Axel Hayden Austero

61 2 0
                                    

"Woy, Sophia! Nakikinig kaba? Kanina kapa lutang dyan uh! Problema mo?" Napa kurap-kurap ako. "Huh?" Napa face palm si Luisa. "Kanina pa ako dada ng dada pero nasa Pluto ka pala!" Awkward akong ngumiti. Nag space out nga yata ako.

"Are you thinking of that man again?" I shook my head. "No." Tinaasan niya ako ng kilay. "Umayos ka, Sophia ha!" Pinandilatan niya pa ako ng Mata. Tumawa ako. Ang o.a talaga ng kaibigan ko. "Bahala kana nga dyan. Pupunta pa akong library, mauna kana sa classroom." Inirapan niya ako. "Sus. Playing safe. Sige! Bye!"

Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Luisa. Ang o.a niya lang talaga. Dumiretso na 'ko ng library para makapag review ng maayos. Pwede naman sa classroom pero mas prefer ko ang tahimik na lugar. At malamang, Hindi ako tatantanan ni Luisa about dun sa lalakeng malamig pa sa yelo na tumulong sakin.

I went inside the library at naghanap ng mauupuan. Wala masiadong studyante malamang nasa cafeteria o room ang iba. Pumwesto ako sa pinaka dulo at naupo. Nilabas ko ang libro at notebook at nagsimula ng mag review. Habang engrossed na engrossed ako sa pagbabasa may narinig akong humihilik. Pinakinggan kong mabuti at binaba ang librong hawak ko. Minumulto ba ako? I look around and found a man sleeping soundly on my left side. Ginawa pang tulugan ang library. Napa iling ako. I decided to wake him up before the librarian might hear him. Baka mapagalitan pa.

"Uy. Kuya!" Mahinang bulong ko sabay yugyog sa balikat niya. "Gising na. Uy!" Umungol siya at bahagyang nag angat ng ulo. Nanlaki ang Mata ko. "I-Ikaw?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Malamig niya lang akong tinignan. "Tss. Istorbo." Napantig ang tenga ko sakanyang sinabi. Ano daw? Ako? Istorbo?

"Wow, Thank you mister ha? I was just being kind here earlier dahil masiado kang malakas humilik at baka marinig ka ng librarian Edi napagalitan ka?" Sinabayan ko ng pag irap. Sungit talaga. "Dapat ba akong magpasalamat sa kabaitan mo?" Aba! At may gana pang mamilosopo! "Ewan ko sayong unggoy ka!" Tumayo nako at niligpit ang gamit ko. Aalis na lang ako kesa maubusan ng dugo sa inis dito sa yelong lalake na 'to. "May pangalan ako, Hindi hoy at unggoy. I'm Axel Hayden Austero." Bagot niyang sabi. Inirapan ko siya. Axel huh? "Wala akong pakialam, taong yelo!" Lumabas ako agad. Gosh. Kaasar.

Behind His ColdnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon