Chapter 7

5K 92 2
                                    

Chapter 7

Contest

Nanlalamig ang buo kong katawan at nanginginig pa ang kamay ko in case na matalo ako ay ako pa ang masisisi ng school namin.

Lalo na iyong mga taong may ayaw saakin doon.

"Isha!" nakangiting lumapit saakin si Stella.

"Ste——" magsasalita pa lang sana ako ng putulin na niya ang sinasabi ko.

"Ilang minuto na lang at magsisimula na. Ano ka ba! Kaya mo yan! Ikaw pa!" she cheered me up.

Umiling na lang ako. Pagkatapos ay pumasok na ko sa loob ng english faculty room sa La Elidad University kung saan ginanap ang english essay writing contest.

Madami ang kasali. Napalunok ako habang pinagmamasdan sila. Kaya ko ba 'to?

"Aqisha?" tawag saakin ni Ma'am Jane.

Lumapit ako sa kaniya. Nandoon nakareserve ang upuan ko kung nasaan siya.

Malamig sa loob ng silid dahil naka-aircon pero walang-wala iyon sa lamig na nararamdaman ko ngayon.

Kinakabahan ako!

Nagbigay na ng instructions pagkatapos ay nagsimula na kami.

Nasa gilid si Ma'am jane at nakaupo sa upuan para sa mga teacher.

May kurtina ang bintana kaya wala akong makita sa labas.

Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa pag-gawa.

Pagkalabas ko ng room na 'yon ay doon lang ako nakahinga ng maluwag.

"Isha!" sinalubong agad ako ni Stella kasama sila Stone.

"Stella." nagpakawala ako ng buntong hininga.

"I'm sure you did your best don't worry."  inakbayan ako ni Stone.

Yumuko lang ako at hindi umimik.

"Ma'am Jane, ano na pong balita?" salubong agad ni Stella kay Ma'am Jane na kalalabas lang sa silid.

Ngumiti ito at sinabing, "Mamaya pa raw malalaman ang resulta. Ini-evaluate pa daw ang mga nakakuha ng matataas na puntos." At umalis na si Ma'am Jane dahil tinawag siya ng isa pang teacher.

Mahigit isang oras din ang hinintay namin bago in-anunsyo ang mga nakapasa at ang nanalo.

Nasa court kami ng La Elidad University at nakakamanghang sabihin na napakalawak ng court nila.

"Good afternoon students! Are you excited to know who win the contest?" tanong ng head ng english faculty teacher ng La Elida University.

Ang sabi ang mananalo raw dito ay ilalaban sa pinakamain event which is sa ibang bansa. Kung ngayon karangalan lang ng school ang nakataya doon ay karangalan na ng bansa.

Hindi lang kasi ito basta-basta English Essay Contest kaya ganito.

"Congratulations to those who joined."

Nagpalakpakan naman ang lahat.

"And now...." ngumiti ito saamin at tinignan ang isang puting papel." The winner who won the title and will represent our country for the next two week is............... Ms. Alindre, Aqisha."

Ms. Alindre, Aqisha......

Ako? I pointed out myself at hindi makapaniwala.

"Aqi!" Niyugyog ako ni Stella at niyakap na din.

"Congratulations, baby. You made it Aqi!" Napalingon ako kay Stone at natulala sa kaniya.

The Player's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon