Chapter 24
Are we on the last chapter
"Nakulong ka?"
Bungad ko sa kaniya ng makauwi kami sa bahay. Ako na lang pala ang hindi nakakaalam na nakabalik na siya sakanila dahil sa plano nilang supresahin ako.
"Yes." He nodded while his arms crossed. "Naaksidente sila Mari at Samonte at ako ang itinuturo ng mga ebidensya na salarin. "
"Paanong nangyari iyon? " naguguluhang kong tanong.
"Nakalabas ako ng sasakyan bago lumubog ng tuluyan iyon sa ilog. Pero nawalan ako ng malay at nagising ako sa isang kubo. An old man help me, he told me that I was asleep for two days . " pagkukuwento niya. "Umalis agad ako sa bahay ng matanda ng mabawi ko na ang lakas, I admit I wasn't thinking straight back there galit na galit ako kay Samonte and because of that sinugod ko si Samonte. Alam kong siya ang may pakana ng aksidente natin dahil bago tayo maaksidente binantaan niya ako. But to my surprise I wasn't expecting to see Mari with him mukha ding may pinagtatalunan silang dalawa. I went straight to Samonte and punched him, Mari tried to stop us but of course she can't hanggang sa nakita ko na lang may hawak si Samonte na patalim, hindi ko alam kung saan niya iyon nakuha pero he was about to stab me pero si Mari ang nasaksak nawalan ng malay si Mari, she was in my arms laying pagkatapos may kung anong matigas na bagay ang tumama sa ulo ko at nagdilim ang paningin ko. "
"I was in coma for a year. Nang magising ako ay ilang buwan bago nagsimula ang hearing sa korte at dahil wala akong maalala naging madali sa prosecutor ang maipakulong ako. I was in jail for another 1 year pagkatapos binuksan ulit ang kaso ko pero hindi naging madali dahil hindi pa din bumabalik ang ala-ala ko kaya nahirapan ang abogado ko na ilaban ang kaso ko umabot iyon ng isa pang taon hanggang sa bumalik ang memorya ko at nagising na din mula sa pagkakacomatose si Mari. At siya ang pinakamatibay na ebidensyang meron kami at kasama ng pagbalik ng memorya ko mas lalo iyon nakatulong para mapalaya ako. "
"Sa loob ng tatlong taon ganoon ang dinanas mo? Noong bumalik ang memorya mo bakit hindi ka bumalik saamin?" I cried.
Pinunasan niya ang luha ko. "Nagkaroon ng maliit na problema. " paliwanag niya.
"Ano?"
"Umuwi ako ng bumalik ang memorya ko. Pero hindi kasama ang mga ala-ala kung saan nakilala kita. "
"Anong ibig mong sabihin, Calvin?" naguguluhang tanong ko.
"Nakalimutan kita. Sabi ng doctor 60 percent ang posibilidad na hindi ko maalala ang mga nangyari saakin ng tumuntong ako ng 14 years old dahil sa laki ng damage na nangyari sa ulo ko. I was already 17 years old when I met you. Ibig sabihin parte ka ng mga bagay na nakalimutan ko. "
"But mom told me how much important you are in my life. Pero noong mga panahon na 'yon galit at kinaiinisan kita hindi ko alam kung bakit pero hindi talaga kita gusto at hindi ako naniniwala sa mga sinasabi nila mommy hanggang sa sabihin nilang umalis ka at pumunta ng California. I told them to hire a private investigator para alamin kung anong nangyayari sa iyo dito sa California. Hindi ko alam pero kahit galit at inis ako sa iyo may parte sa puso ko ang nasasabik sa iyo." He caress my cheek. "Pero hindi ako nagfocus sa iyo. I wanted Samonte to put behind bars. Matagal bago namin siya nahuli. Ayokong may madamay nanaman dahil sa kagaguhan niya at kung totoo ngang importante ka saakin then I can't let him harm you again. Iyon ang tumatakbo sa isipan ko for that 2 years, habang nandito ka sa California I was in Philippines for the progress of the case."
