Class 20

696 19 0
                                    

•••••Yuki•••••




"Aki" napatigil kame sa pagpasok sa classroom dahil narinig nameng may tumawag kay Aki kaya napalingon kame at nakita nameng mama nya pala..





Tamad na lumingon si Aki at kumunot ang noo nya habang nakatingin sa mama nya..




"Anong ginagawa mo dito?"tanong ni Aki at hindi ko nagustuhan ang tonong ginamit nya..




"Gusto lang sana kitang makausap."sabi ng mama nya..





"Umalis ka na. "Sabi ni Aki pero sinaway ko sya...




"Aki ano ba? Gusto kang kausapin ng mama mo"saway ko sa kanya dahila para mapatingin saken si mama nya..




"Sige na kausapin mo na sya. "Sabi ko sa kanya.. Kaya napatingin sya saken na para bang hindi sya makapaniwala sa sinabi ko..





•••••Aki•••••••




"Anong kailangan mo?"tanong ko sa kanya habang nakasandig ako sa isang upuan at nakaharap sa kanya habang sya ay nakaupo .




"Bumalik ka na sa bahay. Kailangan ka ng ate mo.. Pati ako.. Wag ka ng umalis Aki.. Kinausap ko na ang dad--"pinutol ko sya agad..




"He's not my dad! Ilang beses ko bang kailangan ulitin ya ha?! Anong karapatan nyo para tawagin akong anak?! Bakit kailan nyo pinaramdam yung pagmamahal na dapat binigay nyo ha?!"galit kong sigaw sa kanya dahilan kung bakit napahikbi sya..





"Aki hindi ganon. Hindi dapat ganon ang nangyare. Sorry naging mahina ako dapat pinagtanggol kita noon mula sa kanya, dapat noon pa lang pinaramdam ko sayo na mahal kita. Sorry hindi ko nagawa lahat ng dapat ay ginawa ko noon para sa--"




"Just go, I don't need you. Kaya kong buhayin ang sarili ko wag kayong magalala hindi na ako aasa sa inyo simula ngayon. "Sabi ko sa kanya at pumihit na ako patalikod para umalis.. Pero agad nya akong hinawakan sa braso para pigilan ako sa pagalis pero hinawi ko agad ang kamay nya..





"Aray."daing nya at napahawak sa braso nyang hinawi ko at nacurious ako kung bakit. Kaya nilingon ko sya para tingnan kung anong nangyare at nakita ko na may pasa sya sa may braso nya pero natatakpan ito ng sleeve ng damit nya kaya di masyadong halata pero ako nahalata ko agad..




"Ano to? Sinong may gawa nito? Bakit may pasa ka ha?!"tanong ko sa kanya habang nakahawak sa braso nya.




"W-wala to. H--"




"Sabihin mo? Sya ba ang may gawa nito? Ma sagutin mo ko? Sya ba?"galit kong tanong at wala syang nagawa kundi sagutin ako ng isang tango..




Agad akong nagmartsa palabas. Yung g*g*ng yun! Wala ng magawang tama!




"Aki! Aki! San ka pupunta?!"tanong nya saken pero hindi ko sya sinagot..




Dumiretso ako agad sa kotse at pinaharurot ito papunta sa ospita nang naabutan ko sya ay agad ko syang sinuntok. Ni hindi ko napansing gising na si ate at nagulat sa ginawa ko





"Hoy ano bang problema mo ha?!"galit nya tanong saken..




"Alam ko malaki ang problema mo saken kasi anak ako sa labas pero sana naman wag mo idamay ang nanay ko! Alam ko salot ako sa pamilyang to pero sana kahit konting respeto naman! Wag kang magalala simula ngayon hinding-hindi mo na makikita ang mukha ko! Hindi na ako aasa sa pera mo!"sigaw ko sa kanya at tiningnan muna si ate na naiiyak na dahil sa ginawa ko bago umalis..





Tinupad ko ang sinabi ko. 1 week akong hindi nagpakita sa kanila... Pero narinig ko na nakalabas na ng ospital si ate. Okay na sya at masaya na akong marinig yun.. Ngayon, tumitira ako sa condo na binili ko noon galing sa sarili kong pera..






