Chapter 13
International Essay Writing Competition
I'd review it before I pass the paper. Lumabas na agad ako sa kwarto and I see Stone waiting for me ng makita niya ako agad siyang lumapit saakin.
"Wanna eat? Alam kong nagutom ka doon sa loob." He wiggled his eyebrows.
Tumango ako, parang na-drain ang utak ko doon sa loob at wala na akong masabi. My words are already there at that paper. I gave my best.
Nakita ko si Ma'am Antonnet ng magtama ang tingin namin ay ngumiti siya at tumango saakin.
"Anong topic niyo?" tanong ni Stone habang kumakain kami. I just ordered spaghetti and pizza, wala pa kasi akong maisip na gustong kainin. Isa pa hindi rin ako makakain ng maayos dahil hindi pa lumalabas ang resulta.
"Sabi kanina ng Staff the easiest topic of all...." tinignan ko siya."...Love. Pero parang hindi naman madali iyon. Sa tingin ko nga iyon ang pinakakumplikadong bagay sa mundo." I said.
Inikot-ikot ko ang tinidor ko sa spaghetti ng mapansing hindi umiimik si Stone ay nag-angat ako ng tingin at tinignan siya.
Mukhang may malalim siyang iniisip.
"Stone... " tawag ko sa kaniya."Aqi, would you still accept me even though I don't have everything? And all I can offer for you is myself? And my love?" Kung sa ibang araw ito ay malamang matatawa ako, ano nanaman bang kadramahan 'to? But he looks really serious this time.
"Stone may problema ba?"
"Wala. Gusto ko lang malaman. Kasi ako, kahit mawala lahat ng mayroon ako ngayon basta andiyan ka sa tabi ko kaya kong bumangon."
I don't know what's wrong, kahit magtanong ako alam kong hindi niya rin sasabihin saakin kaya naman nginitian ko na lang siya. "Even if you lose everything I would be still here. You won't lose me. Never, Stone." paninigurado ko sa kaniya.
Mahina itong natawa bago kinurot ang tungki ng ilong ko. Napasimangot ako sa ginawa niya.
"I'm glad to know that, baby." He winked at me.
Pagkatapos naming kumain bumalik kami sa loob kung saan ginanap ang IEW contest.
This time ay tapos na ang lahat at puwede ng pumasok ang mga hindi participants sa loob. Nagkaroon ng kaunting party at sinabing bukas pa ng umaga malalaman ang resulta. At Bukas ng gabi na rin ang flight ko pabalik. Nakabili na rin ako ng mga pasalubong with the help of Stone of course.
"Mukhang nahirapan ang mga judges na mamili ah. " Ma'am Antonnet said habang nasa elevator kami.
I smiled. 12 participants lang ang kasali doon pero hindi ko mamaliitin ang kakayahan nila.
"Magpahinga na kayo at maaga pa tayo bukas. " Ma'am Antonnet said at tuluyan ng nagsara ang elevator. We already reached the second floor at ngayon ay kapapasok lang namin sa kwarto. Kaagad akong humiga sa kama ko, hindi na ako nag-abalang hubarin ang suot kong sapatos at ang jacket.
Dahil sa pagkabigla ay napabalikwas ako at napaupo. "S-Stone, a-ako na." Pakiramdam ko ay uminit ang pisngi ko dahil sa ginawa niya. Siya na kasi ang naghubad ng sapatos ko at kinuha ang tali ko na nasa braso ko at ipinusod ang buhok ko.
"Ako na. Simpleng bagay lang naman ito, Aqi. Isa pa I know you're tired. Magpahinga ka na, magshower ka na lang maya-maya. " he smiled at me. I'm still not used to this Stone I have now. Never ko kasing naimagine na aabot kami sa ganitong point. Sa sobrang lala pa naman ng mga pambubully niya saakin ay hindi ko inisip na may ganito pala siyang side.
BINABASA MO ANG
The Player's Possession
Teen FictionAqisha Alindre once rejected a player confession and get into a big trouble. Because ever since that day happened she became the Player's Possession.