Chapter 8 : Wings

409 15 6
                                    

Marami na rin akong mga linggong lumipas na narito lang ako sa academy

Marami na rin akong natutunan, katulad ng paggawa ng kung ano anong potions, mga enchanment, spells, tamang paggamit ng kapangyarihan, meditations at marami pang iba

Nalilito na nga ko minsan pero syempre, what are books for diba? Syempre kahit umiikot na yung nasa loob ng utak ko. Nirereview ko parin
Napaka sipag ko nga daw sabi ni Jessie, naiba na rin ang schedule. Mauuna ang mga academic subjects tapos mga magicus subjects na

Dahil alam na namin ang mga basic magic nadadagdagan din ang aming mga klase, at katulad ng sabi ni Jessie nakakapagod talaga.

Minsan hapong hapo na ko, minsan nanginginig na yung tuhod ko, o minsan tila naligo na ako sa pawis, tinutuloy ko parin.

Ngayon, araw ng lunes at natapos ko na yung ibang subjects ko, at patungo sa labas ng school

Doon daw kasi magaganap yung klase namin, teka? Sa initan talaga?

So narito na nga kami sa isang open grass field malapit sa main building

Naroon ang isang trainor namin at katulad ng dati organize kaming nakapila, dalawang dipa mula sa isa't isa

Kasama rin namin ang iba pang limestone na taga ibang tribe.

Walang ano-ano, biglang nalerto ang katawan naming lahat noong biglang umangat ang tinutungtungan namin

Magicus iyun na parang stage, dahan dahan itong naglevitate kasama kami

"Good morning to all of you, I am you're wingus teacher, I will bring ecstasy in your life! By the way, I'm Luriel Skyward. My subject will bring you the happiness, this subject will make your dreams come true, to fly! Yes to fly! You heard it right". He said it with a smile while the stage continuously elevating

Nabigla ako sa sinabi nya, seriously? Lilipad? Lulutang? Bigla nalang akong natauhan at nabigla noong naramdaman ko ang saya at ngiti sa labi ko

Yung iba naman tila namutla at natakot, yung iba naman tila hindi na mapagsidlan yung tuwa, yung iba naman katulad lang ng reaction ko

Biglang tumigil ang pagelivate ng kinatutungtungan namin at sobrang lapit na namin sa mga ulap at mula rito kitang kita na kabuoan ng academy

Transparent ang tinutungtungan namin pero medyo kita mo parin ito dahil parang salamin ito

Nagulat ako noong biglang nagsalita si Sir Skyward

"Students, magiging masakit tong activity natin, lahat ng unang beses mahirap talaga, katulad ng paggamit nyo ng magicus, pero ngayon ang gusto kong gawin ipunin nyo ang magicus particles sa buong katawan nyo at dahan dahan nyong ipasok sa mga buto nyo, Oo sa buong skeletal system nyo then sa buong muscular system, then bigla nyong tipunin sa likod nyo".

Agad kong ginawa ang pinapagawa nya, pero kagaya ng sinabi nya sobrang sakit nito

Gusto ko nang humiyaw pero pinigilan ko, parang hindi na ko makakadilat dahil sa sobrang higpit ng aking pagkakapikit

'Nikki ang sakit, normal ba to?'

'Malungkot man sabihin, opo master'. Sabi nya sa akin, nabigla ako. Pero ayokong nadidismaya yung sarili kong partner

Tinuloy ko parin kahit matindi na ang nararamdaman kong sakit, patuloy ko parin ginawa iyun

Hanggang sa part na ng skull. Tila magkakabali bali na ang buto ko at mabibiyak na ang bungo ko, tinuloy tuloy ko parin

Hanggang sa natapos na ako, dinilat ko ang mga mata ko at nakita ang mga studyante na nakaluhod o namimilipit na sa sakit

Pinikit ko muli ang mata ko at kinalma ang sarili ko, hindi ko inalala ang nakita kanina

Knighelire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon