The Note by Janine Saplan
"Go Team Jaguars! Go Team Jaguars!"
"We love Team Jaguars!"
"Go, go, go!"
Grabe ha! Nakakarindi! Ang ingay! Puro sigaw, hiyawan at tilian. Kung hindi lang talaga ako inutusan, hindi ako pupunta dito.
"Pumunta ka kay Mico at pakibigay sa kanya 'to. Pakisabi na lang na pinapabigay ko."Naalala kong sabi ni maam.
Hayst! So pupunta pa ako dun sa dulo para ibigay itong folder na ito kay Mico. Kay Mico? Diba sabi nila masyado raw cold yun, at halos tahimik lang raw yun.
Di ko napansin nandito na pala ako sa dulo kung saan nandito si Mico.
"Excuse me, anong kailangan mo miss?"tanong sa akin nung coach ni Mico.
"Ahh, may nagpapabigay po nito kay Mico, si Maam Cortez."
"Sige, ibigay mo na lang sakanya. Nandun siya."sabay turo dun sa direksyon ni Mico. Nye! Akala ko pa naman ibibigay niya kay Mico.
Lumapit na ako dun sa kinaroroonan ni Mico.Lumingon siya sa akin. Well, walang ekpresyon yung mukha niya.
Inabot ko sa kanya yung folder, "Pinapabigay ni Maam Cortez."kinuha niya yun at umalis na ako.
Ang cold talaga niya. Wala man lang siyang ekspresyon. Magbabago pa kaya yung famous na yun? Wait! Ba't ko ba siya iniisip?
"Hey!"napatingin ako sa harap ko. "Tumitingin ka ba sa dinadaanan mo?"
"Sorry."sabi ko sa kanya at naglakad na... pero bigla niyang hinila yung buhok ko. Shims, nakakahiya... ang dami pa namang tao.
"Ano bang problema mo?!"-ako
"Dapat kasi tignan mo kung sinong binabangga mo! Naiintindihan mo?"
"Gaga ka ba?! Ikaw kaya yung di tumitingin sa dinadaanan e! Kung hindi ka sana nakikipaglandian, di mo sana ako mababangga!"
"How dare you! Di mo kilala kung sino ako!"mas hinigpitan niya yung paghawak niya sa buhok ko.
"Stop it, Syd!"may biglang nagsalitang lalaki mula sa likod ko. Oo, Syd yung name nitong nananabunot sa akin. Sikat siya sa school dahil sa cheerleader siya, at malandi rin yan!
"No! Bibigyan ko ng leksyon tong--"
"I said stop it! Or else malalaman ng principal ito."binitawan na ni Syd yung buhok ko. Tumingin ako dun sa nagtanggol sa akin.
Mico? 😳
Kaya pala ang cold ng pananalita. But wait! Pinagtanggol niya 'ko? Wait! Yan? Ipagtatanggol ako? Panaginip lang ba 'to?
Sinamaan ako ni Syd ng tingin. Tinaasan ko lang siya ng kilay. May pagka-mataray kasi ako e. Pero mabait din naman ako.
Umalis na ako sa court. Ayokong masira eardrums ko 'no.
Tsk! Nakakabadtrip! Nakita ko pa kasi yung malanding cheerleader na yun!
"Uyy best!"
"Ayy malandi!"nasabi ko dahil sa pagkagulat.
"Hoy, hindi ako malandi ha!"
"Ikaw naman kasi, Erica! Nanggugulat ka! Alam mo namang magugulatin ako e. Ano nga palang kailangan mo?"
"Halika nood tayo ng game."
"Huh? Ayoko. Mababasag eardrums ko!"
"Sige na! Maganda daw kasi yung maglalaban. Malay mo naman manalo yung Team Jaguars diba?"