Class 49

556 13 0
                                    

••••Kei•••••





Bigo kameng bumalik sa classroom. Hindi namen nakumbinsi si Yuki na bumalik. At nakita kong malungkot din yung iba kasi wala na si Yuki. Kahit ako hindi makapaniwala na magagawa nya yun. Kahit papaano ay naipakita sya samen na mahalaga kame sa kanya kasi kung hindi. Simula pa lang nilayasan nya na kame pero hindi eh, iba sya sa lahat ng babaeng nakilala ko kasi sya lang yung babaeng nakatiis samen. At masasabi kong minsan lang makakita ng babaeng katulad nya kaya masasabi kong maswerte si Shin.





"Ano ng gagawin naten? Mukhang desidido talaga si Yuki na panindigan yung ginawa nya."sabi ni Daichi





"Ayoko na! Hindi ako papayag na ako makakagraduate tapos si Yuki maiiwan! Hindi ako papayag dun!"protesta ni Tadashi kaya napaisip ako. Kahit ako hindi rin ako papayag.




Nagsimula na silang magreklamo pero natahimik lang sila ng bumukas ang sliding door at naagaw iyon ng atensyon namen. Nakita nameng pumasok si VP at si President. Mukhang nandito sila upang ibalita samen ang nangyari dahil akala siguro nila hindi pa namen alam.




"I have a good news to all of you. And guess what? Binabawi ko na ang expulsion na ipinataw ko nong isang araw sa inyo so it only means na makakagraduate na kayo so you should be thankful that I considered all of you."sabi ni President Kalbo.




"Mas gugustuhin ko pang maexpel na lang kaysa sa gumraduate!"protesta ni Daichi kaya nagreklamo din ang iba nameng classmate. Napatingin ako kay Shin at nakita kong seryoso lang syang nakatingin sa harap at parang walang pakialam sa paligid nya.




"Tumahimik kayong lahat! Dapat nga nagpapasalamat kayo, kundi dahil kay Yuki hindi sana kayo gagraduate ngayon kaya dapat ay pahalagahan nyo to!"sabi ni VP kaya napatingin si President sa kanya, pati kame.




"He's right all of you should be thankful. And you should accept this or else masasayang ang ginawa nya para sa inyo. If I were you I will accept this chance."sabi ni President at lumabas na sila ng kwarto. Napasipa si Tadashi sa upuan dahil sa inis .




"Nakakaasar talaga yung matanda na yun!"naiinis na sambit ni Tadashi.




••••Yuki•••••




"Sa tingin ko tama ang ginawa mo dahil para naman iyon sa kanila pero hindi ko masasabi na sasangayon sila sa ginawa mo dahil masasabi ko na naging malapit na rin sila sayo kaya malamang aangal talaga sila dahil ikaw na mismo ang nagsabi na gagraduate kayong lahat ng sabay-sabay kaya aasa talaga sila na sabay sabay kayong gagraduate."sabi ni Kuya. Tulog na kasi si lolo kaya si Kuya Shiro ang kausap ko ngayon.





"Yuki. Si Shin nasa baba. Papapasukin ko ba o hindi?"tanong ni Kuya Jiro ng sumilip sya sa kwarto ko. Umiling ako kaya tumango naman sya.






Huminga ng malalim si kuya at nagsalita.





"Matulog ka na lang muna Yuki. Baka sakaling mabawasan yang stress mo."sabi ni kuya kaya nagpaalam na sya at lumabas na ng kwarto ko. Tumayo ako at sumilip sa may bintana. Nakita kong kinakausap ni kuya si Shin at mukhang nagpupumilit pa sya pero napansin kong sinarado na ni kuya ang gate at naiwan sa labas si Shin.




Lumayo ako sa bintana ng tumingin sya sa direksyon ko at kasabay nun ang pagtunog ng cellphone ko. Nilapitan ko ito at tiningnan. Nakita kong tumatawag sya, kaya hindi ko sinagot. Ayoko munang kausapin sila.





Hinayaan kong matapos ang tawag at nakatanggap ako ng text.




From:Shin

I know you're still awake. But I'm not going to force you to talk to me. But Yuki please dont do this. I know you want us to graduate together, but that will not happen when youre not here. Im Sorry.




Napahiga ako sa higaan at napatingin sa message nya. Nakita ko ring may mga missed calls ako galing kila Tadashi. May mga text din sila pero hindi ako nagreply kahit kanino. Gusto kong magfocus sila sa graduation. Saturday na bukas at sa Monday Na ang Graduation kaya sana wag na silang umangal pa.





Inubos ko ang Saturday ko sa paglilinis ng bahay, tinulungan ako nila kuya sa paglilinis kaya medyo nakalimutan kong may problema ako.




Sunday na ng hapon at naisipan kong lumabas muna ng bahay. At dun ko napagtanto na Graduation Day na pala bukas. Nakarating ako sa may park at inalala lahat ng mga memories meron ako kasama sila. Simula nung first meeting namen na kung saan ay pinagtripan nila ako. Napatawa ako dahil naalala ko yun. Maya-maya pa ay may matandang lumapit saken.




"Magandang hapon po Nay. Upo po kayo dito."sabi ko at niyaya ko syang umupo sa tabi ko kasi mukhang kanina pa sya pagala-gala. Pero kumunot lang ang noo nya at nagsalita.





"May mas malaki pang problema ang dadating hija at kailangan mong maging handa dahil may isang malaking problema kang kailangang kaharapin hindi ngayon, hindi rin bukas ngunit darating sa hinaharap at ang kapalit nito ay ang lalaking minamahal mo."sabi nya kaya kumunot ang noo ko.





"Lola bakit nandyan ka?"napatingin ako sa isang babae na papalapit sa direksyon namen. At napagtanto kong baka apo nya ito.




"Ah pasensya na po kayo ha. Masyado lang kasing mahilig mamasyal tong si lola kaya ganun."sabi nung babae kaya nginitian ko na lang sya.





"Wag kang bastos Margey kinakausap ko sya dahil kailangan ko syang balaan sa maaring mangyari."sabi ng matanda.




"Mero pa po ba?"tanong ko at nakinig sa sasabihin nya.





"Kailangan mong magingat dahil marami ang gustong mapahamak ka at sa mga susunod na araw ay may isang tao na mawawala sayo ng ilang taon."sabi ng matanda kaya kumunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung bakit nya sinasabi yun. Baka hindi naman totoo diba?





"Lola tara na tama na yan. Pasensya na po kayo ha. Wag po kayong maniwala dito."sabi nung Margey at hinila na palayo ang lola nya kaya hindi ko na narinig ang dapat nitong sasabihin.





Kinabahan ako dahil pakiramdam ko ay maaaring mangyari ang sinasabi nya pero hindi ko alam kung ano talaga ang mangyayari dahil hindi naman ako manghuhula.





Bukas na ang Graduation Day at sana ay makaakyat sila ng stage at matanggap na nila ang mga diploma nila.

The Seniors (Completed)Where stories live. Discover now