"Pero sana man lang binigyan mo ako ng kahit sign o pag-asa na buhay ka. " nagtatampong sabi ko sa kaniya.
"I did." napakunot ang noo ko sa naging sagot niya.
"You did? "
"Yes. Remember that night before your flight? Lumabas ka para bumili sa ministop in the middle of the night?"
Dahan-dahan akong napatango. I remember that day. I want to eat Ice cream pero ang matakaw kong kuya inubos ang lahat ng Ice cream sa ref kaya naman I decided to go outside at bumili sa mini stop since iyon ang medyo malapit sa bahay namin. I don't know what gotten to me at naisipan ko pa talagang lumabas ng ganoong oras para lang sa Ice cream at ilagay sa alanganin ang buhay ko.
"I was outside of your house that time ng makita kitang lumabas sinundan kita and good thing that I did that dahil kung hindi baka...argh! Those piece of shit tuwing naalala ko iyon hindi ko maiwasang hindi sila pag isipan ng masama like I want to break their neck. " gigil na sabi niya napakuyom pa ang mga kamao niya sa hangin.
"Thank you." I smiled.
"Sorry." lumamlam ang mga mata niya at hinawakan ang kamay ko pagkatapos hinalikan ang daliri ko na kung saan nakasuot ang engagement ring ko.
"Because of me you suffered a lot for 5 years."
"Ayoko na lang isipin iyon, Calvin ang mahalaga andito ka na, totoo ka, buhay ka. That's what matter the most and I won't regret anything in my life for the past 5 years because it's all worth it. And also I'm thanking you because of you I have come this far. "
Tumango siya at saglit na inilapat ang labi niya sa labi ko.
"Now, are we on the last chapter?" He grinned. "Where the man could..... " he trailed off. "Make love to the woman she love?"
"Heh! Hindi pa nga tayo kinakasal!"
"Hindi ba puwedeng unahin na muna natin ang honeymoon? Ikakasal na din naman tayo bukas makalawa e. " parang batang sabi nito.
"No."
Nakanguso itong lumapit saakin at niyakap ako. "I love you. "
Nang hindi ako sumagot ay kumalas siya sa pagkakayakap at tinaasan ako ng kilay. " I said I love you! " pagalit nitong sabi.
I stuck out my tongue at him.
"Paano kung hindi na kita mahal.... Stone?" blankong tanong ko sa kaniya.
Nakita kong natigilan siya at napalunok. "That's impossible, right?" kinakabahang tanong niya.
Mabagal akong umiling. "Come to think of it, it's been 5 years paano kung nakamove on na ko?" seryosong tanong ko.
"H-Hey! Don't kill me like that!" nag-iwas ito ng tingin at nagtaas baba ang dibdib, he's mad.
Mahina naman akong natawa.
"Hey, Stone." tawag ko.
"Oh?" may inis sa boses niyang sagot.
"I love you too." At ninakawan siya ng halik sa labi. Nakita ko namang natulala ito at ng makabawi ay doon na ako tumakbo at lumabas ng kwarto.
"Hey! You stole a kiss. I need to get it back." habol niya saakin pero nagtuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo.
As of now, sa tingin ko nasa ikalawa sa huli na kami ng pahina ng libro. And I could also tell na puwede din palang maging happy ever after ang ending ng kuwento ko sa totoong buhay.
"Gotcha!" bulong niya sa tainga ko ng mahuli niya ako, mula sa likod ko ay niyakap niya ko at mahigpit niyang ipinulupot ang mga braso sa baywang ko. At dahil doon napangiti ako.
"I love you."
BINABASA MO ANG
The Player's Possession
Teen FictionAqisha Alindre once rejected a player confession and get into a big trouble. Because ever since that day happened she became the Player's Possession.