Class 25

693 11 1
                                    

••••Yuki••••••

"Para kang tanga kakangiti dyan magisa Yuki."narinig kong sambit ni kuya saken habang naghuhugas ako ng pinggan.

"Baket masama bang ngumiti?"tanong ko sa kanya at kumunot naman ang noo nya dahil sa sagot ko..

"Oo lalo na pag walang dahilan yung pagngiti mo."sabi nya kaya napatawa ako ng mahina..

"Ay ewan ko sayo kuya sige magaayos na ako. May pasok pa ako at tsaka baka malate ako no."sabi ko sa kanya .

"Ewan ko sayo Yuki. Ang gulo mo kausap."naiiling na sabi ni kuya Shiro..

Bumalik ako sa kwarto at inayos na ang sarili ko bago ako bumaba.. Dinala ko na ang bag ko at bumaba na sa sala..

"Lolo. Alis na po ako. Mga kuya alis na ko ha."paalam ko sa kanila habang nagsusuot ng sapatos.

"Oo bilisan mo na at mukhang kanina ka pa hinihintay ng sundo mo."sabi ni kuya Jiro kaya kumunot ang noo ko. Teka wala namang may sumusundo saken ah..

"Ha?"takang tanong ko

May nginuso si kuya sa labas kaya sinilip ko at nanlaki ang mata ko ng nakita si Shin na nakasandal sa kotse nya at mukhang kanina pa sya naghihintay..

Agad akong lumabas ng bahay at binuksan ang gate dahilan kung bakit muntikan na syang mapatalon sa gulat..

"N-nandyan k-ka na pala.."nauutal nyang sambit saken habang ako ay nakakunot ang noo dahil hindi ko maintindihan kung bakit nandito sya..

"Teka lan anong ginagawa mo dito? At tsaka bakit sinusundo mo ako?"takang tanong ko sa kanya kaya napakamot sya sa batok nya at sinagot ako..

"U-uhm. Ano. Bakit hindi ba pwede?"nauutal nyang tanong saken..

"Uhm. Hindi naman uhm. Ano kasi nakapanibago at tsaka hindi ako sanay."sabi ko at napapakurot na ako sa daliri ko kasi nahihiya pa naman ako basta mga ganito.

"Well dapat ngayon pa lang sanayin mo na ang sarili mo kasi aaraw-arawin ko to."sabi nya sabay bukas sa pinto ng teka, hindi ito yung Sedan nya ah..

Isang black Ferrari 485 Italia


Napatingin ako sa kanya. Napakarich talaga netong isang to.. Sinarado ko ang gate at pumasok sa loob ng kotse nya ..

Sinarado nya agad ang pinto at umikot sa kabila, kinabit ko ang seatbelt at pinaandar nya na gad ang koste.. Tahimik lang kame habang nasa byahe, wala naman akong maisip na topic eh..

"Uhm. Is your wound okay?"tanong nya kaya nabaling ang tingin ko sa kanya.

"Uhm. Magaling na naman at tsaka maliit lang yun no."sabi ko sa kanya at tumango naman sya.. Nang nakarating na kame sa school ay tinanggal ko na agad ang seatbelt at bubuksan ko na sana ang pinto pero naunahan nya ako.. Ang bilis nyang lumabas mula sa pinto sa kabila ah..


Pinagbuksan nya ako kaya binitbit ko ang bag ko at lumabas. Sinarado nya agad ang pinto at kinuha din yung bag nya sa loob


"Lets go?"yaya nya kaya tumango ako.

Sabay kameng naglakad papasok sa school ay napansin ko ang tingin ng mga tao sa loob na para bang hindi sila makapaniwala na may kasamang babae si Shin at ako yung babaeng yun..

Dumiretso kame sa loob ng room at medyo naawkwardan ako kasi hindi naman kame ganito kaclose ni Shin pero hindi ako nakaramdam ng pagkaasiwa..

Pumasok kame sa loob ng room at napansin ko ang pagtahimik at pagtigil nila sa mga ginagawa nila dahil nabaling ang atensyon nila samen. Tahimik akong umupo sa upuan habang sila ay patuloy na nagmamasid..

Pero agad na napuno ng hiyawan ang room dahil sa pangunguna ni Tadashi..


"O ano musta ang date naten ha?"nanunuyang tanong ni Tadashi kay Shin at inakbayan nya pa to..

"Shut up Tadashi.."supladong sabi ni Shin at bumalik na sa upuan nya.. Nagtama ang tingin namen pero agad syang umiwas at medyo namula ang pisngi nya. T-teka l-lang a-ano yun??


Nagiwas na lang ako ng tingin kasi hindi titigil sa kakahiyaw at kakaasar samen pag pinagpatuloy namen yon .


Nagaayos ako ng gamit para sa second class. At kamuntikan ko ng matabig ang isang bote. Kaya agad na nalipat ang tingin ko dito.. Vita-Milk?


Tiningnan ko kung para kanino to. Baka mamaya naiwan pala nila to tapos pag hinanap nila nainom ko na.. May nakita akong papel at may smiley face na nakalagay dun sa papel. Nakatupi iyon kaya binuklat ko at wala namang nakalagay kaya nagtataka ako.. Luminga-linga ako pero wala namang tao. At tsaka wala naman sigurong may mayari nito diba??


Kinuha ko ito at ininom.. Pagkatapos ng recess ay bumalik na sila dito. Binuklat ko ang notebook ko para sana magaral pero may emoticon na namang nakalagay dito. Hindi smiley pero parang wacky face..

Nacutan ako kaya hindi ko tinapon. Inipit ko ito sa folder. Bale dalawa na yung nakuha ko ngayon.. Ang cute kasi eh kaya tinago ko..


Pagkauwian na ay namilit na naman si Shin na ihatid ako pauwi at pinayagan ko na lang sya para na rin free na ang sasakyan ko pauwi..

"Thank you ulit Shin. Ingat ka ha. Bye."paalam ko at tumango lang sya bago umikot sa kabila. Agad nyang pinaharurot ang kotse at umalis na sya..


Yun ang nangyayri araw-araw. Nakakatanggap ako ng emoticons
, minsan yung iba nakalagay sa notebook, minsan sa lamesa ko, minsan sa locker ko, minsan sa pagkain na nakalagay sa desk ko at hindi ko alam kung kanino at sino ang naglagay dun..


Araw-araw din akong sinusundo at hinahatid ni Shin. Dahil dun ay mas lalo pa naming nakilala ang isa't-isa at mas lalo akong nahuhulog sa kanya..

Dumaan ang sembreak pero parang hindi sembreak kasi 3 days lang ang sembreak namen.. Kailangan kasi nameng maghabol eh marami kaming kulang .. So eto next month ay Christmas break na at dun ko napagtanto na 3 months na lang ang natitirang mga buwan para sa pagsasama nameng lahat at naisip ko na dapat ay hindi iyon masayang..



Pagkapasok namen ni Shin sa classroom ay napansin ko na tahimik ang buong room at may tinitingnan silang isang lalaki at nakaupo sya sa harap.. Lumingon iyong lalaki sa banda namen ni Shin dahilan para malaglag ang panga ko..

Ngumiti sya saken pero hindi isang totoong ngiti kundi isang mapanganib na ngiti.. Napalunok ako dahil sa kaba.. Anong ginagawa nya dito??


"Fujiwara Dae."sambit ko at mas lalo akong kinabahan ng magsalita sya .

"Nice to see you again Yuki.."sabi nya at ngumisi ulit...

"Yuki."sambit nya at tumayo para lumapit saken samantalang parang gusto ko ng umatras..



"Why so bothered with my presence Yuki? Does it reminds you of someone?"nakangising tanong nya..



Lalapit pa sana sya pero nagulat ako ng may humarang sa harap ko..




"Leave her alone."seryosong sabi ni Shin dahilan para mapatingin ako sa kanya. Binalingan naman sya ng tingin ni Dae at napawi ang ngisi nito..




"Oh. Didn't informed them that you're already engaged? With me?"nangaasar nyang tanong at nakita kong halos lahat sila ay natigilan.

The Seniors (Completed)Where stories live. Discover now