapit ng dumilim? Wala pa naman akong pamasahe! Pahamak ka naman e!" Gigil niyang sabi.
Nakakatawa ang itsura niya. Ang pula na ng mukha niya pati tenga. At yun ang pinakamahaba niyang nasabi sa'kin.
"Stop laughing, dumbass!"