Encounter

26 1 0
                                    

"Nandyan naba sundo mo, So?" Umiling ako. "Maghihintay na lang ako, Lu. Mauna kana. May lakad kapa diba?" Alanganing tumango siya bago ako niyakap. "Mag iingat ka dito ha? Text me agad if may mas-" Hinampas ko siya sa braso. "Ang oa Lu ha? 5pm pa lang naman at marami pang studyante oh! Baka na-traffic lang si manong. Sige na. Go!" Bumuntong hininga siya saka tumalikod at umalis.

Maghihintay na lang muna ako sa may waiting shed. 6pm na ngunit wala parin si manong. Nilalamok nako dito. Tsk.

"Oh? Wala pa ang sundo mo?" Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat. May lahing kabute talaga tong si Boy yelo eh! "Pwede naman magtanong ng Hindi nang-gugulat diba?" Pasigaw kong tanong. Tinignan niya lamang ako ng malamig.

"Isasakay na lang Kita sa Taxi. Delikado na dito." Alok nito. Umiling ako bilang sagot. "Bakit?"

Kinagat ko ang aking labi. "T-Takot ako sa Taxi." Mahinang sagot ko habang nakayuko.

"Sasamahan naman Kita, eh. Tara na."

Tumayo nako at sumunod sakanya. Pumapara siya ng Taxi kaso kung Hindi puno, Hindi naman namamansin ang ilan. Urgh. Kaasar. I look at my wrist watch, 7pm na. Baka nag-aalala na si Daddy. "Maglakad lakad na lang muna tayo, baka may makasalubong tayong taxi na Hindi puno sa may unahan." Tumango na lamang ako.

Napapitlag ako sa paghawak niya sa aking kamay. Tinignan ko siya ngunit Hindi siya sakin naka tingin. Seryoso lamang siyang naglalakad na akala mo Hindi niya hawak ang kamay ng isang babae. Nag iwas na lamang ako ng tingin.

"Bitawan mo bag mo miss kung ayaw mong masaktan." Napahinto kami sa paglalakad ni Axel ng may may maramdaman akong malamig at matulis na bagay sa tagiliran ko. Nanlamig ako. This is the reason why I'm afraid to ride a taxi nor to walk around the streets.

"Ikaw ang bumitaw, manong. Wala kang mapapala dyan." Muntik ko ng bayagan si Axel sa sinabi niya. Ibibigay ko na lamang ang bag ko kesa masaksak. "U-Uh, Kuya, Ano, S-Sayo na lang po itong bag. He he. Wag niyo po kami saktan." Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit ni Axel sa braso ko. Tinignan ko siya. Seryoso niya rin akong tinignan na para bang baliw nako sa offer ko kay Kuyang magnanakaw. Pinandilatan ko siya ng Mata para makiayon na lamang. Ngunit, nasuntok na niya si Kuya.

"Axel! Tama na! Ano ba!" Sigaw ko. Hinawakan ko siya sa braso para pigilan pero tinulak niya lamang ako. Napasinghap ako ng saksakin siya sa kanyang tagiliran. "A-Axel!" Nagpapanic kong sigaw. Dahan dahan siyang napaluhod. Tumakbo naman agad ang walanghiyang magnanakaw dala ang bag ko.

Patakbong nilapitan ko siya. Nanginginig ako sa takot. But I need to concentrate! For Pete's sake!

May nakita akong dalawang lalake sa may malapitan. Kaya sumigaw ako para humingi ng tulong. Naiiyak na ako. "T-Tulungan niyo po akong madala siya sa ospital! Parang awa niyo na!" Naiiyak kong pakiusap. Binuhat nila si Axel at sumakay kami ng taxi.

We rushed him into the nearest hospital. Idiniretso siya sa E.R. My hands are shaking and my eyes won't stop from crying. I feel so guilty. God, don't let him die. Please. After a minute, lumabas ang doktor sa E.R. He smiled at me. "Kamag anak po ba kayo ng pasyente?" Nanginginig na tumayo ako bago umiling. "U-Uh, He's my friend." Tanging nasagot ko. Tumango ito. "Stable na ang kalagayan ng pasyente. Good thing, naisugod niyo agad siya sa hospital. Ililipat na muna namin siya sa isang private room. Excuse me."

Napa upo ako at napapikit. Thank God. "Miss, mauuna na kami. Okay naman na daw ang kasama mo." Ni Hindi ko man lang naalalang may kasama nga pala ako. "S-Salamat po talaga!" Tumango lamang sila. "U-Uh, pwede po ba mahiram ang cellphone niyo? I will just call my friend." Nahihiyang sabi ko. Nagkatinginan silang dalawa bago inabot sakin ang phone. I dialed Luisa's number since memorize ko naman ito. "Hello? Who's this?"

"Uhm, Lu! Si Sophie to! Can you do me a favor? Pwede mo bang alamin ang personal number ni Mrs. Austero? Please? As soon as possible." Nahimigan ko pa ang pagdadalawang isip niya bago pumayag. "Okay, Okay. Wait, don't hang up." I let out a sigh. After, 2 minutes naibigay niya na ang personal number ni Mrs. Austero. Axel's mom. I called her number and tell her to drop by on hospital.

"Anong nangyari sa anak ko?" Nagmamadaling tanong nito pagkarating ng ospital. I explained to her everything because she has the right to know. Napa buntong hininga ito pagkatapos. "Hindi mo kasalanan yun, hija. Don't blame yourself." I felt rilieved after hearing it.

Pinuntahan namin ang private room ni Axel. He looks peaceful, sleeping. Minus the wound of course.

"Umuwi kana, hija. Ako ng bahala kay Axel. Baka nag-aalala na ang mga magulang mo sayo." Alanganin man pero tumango ako. Nag-aalala na nga siguro panigurado si Daddy.

Behind His ColdnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon