CHAPTER 5: PAST IS PAST

9 0 0
                                    

Greg’s POV

“Kristy, eto na naman. Magkalayo na nga kami…”

“Baka may communication pa kayo sabihin mo!”

“Wala kaming communication!”

“Yeah right. Di ako tanga greg! I know what you and her had. Alam ko na hanggang ngayon…

“TAMA NA!”

“NO! TAMA AKO. HINDI TAMA NA!”

Eto nagaaway na naman kami ni Kristy. Pang ilan na away na ba’to? At lagi na lang, lagi na lang si Shelo ang sinisisi nya sa lahat,. Tapos na nga diba? Wala na. nawala na. iniwan na namin lahat sa past. Pero aaminin ko… I still love her. Sya ang baabaeng una kong minahal. At ang hirap kalimutan. Ang hirap kalimutan ng lahat ng pinagsamahan namin.

“Bahala ka na nga! Aalis na ako. Kung ayaw mong maniwala na hindi na kami nagkakausap ni Shelo, well then magbreak na lang siguro tayo!”

“Wait! Greg! Im sorry, di ko naman sinasadyang paghinalaan ka. Sya kasi yung unang abaeng minahal mo. Alam ko yun. And mas nauna naman sya sa….”

“Tama na.”

“Okay. Di ko na tlaga sya babanggitin. Just please. Please. Don’t ever leave me. Di ko kaya pag wala ka.”

“Okay. Ill go ahead”

“Di na tayo mag-aarcade?”

“Pagod ako. Bukas na lang babe. Okay? bye”

 I bid her goodbye. Di ko kayang Makita na iiyak si Kristy dahil iiwan ko sya. Pero paano naman ako? Paano yung puso ko? Nakatali at nanatiling nasa iisang tao lang. si Shelo. Paano yung iniisip ko na tadhana namin. Pano yung future na sinabe ko sa kanya. Na ang magiging anak namin ay si Sasuke kasi paborito ko sya. Paano na lahat ng pangarap ko kasama sya. At paano na ako at si Kristy kung mabubuhay kami pareho sa kasinungalingan.

“Shelo

Mahal parin kita

Pero..

I need to choose what’s right…

I really need to do this…

Naiisip ko na naman yung mga katagang sinabe ko sa kanya bago namin piniling maging magbestfriend muna. Hayyy. This is the worst thing na nagyare sakin eh. It’s between choosing the right thing to do, or your happiness. Kung minsan akala mo matutunan mo rin ang lahat, pero hindi eh. Lalo pa’t may memories kang pinanghahawakan. Akala mo madali na mag move on at maghanap ng iba. Pero hindi talaga eh. Mas masakit na magpanggap. Mas masakit yun. Kasi kahit kelan alam mong di ka sasaya sa pagpapanggap na yun.

Kahit kelan hindi ka sasaya kasi hindi yun yung pinangarap mo. Alam kong masasaktan ko lang si Kristy pag iniwan ko sya. Pero di ba mas masasaktan ko sya kung hahayaan ko lang na ipagpatuloy to. Mas masasaktan namin ang isat isa. Ayoko syang iwan. Pero I must, I must do this. Its been two years at di magiging madali to para sa kanya. Di rin naman to madali sakin eh, minahal ko din sya at naging masaya naman ako sa kanya, pero di ko talaga kayang magkunware eh., I ned to do something. I need to be a man… atleast para sa ikabubuti nang lahat.

END OF CHAPTER 5

PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon