Not all people loves to see and feel the coldness of the rain. Tulad ko. It brings back my nightmare. I know who that man is. He's my Daddy's friend. Pero pangalan lamang ang alam ko tungkol sakanya. Hindi ko alam kung may pamilya, asawa o anak ba siya. He's a good man. Well, yun ang akala ko. He tried to rape and kill me. Sinundo niya ako noon sa school, during elementary days. He said my Dad wants to see me Kaya sinundo niya ako. Walang pagdadalawang isip na sumama ako dahil sa pag-aakalang mabait ang taong tinuring ko narin na pamilya. Pero iba ang nangyari.
"Tulala kana naman. Is it still about your dream?" I shook my head then smiled. "Wala po to Dad. Uh, Ready na po ba si Manong? Papasok na po ako bago lumakas ng tuluyan ang ulan." He sighed and nodded. Tinawag niya na ang aming driver upang maihatid ako sa school.
"Ingat okay? Text me when you have a problem." I kiss my Dad's cheek.
"I'm okay Dad. Pasok kana rin po" Tumango lamang ito.Pagkarating ko sa university, malakas parin ang ulan. Tinakbo ko agad ang distansya papuntang gate. Narinig ko pa ang sigaw ni manong dahil wala akong dalang payong. I laughed. Pumasok nako ng gate at naghanap ng masisilungan.
"Wala po ba kayong payong ma'am?" Tanong ni kuyang guard. Umiling ako bago ngumiti sakanya. "Okay lang po ako, don't worry."
Naghintay pa muna ako ng mga ilang minuto. Hindi parin tumitila ang ulan. Sinasabayan pa ng malamig at malakas na hangin. Pumikit ako. He's not going to hurt you anymore, Sophie. "Hoy, Wala ka sa music video." Napatalon ako sa gulat at lalim ng boses niya.
"Namo." Inirapan ko siya. Anong wala ako sa music video? Tingin niya umaarte ako kanina?
"Tara na. Male-late kana sa klase." Tinignan ko ang payong na dala niya. "Hindi tayo kasya dyan, Boy yelo." Inakbayan niya ako at binuksan ang payong bago magsimulang maglakad. Aba't! "A-Ano ba! Mababasa ako." Pasigaw kong singhal. "Talagang mababasa tayo pag maglililikot ka. Tss."
Wala na akong nagawa kundi sumunod. "Maayos naba paa mo, ha?" Tinignan niya ako bago tumango. "Eh ikaw?" Umirap ako. "Obvious ba?"
"Ayan, pasok na." Tumango ako. "Salamat, Boy Yelo!" I kissed his cheek. Napa-atras siya bago Tumango at tinalikuran ako. Pinagmasdan ko siya habang naglalakad. Napaka cold niya pero matulungin talaga. I smiled.
"Hoy!" Nahulog ang dalawang libro na dala ko dahil sa gulat. Sinamaan ko ng tingin si Luisa ngunit tinawanan niya lamang ako. "Papatayin mo ba ako sa gulat ha?" Hinampas ko siya sa braso. "Para kang baliw na naka ngiti dyan eh!" Natatawang sabi niya. Inirapan ko lamang siya.
BINABASA MO ANG
Behind His Coldness
RomanceBehind his coldness, He cares, He knows how to be grateful for something he has. Even the smallest thing in the world. Behind his cold personality, I learned to love him.