Title: M.U
by: yokaira_
Mahal nyo nga ang isa't isa pero ang tanong...
Saan ka ba lulugar?
Nangako kan hindi ka dapat magselos kase ---
May karapatan ka ba?Walang kayo. Walang kayo. Walang kayo. Kahit paulit ulit ko tong sabihin, alam kong hindi mo rin naman ako didinggin. Kase para sayo
Spesyal ka. Mahal ka nya. Ikaw lang. Pero wala na akong pake kapag nasaktan ka na. May karapatan ka bang magalit?
M.U. lang naman kayo..
~*~
"Janella basahin mo to" turo ni jayen sa may upuan nya. Nakayuko sya habang sinambit iyon, kaya hindi ako nagdalawang isip na tingnan kung anong meron don.
"Uhh.. Papel?"
"Hahaha..hindi. Hahaha yung ano nakasulat sa may upuan" namumula nyang sambit saakin. Kumunot ang noo ko sa inakto nya. Hindi ko nanaman sya maintindihan.
Naghanap ako kung meron ngang nakaukit doon at bigla na lang akong namula ng mabasa yon..
' Mahal kita Janella. Jane, Ella ♥'
-Jayen
" Jana..ako lang ha? " Tiningnan ko sya sa mata at hindi ko nanaman napigilang mapangiti.
"JaneYa promise" natatawang sambit ko tapos kinuha ang isa nyang daliri at kinurot.
"Aray!"
"Ganyan ang mararamdaman natin sa isa't isa kapag nagkahiwalay tayo" sabi ko tsaka yumuko at ngumiti ng malawak.
Kada nagkakausap kami palagi lang ganito. Sasambitin nyang dapat sya lang daw. Matatawa naman ako at mangangako.
Wala kami ngayon sa aming silid aralan. Nandito kami sa may puno, malapit sa may canteen. Walang masyadong tao dito kaya dito kami palaging tumatambay kapag nagkakasama kami.
Hindi naman kami nagtatago. Kontento na kase kaming ganito lang. Tsaka hindi naman ako showy, nakakahiya kayang makita ng ibang halos tumalon na ako sa tuwa.
Lalo na kapag nakakasama ko sya..
Hindi ko nanaman mapigilang ngumiti. Grabe na ata talaga ang tama ko sakanya. Pero hindi, pareho kase talaga kaming dapat unahin ang pag aaral.
Pero balang araw, magiging kami rin. Sana.
Walang nagsalita sa aming dalawa. Sanay naman akong ganito. Magsusulatan kaming pupunta dapat kami dito tapos hindi naman kami masyadong nagkakausap. Pero kase, kahit ganito lang, pakiramdam ko napaka kompleto na ng araw ko. Hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko basta ang ang alam ko, ayaw na ayaw kong matapos ang araw ko, lalo na kapag kasama ko sya, ang lalakeng mahal ko.
— — —
" Psst Janella! Tingnan mo si crush mo oh! Nakikipag tawanan" sabi ng katabi ko. Pinigilan kong hindi mapasimangot ng lingunin ko sya.
Oo nga, ang saya nila. Nagtatawanan, nagkwekwentuhan. Parang magkaibigan lang.
" Ano ka ba Angela. Mabait lang talaga yan si Annie "
"Balita ko gusto yan ni annie eh..si jayen MO. Ayiiee~ Hahahaha"
"Angela!" ngumuso ako para maintindihan nyang nagtatampo na ako sa mga pinagsasabi nya. Mamaya pa nyan may makarinig eh. Nakakahiya! Waaah!
Tinigilan nya lang ako ng biglang may nagtilian ng malakas sa unahan. Nakita ng dalawang sugatan na mata ko ang pangyayari. Naghahabulan si Jayen at Annie. Ang saya saya nila.