FOURTH ENTRY

48 3 4
                                    

Title: My Mistake, My Regret

Writer: deviousLhou02

Grace Cruz is my name. A kind of daughter that full of ambition. My parents are just a commoner in town. Sapat lang ang kita nila sa pangangailangan namin sa araw-araw but still, they gived everything I want and needs.

Ikinayud nila ang pag-aaral ko, hindi na baleng hindi makumpleto ang nakasanayang tatlong beses na pagkain araw-araw, mabayaran lang ang tuition ko hanggang sa makapagtapos ako.

Masaya. Sobra. Lalo na nang magkaroon ako ng magandang posisyon sa isang kumpanya. Guminhawa ang buhay namin, hanggang isang araw dumalaw ang mga magulang ko sa kumpanyang pinagtatrabahuan ko.

"Miss Grace, may naghahanap po sa inyo." Imporma sa akin ni Manong Nilo, isa sa mga security guard dito sa kumpanya.

"Sino daw po?"

"Mga magulang niyo raw po sila." Sagot niya.

"Ano?"

Sumunod ako kay Kuya Nilo hanggang sa may lobby kung saan nandoon nga sila Mama at Papa.

Goodness! Hindi man lang naisipang magbihis bago nagpunta dito. Ang dudumi nila na parang galing pa sa sakahan. Nakakahiya!

"Sila po ang naghahanap sa inyo, Miss Grace." Turan ni Kuya Nilo habang tinuturo ang kinaroroonan nila Papa.

Agad akong lumapit sa kanila saka binulungan ang mga ito. "Anong ginagawa niyo dito?"

"Dinadalaw ka lang namin anak." Sagot ni Papa.

"Hindi na sana kayo pumunta pa dito. Tingnan niyo nga ang mga itsura ninyo, ang dudumi at ang babaho ninyo. Nakakahiya kayo, alam niyo ba iyon?" Prangka kong sabi sa kanila saka bumaling kay Kuya Nilo.

"Kuya, palabasin niyo na sila, hindi ko sila kilala." Pakasabi ko niyon ay agad na akong tumalikod at bumalik na sa opisina ko.

Pag-uwi ko sa bahay ay agad kong hinarap si Mama.

"Gosh Ma, bakit pa kayo pumunta sa opisina kanina, tapos hindi niyo man lang nagawang mag-ayos? Hindi na kayo nahiya sa itsura niyo kanina."

"Ikinahihiya mo kami, ganoon ba iyon?" malumanay nitong tanong. "Purket ba nasa ganoon kaming ayos?"

"Oo! Nakakahiya naman talaga, ano na lang ang sasabihin at iisipin ng mga katrabaho ko? At saka, hindi pa ba sapat ang perang ibinibigay ko sa inyo para magpunta pa kayo doon?!" Mataas ang boses na tugon ko sa kanya.

*Paaaaaakkkkk

Napahawak ako sa pisngi ko nang sampalin niya ako.

"Wala kang galang! Kami na mga magulang mo, ikinahihiya mo?! Dinalaw ka lang namin dahil namimiss ka na namin dahil ilang buwan ka ng hindi umuuwi at gusto ka namin kumustahin at makita, hindi dahil kailangan namin ng pera mo! Yumaman ka lang naging walanghiya ka na. Anong pinagmamalaki mo? Iyang perang ibinibigay mo sa amin?!" May kinuha siya sa kabinet at agad ding muling bumaling sa akin. "Ayan! Isaksak mo sa baga mo iyang pera mo! Para sa kaalaman mo, ni piso, hindi namin binawasan iyang mga binibigay mo sa amin. Ideniposito namin ito sa bangko para pagdating ng araw may makita ka sa mga pinaghirapan mo at sak--" Bigla na lang itong napatigil sa pagsasalita at sapu-sapo ang dibdib nito na parang nahihirapang huminga.

"M-ma.. Anong-Maaaaa!"

Nang gabing iyon ay bigla na lang nahimatay si Mama. Kaagad namin siyang isinugod sa ospital. Habang hinihintay ang doktor na nag-aasikaso kay Mama, sinubukan kong kausapin si Papa, ngunit hindi niya ako pinapansin. Hanggang sa lumabas na lang ang doktor na may dalang hindi ko inaasahang balita na kahit kailan ay hindi sumagi sa isipan ko.

'I'm sorry.'

Two words. Dalawang salita na unti-unting nagpaguho sa katauhan ko. 'I'm sorry'. Mga salitang paulit-ulit na napiplay sa utak ko kasabay nang pag-agos ng mga luha ko.

Oo. Namatay si Mama, heart attack! Namatay siyang may sama ng loob sa akin, namatay siya na hindi ko man lang nagawang humingi ng kapatawaran sa naging asal ko. At si Papa, hanggang sa mailibing si Mama ay hindi pa rin niya ako kinakausap, ni ang tapunan ako ng tingin ay hindi niya magawa. Lagi na lang siyang nakakulong sa kwarto niya. Ilang beses ko na ring tinangkang kausapin siya ngunit wala talaga.

Hanggang isang araw, muling nagulantang ang katauhan ko nang makatanggap ako ng tawag mula sa bahay, nagsasabing 'wala na daw'.

Nang una ay ayaw pang magsink in sa utak ko ang balitang natanggap. Nang may maramdaman akong parang may kung anong likido ang dumadaloy sa magkabila kong pisngi, doon ko lang napagtantong umiiyak na pala ako.

At sa ikalawang pagkakataon, nawalan na naman ako ng isa pang mahalagang tao sa buhay. Pinakamasakit pa doon ay dala-dala nila sa kanilang pagpanaw ang sama ng loob na ako ang may dahilan.

Cardiac Arrest ang ikinamatay ni Papa.

"Ma'am.." Napalingon ako kay Manang Sally. May iniabot siyang papel sa akin na maayos na nakatupi.

"Ano iyan?" Tanong ko.

"Nakita ko po ito sa silid ng Mama at Papa mo, sa ibabaw ng side table na nila. Nakita ko kasi na nakapangalan sa inyo kaya kinuha ko na." Inabot ko ito saka nagpasalamat dito. Wala sa sariling binuklat ko ito saka binasa ang nakapaloob doon.

Anak ko,

Pagpasensyahan mo na ako kung hindi kita pinapansin, kinakausap. Alam ko kasing hindi magagandang salita ang lalabas sa bibig ko kung sakaling magkausap tayo. Ayokong masaktan kita, hindi na baleng kami na lang. Oo, hindi maalis sa akin ang sisihin ka sa nangyari sa Mama mo, ngunit ano pang magagawa niyon? Hindi na no'n maibabalik ang buhay ng yumao mong ina. Pinili kong 'wag kang pansinin dahil nakikita ko sa katauhan mo ang iyong ina, hindi naman siguro lingid sa kaalaman mo na kamukhang-kamukha mo siya, hindi ba?

Masakit sa akin na hindi ka pansinin, pero mas lalo lang akong masasaktan kapag nakikita kita. Lalo lang din akong mangungulila sa Mama mo.

Nakikita ko sayo ngayon na kaya mo na ang iyong sarili, hindi mo na kailangan ng mag-aaruga sa iyo, hindi mo na kami kailangan. Siguro nga tapos na ang responsibilidad namin sayo, kaya wala na rin sigurong dahilan para ipagpatuloy ang buhay lalo na't nag-iisa na lang ako. Alagaan mo sana ang iyong sarili, anak.

Kahit na anong mangyari, hindi magbabago ang pagmamahal namin sa iyo, kahit na ikahiya mo pa kami't hindi kilalanin.

Hanggang dito na lang siguro talaga..

Mahal na mahal ka namin, mahal na mahal kita, anak ko..

Paalam.

Ang iyong ama.

Hilam ng luha ang mga mata ko pagkatapos kong basahin ang sulat ni Papa.

Ang sakit. Sobra.

Nang dahil lang sa isa kong pagkakamali, nawala ang dalawang taong mahahalaga sa akin. Mga taong siyang naging dahilan kung bakit ako nandito ngayon sa kinaroroonan ko. Magsisi man ako'y sobrang huli na, wala nga akong kaalam-alam na may kinikimkim na sakit sa puso si Mama.

Iniwan na nila ako ng tuluyan at wala akong ibang magawa kundi ang umiyak na lang sa isang sulok at kamuhian ang sarili dahil sa pagiging walanghiya.

(WAKAS)


Writing ContestsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon