CHAPTER 1: FEELER

55 1 0
                                    

Shelo’s POV

Napkin, check.

Pulbo, check.

Pabango, check.

 Grabe? Papasok ba ako ng school o akoy pupunta ng cr?! Nay engot ka na naman Shelo. Tss. Okay pasensya na ho. Kasi naman pasukan na. First day. Ano ga gusto mo? Katabe mo nababahuan sayo? Malay mo cute pa yun. Eh di sayang naman. Daba? Ba’yan harut harut lagi eh. Masanay na kayo sakin.

Btw. I am SHELO VIANNE ABACAN. Isang babaeng kay harut harut. De joke. Ako’y 17 years forever young. At kasalukuyang naninirahan sa bagumbayan… de joke ulit. Sa… wag na alamin. Basta akoy maganda, matalino, medyo may puti din naman sa balat. Simple. Oo simple ako dahil kahit na minsan, di ako naglipstick!!! As in! kasi parang nakakaitim ng labi ang lipstick. Sabe yan ng lola ko. Kaya maganda labi nun eh.

So yun nga. First day of school. Aba! Oo nga pala, napasok ako sa Crisostomo Ibarra College. Isang kolehiyong di ko pinangarap ni minsan. Di naman talaga ito yung gusto kong school. Kung bakit kasi wala yung course na gusto ko sa Maria Clara College.

“YANA?!”

“SHELO?!”

“YANA!!!!”

“SHELOKA!!!!”

“Uyy grabe kamusta ka na ba?” sabay yakap sakin ni Yana. This is Yana, kaibigan ko since elem. As in super close kami. At eto nga, she didn’t tell me na yung course ko ang kinuha rin nya ding course. Now, alam kong magiging komportable ako sa unang pasukan kasi may kakilala na ako!

“Eto maganda parin! Nakakainis ka talaga, ni hindi mo man lang sinabe sakin na ditto ka din!”

“para nga surprise ano ka ba?!”

Nagkwentuhan pa kami ni yana hanggang sa pumasok na kami.

OMYGGG.

ROOM PA BA’TO?

PARANG HUNTED HOUSE EH.

 SOBRANG TAHIMIK. Di mahulugang karayum ang isang spasong ito! Ako lang yung dumada ng dumada dun. Pakilasa ko’y nahihiya pa sila. Pero mas lalo na silang tumahimik ng biglang…

*tugsh* sound effects yan ng bumukas na pinto. Hayaan nyo na!

“Omy…. Shelo.” Sabe ni yana sakin.

“Omy… Yana” sabe ko naman sa kanya.

 Medyo para kaming shunga? Nag oomy na lang kami kasi nakakaspeechless yung nakita namin.

“SI………O.O”

“OMY.”

“SI………”

“IM GONNA DIE!” O.O

“SI TERENCE!”

Tinakpan ko bunganga ni Yana. Ang bunganga talaga nare letse! Napakalaki. Napakalaki na ang sarap pasakan ng pinya! Pinya please!

“Wag ka ngang maingay babae ka!”

 takip takip ko parin bunganga nya. Buti na lang di napansin ni Terence yun, dahil kung hindi….

Para sa mga pamilya ko, alam nyo na po kung san ako hahanapin. Nagpakain na po ako sa lupa.

“HAFFHQP9UFHWNG’WRP”

“Ano?!”

Inalis ni yana kamay ko. “sabe ko oo na nga! Grabe shelo. Punung- puno ng kagalakan ‘tong unang araw natin!”

Lumingon ako ulit kay Terence. May kasama sya. Sino kaya yun? Wala akong pakealam, its Terence that matters naman. Charot!

Si Terence Agregado. Isang lalaki from the PAST. Elementary kami nung naging kaklase ko sya. Tanda nya pa kaya ako?

PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon