Suplado pero matulungin

36 1 0
                                    

Pagkarating namin ng school clinic sinalubong agad kami ng nurse na naka on duty ngayon. "What happen?" Tanong ng nurse habang binababa ako ni boy yelo. "Nahulog sa hagdan. Please check her feet."

Nagsimula ng mag check ang nurse. Naiilang naman ako sa tingin sakin ni boy yelo.

"Hindi naman malala. Lalagyan lang natin ng cold compress at benda at ipahinga ang paa mo para Hindi mamaga." Tumango ako. Pagkatapos niyang lagyan ng cold compress at benda ang paa ko pinahiga niya muna ako.

Nakaidlip ako sandali. Pagmulat ko, tulog din si boy yelo sa may upuan. Ako ang nahihirapan sa posisyon niya. Tinignan ko ang kanyang paa. Mukhang magaling na. Dahan dahan akong bumangon. Nagugutom na ako. Tinignan ko ang wall clock na nasa clinic. 2pm na. Absent na ako sa natitirang 2 subjects ko ngayong araw. At lagot nako kay Luisa! Nanlaki ang mata ko. Hinanap ko ang bag ko. I need to inform her na nasa clinic ako. Malamang nag-aalala na yun.

I dialed Luisa's number. Isang ring lang sinagot niya agad.

"Oh my god, Sophia Nicole! Where the hell are you?" Napapikit ako. Nilayo sandali ang cellphone sa aking tenga. Ang lakas ng sigaw niya. Jusko.
"Nasa clinic, Lu." Narinig ko ang pag singhap niya sa kabilang linya. "Anong ginagawa mo dyan ha?" Umirap ako. "May naka bunggo sakin kanina nung paakyat nako ng hagdan para pumunta ng classroom. Nahulog ako. Nagka injured sa paa pero Hindi naman malala."

I heard her cuss. "What? Sigurado kang Hindi malala? Anong sabi ng nurse? Ano?" Natawa ako sa sunod sunod niyang tanong. "Lu, I'm fine."

"Fine! Fine! Pupuntahan Kita dyan. Sandali!" Binaba niya agad ang tawag. Sasabihin ko pa sanang dalhan ako ng pagkain dahil gutom nako. Tsk. Hinimas himas ko ang tiyan ko.

"Gutom kana?" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Bahagya pang nanlalaki ang mata ko. "Ginulat moko, boy yelo!" Tumayo siya kaya paika ika rin akong tumayo. "Dyan ka lang." Naupo ako ulit. Paglabas ni boy yelo. Bumukas ulit ang pinto. Akala ko si boy yelo pero si Luisa pala.

Nanlaki ang mata niya pagkakita sakin. Hinawakan at sinuri. "Ayos ka lang talaga?" Tumawa ako at hinampas siya sa braso. "Okay nga lang. O.A mo Lu."

Umirap siya. "Sinong naghatid sayo di-" Biglang bumukas ang pinto kaya natigil sa pagtatanong si Luisa. Pumasok si boy yelo na may bitbit na pagkain. Mukhang galing siya sa cafeteria. "Kain na." Sabi niya at nilabas ang pagkain at inumin. Ni Hindi man lang niya pinansin si Luisa. Tumikhim si Luisa kaya tinignan siya ni boy yelo. As usual, wala man lang karea-reaksyon ang kanyang mukha. "Eat, Clumsy kulit." Ulit niya.

Nagsimula na akong kumain. Ang awkward. "Uh, boy yelo, Si Luisa nga pala. Best friend ko. Lu, si boy yelo, siya naghatid at tumulong sakin."

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Luisa. "Hi, boy yelo." Sumimangot si boy yelo. "Axel Hayden. Hindi boy yelo."

"Oh! Sorry." Halatang nagpipigil ng tawa si Lu. Pagkatapos kong kumain tumayo na si Boy yelo. "Tara na. Hatid Kita. May sundo kaba?" Tumango ako at bumaling kay Luisa. Tinaasan niya ako ng kilay. "Sige, mauna nako. Kaya mo na bang maglakad?" Tumango ako ulit. "Uh, Salamat Boy yelo!" Hindi siya sumagot. Dire-diretso siyang lumabas. Napangiti ako. Suplado pero matulungin.

Behind His ColdnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon