Class 37

567 14 0
                                    

•••••Yuki•••••

New Year..

"Yuki! Hawakan mo to dali!"tawag ni Kei saken kaya dali dali akong pumunta sa kanya at hinawakan ang dala nyang firecrackers. Nandito kameng anim sa tapat ng bahay nila Shin. Napagkasunduan kasi namen na dito na magpalipas ng New Year. Kaya nandito silang lima at ako. Kanina pa ako kinukulit nung papa at mama nya. Nakakatuwa nga kasi tanggap nila kameng dalawa ni Shin.

"Yuki hija!"napalingon ako ng tawagin ako ng papa ni Shin.

"Tito! Bakit po may problema ba?"tanong ko sa kanya.

"Kanina ko pa hinahanap si Shin nakita mo ba?"nagtatakang tanong nya at napapakamot pa ng ulo nya. Nagpapasalamat ako kay Shin dahil hindi nya sinabi sa iba ang sikreto ko at sya pa lang ang nakakaalam. At magaan ang loob ko kasi hindi pa alam ng papa at mama nya pero kinakabahan ako sa magiging reaksyon nila pag nalaman nila ang sikreto ko.

"Hindi po tito baka kasama ni tita. "Sagot ko kasi nandito naman ang apat so baka kasama nya si tita.

"Ah sige Yuki, salamat."sabi nya at umalis na para hanapin si Shin. Hinagis ko na ang hawak ko kasi baka maputukan pa ako. Lumapit ako kay Daichi at Tadashi kais nagiihaw sila at may mga naluto na kaya kumuha ako ng isa at kinain.

"Oy Yuki ang takaw mo naman! Hindi pa nga kame tapos dito kumukuha ka na!"saway ni Tadashi saken pero kumuha pa ako ng isa at kinain habang sila ay sinasaway ako. Ang sarap ng barbeque eh anong magagawa ko diba?

Nagliliwaliw ako sa garden nila Shin habang maingay ang buong paligid. Masyadong malaki ang bahay nila at ang garden nila kaya medyo inabot ako ng ilang minuti kakalibot pero napatigil ako sa paglakad ng may matapakan akong something. Kaya pinulot ko yun at nanlaki ang mata ko ng nakitang isang cellphone iyon... Cellphone ni Shin!

Agad ko syang hinanap pero hindi ko sya mahagilap. Nagsimula na akong kabahan dahil mukhang may hindi tama dito. Gusto ko silang balikan at sabihan na parang may masamang mangyayari pero baka maubos lang ang oras ko kaya kailangan kong gawin tong magisa.

Nilibot ko ang buong garden nila pero wala akong may nakita ni anino nya. Napagdesisyunan kong bumalik sa kanila pero hindi ko talaga sya makita

"O. Yuki may problema ba?"nagtatakang tanong ni Aki pero umiling ako.

"Nakita nyo ba si Shin?"tanong ko pero nagkibit balikat lang si Aki saken kaya mas lalo akong kinabahan.

"Oo nga no kanina pa missing yung lalaking yun. San na kaya napunta yun?"nagtatakang tanong ni Kei at nilibot nya ang mata nya para hanapin si Shin pero wala talaga.

"Baka nasa kwarto nya Yuki. Bakit di mo icheck? Masyado ka namang paranoid baka gusto lang magpahanap nung abnormal na yun."sabi ni Kei kaya pumasok ako sa loob ng bahay nila at dumiretso sa kwarto nya.

Pinihit ko ang doorknob at hindi naman lock kaya binuksan ko ito at naabutan ko ang madilim nyang kwarto. Kaya kinapa ko ang switch at binuksan ang ilaw. Iniwan kong bukas anh pinto para sa unexpected na mangyayari. Dahan dahan akong pumasok sa loob ng kwarto nya at masyadong malaki ang kwarto nya kaya meyo natagalan ako sa pagpasok at first time ko to kasi hindi naman ako pumapasok ng basta basta sa kwarto ng iba...

Wala sya sa kwarto nya kaya lumabas na ako ng kwarto bya at tinanong ko ang ibang katulong kung nasa kusina ba sya o ano pero hindi naman daw sya nakapasok sa loob ng bahay.

Napagdesisyunan ko ulit na bumalik sa garden at libutin iyon. Napansin ko ang isang maze garden. Hindi kataasan ang mga bushes kaya madali lang mahahanap ang taong hinahanap mo. Pumasok ako sa loob ng maze garden at naglakad lakad. Nakaramdam ako ng kaba dahil posibleng hindi maganda ang mangyayari ngayon.

"Stay where you are."sabi ng kung sino mula sa likod ko at naramdaman ko ang paglapat ng isang malamig na bagay sa batok ko kaya hindi ako gumalaw.

"Hindi ko ineexpect na makikita kita dito Mrs. Yabuki."sabi nya pero nanatili akong tahimik.

"I'll give you 5 minutes to get out of this maze. Pag hindi ka nakalabas sisiguraduhin kong hindi ka na lalabas ng buhay mula rito. Here I'll give you something to defend yourself."sabi nya at nilahad nya saken ang isang baril kaya kinuha ko ito at agad na humarap sa kanya at binaril ko sa braso kaya nabitawan nya ang baril nya.

Agad akong tumakbo palayo sa kanya, pilit kong inaalala kung saan ako dumaan kanina pero nakalimutan ko na kasi maze nga pala to. Napatigil ako sa pagtakbo ng may makasalubong ako. Agad akong nagtago sa isang bush dahil bumabaril sya pero agad akong bumawi sa kanya nung tumigil sya sa pagbaril.

Natamaan ko sya sa dalawang tuhod at braso nya kaya napaluhod sya. Hindi ko sila tatamaan sa vital parts nila dahil gusto kong mabuhay pa sila. Tumakbo ako palayo sa kanya at may mga nakakasalubong ako na napapatay ko na kasi masyado silang mahirap patamaan kaya tinatapos ko na lang.

Habang tumatakbo ako ay dun ko lang napansin na may tama ako sa tuhod kaya napatingin ako dun dahil sa hapdi. Tumigil muna ako at nagtago sa isang bush. Pumunit ako ng tela mula sa damit ko at tinalian ito para tumigil sa pagdudugo.

Pagkatapos ay tumakbo ulit ako, hindi ko alam kung nasan na ako pero pakiramdam ko malayo na ako sa entrance. Nagtago ako agad dahil sa may makakasalubong na naman ako. Nang matapos sya ay ako naman ang bumaril sa kanya at natamaan sya pero hindi ko napansin ang nasa likod ko kaya natamaan ako. Agad kong hinarap yung bumaril saken at inunahan ko na sya. Kasi babarilin nya ulit sana ako.

Napaluhod ako kasi masakit yung likod ko at nararamdaman ko ang dugong dumadaloy sa likod ko. Pero pinilit ko ang sarili kong tumayo dahil kailangan kong umalis dito. Nagtatago ako tuwing may nakakasalubong. Pero napatigil ako sa paglakad ng napansin ko na malapit na ako sa entrance kaya nagmadali ako sa paglakad habang nakahawak sa braso ko na natamaan din..

Pero agad akong napaupo ng makarinig ako ng isang putok ng baril. Napaupo ako sa may entrance ng maze dahil nanghihina na ako at marami na rin ang dugong nawawala saken. At may posibilidad na....

Napatingin ako sa taong nagpaputok ng baril at nakita kong tinutok nya ito sa noo ko kaya medyo napasandig ako sa may bush malapit sa labasan ng Maze. Pero tiningnan ko lang sya ng masama. Tumawa lang sya dahil sa tingin ko.

"Your 5 minutes' finished. Goodbye Yuki."sabi nya at napapikit ako ng kinalabit nya ang trigger ng baril pero napadilat ako ng malamang walang bala ang baril nya at nagpapasalamat ako dun.

"Pasalamat ka at hindi kita tinuluyan pero tandaan mo to sa susunod na magkita ulit tayo sisiguraduhin ko sayong may bala na tong baril kong nakatutok sayo."sabi nya at yun ang huli ko narinig bago ako mawalan ng malay.

••••Tadashi••••

"Are you sure?"tanong ni Shin kaya inirapan ko ang g*g*. May pasurprise surprise pang nalalaman. Hindi nya ba alam na kanina pa naghahanap si Yuki sa kanya at kawawa naman yung isa kasi napagod na yata kakahanap sa kanya.

"So where is she now?"tanong nya kaya tinap lang ni tito ang balikat nya at napatingin sya dito..

"Shin pwede banh kumalma ka muna? Hayaan mo na muna si Yuki at babalik din yun dito mamaya. "Sabi ni tito kaya naghintay kame ng ilang minuto sa pagbabalik ni Yuki. Pero walang may nagpakitang Yuki. Kaya tinanong namen ang isang maid at sinabi nya ay nasa Maze Garden daw.

Loko talaga tong si Shin. May pasurprise surprise pa pasalamat sya  at monthsary nila ni Yuki kundi nabatukan ko na to. Pumunta kame sa maze garden at pumasok sa loob para sana gulatin ai Yuki kung sakaling nandyan sya.

Pero kame ang nagulantang nang naabutan namen syang nakahandusay at punong puno ng dugo ang damit nya. Napatingin ako kay Shin at napansin ko ang pagtigil nya dahil sa nakita.

"Yuki!"tawag nila Kei sa kanya at nilapitan nila si Yuki pero nanatili lang ako sa kinatatayuan ko pati si Shin na para bang hindi makapaniwala sa nakita.

Sh*t anong nangyayari?

Bakit imbes na sya ang gulatin ay kame ang nagulat?

Isa lang ang tanong ko..

Anong nangyari kay Yuki?

The Seniors (Completed)Where stories live. Discover now