Chapter 4 : Magicus

434 20 3
                                    

Nagsimula na kaming magtour nila Jessie at imbis na kaming dalawa lang binigyan sya ng task ni Ash na isama na lahat ng limestone class

Unang dumako kami sa mga classroom, ang ganda ng loob nun parang medieval lang talaga

Then pumunta rin kami sa mga teacher's office, clinic, science lab, potion lab, at marami pang iba

Ang galing ni jessie magtour guide kasi punung-puno ng information yung mga sinasabi nya

Lumabas din kami para tignan yung mga fields, arena, garden,isang lake na maraming corrals sa ilalim at mukha na nga tong dagat ,pumunta rin kami isang malaking forest sa likod ng academy , garden na napakaraming strange animals at ang isang 5 malaking tombstone

"Ito ang libingan ng limang founder ng bawat tribes. pinili nilang ilibing dito sa academy. why? kasi mahal nila ang academy na parang anak at hindi maiwan ito , kaya naman kayong mga limestone, mahalin nyo rin yung academy na parang magulang nyo". class pearl na kasi sya eh, kaya siguro marami na syang experience

At marami pa kaming tinignan na mga parts ng school , nangangawit na nga yung binti ko kakalakad at kakatayo

Mayamaya ay natapos na ang nakakapagod na tour, pero kahit nakakapagod, enjoy naman kasi busog na busog yung mata ko sa mga amazing places dito sa academy

"Grabe ha! napagod ako sa kakainform sa inyo ah, Killiana pamassage naman ako". sabi nya dun sa babaeng nakablue

"Yes, master".sabi nito

"Master?! bakit? hah? nags-slave trade dito?". shock na sabi ko

"Secret". nilagay pa nya yung finger nya sa labi nya, nagcross legs sabay kumindat

"Hala! Ayoko na! uuwi na ko". eh kinabahan ako sa sinasabi nya sya eh

"Basta kasi, malalaman mo rin yun, as far as I know naman walang namang slave trade dito no, Malalaman mo rin yun kung anong connection ko kay killiana". sabi nya
"Hays! naku bumalik na nga tayo sa dorm natin magpapahinga na ko". sabi ko sa kanya

Tumayo na sya at nagsimulang maglakad pabalik sa dorm namin, habang nasa hallway kami nakita ko nanaman yung itim na butterfly na meron touches of blue at sumunod ito sa amin

Ewan ko parang ang wierd ni Killiana at Jessica kasi kinakawayan nila yung butterfly, kahit kelan talaga ang wierd nila

Nasa bridge na kami at papuntang tower ng tribe namin , malapit na kami sa pinto

Pumasok kami doon at nagpahinga sa umupo sa isang sofa doon sa loob, marami rami yung mga katribe namin, lahat sila nakangiti kapag bumabati sa amin , mataas man class nila o hindi

Maya pa ay pumasok kami ng room namin at doon nagpahinga, mga tanghaling tapat na ngayon , hindi ko naman kasi alam na sobra sobra sobrang laki nitong academy, tila buong baranggay sinakop na nitong academy

Minassage ko yung binti ko at tinanggal yung sapatos ko

"Naku ang baho nakaka suffocate yung amoy, Joke lang". sabi ni jessie

"Jessie may request ako sayo". sabi ko sa kanya habang nakangiti ng malapad

"Hoy, Minerva ano yun ha! wag mong sabihin na ikakapahamak ko yan ha!". sabi nya

"Sira! gusto ko lang makitang magmagic ka, pahamak agad? Tsk, sige na please".sabi ko sa kanya

"Ito na nga eh wait lang" sabi nya at ngumiti

Tinaas nya yung kamay nya at nagpalabas ng isang malaking water ball

Then tinaas nya ulit yung isang kamay nya at naglabas ng isa pang water ball pero mas maliit yun

Knighelire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon