Class 18

728 14 0
                                    

••••••Aki••••••




"Aki late ka na naman umuwi."nakangusong sita ni ate ng nadatnan ko syang nakaupo sa duyan malapit sa hagdan ng bahay namen



"Sorry ate may event kasi kame ngayon at medyo ginabi kame ng uwi eh."sabi ko sa kanya at nagulat ako ng bigla nya akong akbayan .  Ito ang dahilan kung bakit magaan ang loob ko kay Yuki kasi para syang si Ate... Naniniwala sya saken pag sinabi kong hindi ko ginawa ang isang bagay at pinagtatanggol nya ako sa daddy nya pag pinapagalitan..


Kaya masasabi kong kahit nabubwisit ako sa bahay na to at kahit may naguudyok sakeng lumayas ay di ko magawa dahil kay ate. Sya ang nagiisang dahilan kung bakit hindi ko magawa ang mga bagay na dapat ay noon ko pa ginawa.



"Tara na sabay na tayong magdinner. Nagluto ako ng paborito mo."sabi nya at hinila ako papasok sa bahay, naabutan ko ang tatay nya na nakaupo sa sofa at binalewala lamang ang presensya ko,okay lang balewala din naman yung presensya nya para saken eh so okay lang talaga.











"Anak nandito na pala kayo. Kumain na kayo ni Aki."sabi nya at bumaling saken pero hindi ko sya tiningnan.. Umupo na kame sa hapagkainan at kumain na kame.



"Nga pala bukas bibisita ako sa school nyo ha, gusto kong matikman yung mga niluluto nyo okay lang ba?"sabi ni ate ..


"Okay lang naman, basta wala kang pasok bukas."sabi ko at ngumiti na lang sya saken at nagpatuloy kame sa pagkain...


•••••Yuki•••••••


Maaga akong nagising at nagpaalam na ako kila kuya at lolo na aalis na ako at nagpunta na ako sa school..



Habang naglalakad papasok sa gate ay tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito at tiningnan ang caller...



Number lang ang nakalagay kaya hindi ko kilala kung sino to pero para may something na nagtutulak saken para sagutin ito at ginasa ko nga. . Tumigil muna ako sa isang tabi at sinagot ito.


"Hello sino to?"tanong ko..


"Kimizaki Yuriko,alam ko kilala mo na kung sino ako kasi malamang naikwento na ako nila Takeda sayo diba?"nanunuya nyang sabi kaya agad kong nahulaan kung sino to..


"Fuego. Anong kailangan mo?"tanong ko at nakarinig ako ng isang palakpak mula sa kabilang linya..


"Galing. Ang talino mo naman. I'll text you the address, bibigyan kita ng 30 minutes para puntahan ang mga beloved classmates mo.. Pag hindi ka nakarating withint the time, alam mo na ang mangyayare."agad nyang pinutol ang linya at naisip ko agad ang mangyayare... Kailangan ko silang puntahan..




Agad kong binalik ang cellphone sa bulsa ko at tumakbo pabalik sa jeep.
Kailangan makaabot ako para hindi sila mapano.


Nang makarating na ako sa isang lumang warehouse na sinabi nya ay agad akong pumasok, pero wala akong naabutan ni isang tao sa loob...




Huli na ng napagtanto kong naloko ako, sh*t.. Agad akong tumakbo pabalik. Hindi kaya pinapunta nya ako dito para matuloy ang kung ano mang balak nya dun sa kanila?  Kung tama ang hinala ko kailangan kong makabalik agad sa eskwelahan ng mabilis dahil alam ko dun sila pupunta at kailangan kong pigilan ang mga yun..




•••••Aki•••••



"Welcome miss come again.."paalam ko dun sa babaeng lumabas bago lang..




The Seniors (Completed)Where stories live. Discover now