Hindi na ako kailangang magpakita sa kanila, kahit tawag hindi ko sinasagot naiinis ako..






••••••Yuki••••••






1 Week ng pabalik-balik dito si Ate Keah kasi hinahanap nya si Aki at ilang araw ko na ring hindi mahagilap si Aki mahigit isang linggo na..




Naphinga ako ng malalim, habang nakatingin sa bakanteng upuan na upuan sana ni Aki..




"Hindi na ba sya nagtetext sa inyo?"tanong ko sa kanila..  Sabay-sabay lang silang umiling..





"Mahirap sa mga bata ang ganyang sitwasyon Yuki... Dahil sila ang mga batang uhaw sa pagmamahal at pagaaruga ng isang magulang dahil na rin sa sitwasyon nila. Dapat maintindihan mo ang mga katulad nya Yuki dahil hindi din maganda ang pinagdaanan nya at tsaka talagang ganyan sila kaya wala tayong magagawa kundi intindihin ang nararamdaman nila."sabi ni lolo





Nalaman ko na anak sa labas si Aki ng mama nya at dahil dun ay nagalit ang papa nya ay kahit kailan ay di sya tinuring na anak nito pero pinoprovide pa rin ng papa nya ang mga pangangailangan nya kahit na ganun pero alam ko kulang pa rin yung kasi kahit kailan hinding hindi mapupunan ng mga materyal na bagay ang hinihinging atensyon ng mga katulad nya at naiintindihan ko sya kaya sana maging okay na sya..






Last na ng Nutrition Day namen at naayos na namen kahapon ang mga dapat na ayusin kaya eto at last day na to pero malungkot pa rin ang lahat at nararamdaman ko yun.






Umupo muna ako sandali dahil medyo sumasakit ang ulo ko dahil siguro sa stress..




"Are you okay?"agad akong napatingin sa nagtanong.. Shin




"Uhm oo medyo sumasakit lang ang ulo ko."sabi ko at agad nya akong inabutan ng tubig..





"Drink. And wag ka munang magtrabaho. Just rest there for a few minutes para hindi na sumakit okay?"sabi nya at tumango ako para sumangayon sa sinabi nya...






Umalis na agad sya at bumalik na sa mga customers.. Pinapanood ko sila habang nagpapahinga at nang mabaling ang tingin ko kay Shin ay nahuli kong nakatingin sya saken pero nang nakitang nakatingin ako sa kanya ay agad syang umiwas..





"Aki!" agad akong napatingin sa pintuan at naabutan ko si Aki na agad pinagkaguluhan nila Tadashi kaya agad din akong lumapit sa kanila kahit na medyo sumasakit pa rin ang ulo ko gusto ko lang na kamustahin sya..





Nagkamustahan sila pero ang nagawa lang si Aki ay ngumiti at tumango .




"Teka san ka ba tumitira ngayon ha?"takang tanong ni Kei .





"May binili akong condo di kalayuan dito sa school at may mga savings naman ako para tustusan ang pagaaral ko kaya ganun.."sagot nya.





"Hindi mo ba alam na ilang araw nang pabalik balik ang ate mo dito?"sabi ko sa kanya..






"Nakapagusap n kame Yuki at napagkasunduan namen na dun na ako titira sa condo pero pwede nila akong bisitahin, binigay ko naman sa kanila ang address eh kaya pweds silang pumunta.."sabi nya.





"Pano yun papa mo.. I mean yung papa nya?"tanong ni Daichi..





"Wala paring pagbabago at wala namab akong balak eh tsaka isa pa dadating naman siguro yung araw na magkakaayos kame kaya hihintayin ko yun. "Sagot nya .





Nagkantyawan ulit silang lahat at medyo umingay ulit kaya medyo nahilo ako .






Agad akong napaupo para hindi na ulit mahilo pero pagkaupo ko may naramadaman akong parang may maliit na bagay na tumama sa likod ko.. Tumayo ako para sana tingnan yun ngunit mas lalo akong nahilo dahilan para ma-out of balance ako..




"Yuki!" narinig kong tawag nilang lahat bago ako lamunin ng dilim..





The Seniors (Completed)Where stories live. Discover now