Chapter 6 : Potion and Spell

449 16 2
                                    

Natapos na akong magbreak at naghiwalay na kami ni Jessie at kami ni Dianna pumunta sa next class namin, syempre kasama yung magicus guide namin

Pero habang tumatagal namimiss ko na talaga sila mom, pero syempre bawal dumrama ng walang dahilan baka mapagkamalang baliw, alam mo na

Pumunta kami sa classroom, at pumasok sa loob noon may mga cauldron pot tapos kada isa may nakalagay pangalan, alphabetically arrange and as usual nakahiwalay din ang mga tribes

Biglang pumasok ang isang magandang babae sa loob at napakasexy noon mukhang mabait pa

"Hi, to everyone I'm Ms. Marie Gomez, call me Professor Gomez or Ms. Gomez". Ang ganda nya sobra grabe

Nag-greet din kami sa kanya at ngumiti syempre may upuan sa tapat ng pot kaya umupo kami doon

"Kung napapansin nyo, Napakaganda at Napakasexy ko, Sorry pero hindi ako feelingera. Heres a secret, kaya ng potion bagohin ang physical appearance nyo o mental abilities or anything. I'm your PM subject teachers. PM for Potion Making. Parang TLE lang pero ibang klase to. So our first potion is fragrant potion". Amaze yun lang ang nasa utak ko, grabe kung marunong lang ako gumawa ng potion na pampaganda. Gagawa ako nun tapos ibebenta ko sa mga nangangailangan katulad ko

"Okay, kapag perfect ang potion na nagawa nyo perfect din ang effect nito, pero students here's a reminder. Ang potion ay parang circuit, kapag mali ang gawa mo maaring magshort, I mean pwedeng umepekto pero merong side effects. Example gumawa kayo ng skin-whitener potion tapos mali pala, pwedeng umipekto yun pero after a days biglang paggising nyo biglang maitim na maitim na kayo or worst masunog balat nyo, so parang science experiment ang everyday natin". Ngumiti sya at nagsway sya ng finger, biglang lumutang ang libro ko sa harap ko at may nakasulat na 'Potion Making records' records doon, umapoy din ang ilalim ng pot

"Dyaan marerecord ang mga nagawa nyo, and isa lang ang rules natin bawal kayong gumawa o gumamit ng potion kapag wala itong permite galing sa WMG, or World's Magicus Government. Maliwanag ba?". Sabi nya sa amin. Grabe ang galing nito, at naamaze din ako dahil may government din pala kahit dito

"Okay students lets start, wear your face mask and eye protection goggles. First lagyan nyo ng 3 cups of water ang pot ninyo at hintayin kumulo ito". Sabi nya, syempre ginawa ko ang sinabi nya nilagay ko ang tamang mesurements, grabe walang Ano-ano tinuro nya agad sa amin

"Next ilagay nyo naman ang fragrant stone at kapag nailagay nyo na ito, hintayin nyong matunaw ito then stir it thirty times". May apat na bato doon at nalito ako kaya nagtaas ako ng kamay

"Yes? Minerva Finidale?". Inaninag nya muna ang pangalan ko at noong naconfirm na nya tama ang sinabi nya, ngumiti sya

"Ms. Gomez? Alin po ba yung fragrant stone dito? Ano po ba ang kulay at hugis, tanong ko sa kanya".

"Minerva, titigan mo silang lahat, parepareho sila diba?". Nagtawanan naman ang lahat at nagsmirk si Ms. Gomez

Haysst, tanong tanong pa kasi eh, mapapahiya naman pala ako, tumawa na rin ako at kumamot sa ulo para magpanggap na natutuwa din ako sa ginawa ko pero ang totoo hiyang hiya na ako at gusto ko nang tumawag ng mga earth type para magpalamon sa lupa

Tiningnan ko ang mga bato na nandoon, transparent lahat pero yung isa nagiging pula at maitim ang ilalim yung isa naman medyo yellowish yung isa naman parang diamond lang sa kintab at yung isa maputi at mukhang malaking butil ng asin

Maganda na ang sigurado diba kesa naman lagay lang ako ng lagay mamaya pag nasa testing na kami biglang akong sumabog

Kinuha ko yung isa mainit yun at katulad ng kanina nagkukulay pula, inamoy ko yun at amoy sunog ang amoy nito, binitiwan ko ito at kinuha ang ikalawang bato, malagkit ito at kaya binitiwan ko agad , ang pangatlo walang amoy at makinis lang , at ang pangapat kinuha ko ito magaspang at mabango

Knighelire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon