Bumuntong hininga ako paglabas ng Library. Jusko. Naiinis ako sa lalakeng malamig pa sa yelo, snobero at masungit na yon. 'Pero ang lalakeng yon na malamig pa sa yelo, snobero at masungit ay siyang nagligtas sayo' Napa irap ako. Lecheng konsensya, kinampihan pa ang damuho. Paakyat na ako ng hagdan ng biglang may isang lalakeng mabilis ang takbo pababa ng hagdan at nabunggo ako. Napa pikit ako sa pag landing ng katawan ko sa semento. Punyeta. Ang sakit.
"Naku, I'm sorry miss. Are you okay?" I tried to smile and hide the pain I'm feeling. Pero ngiwi lang ang nagawa ko. "Ang sakit ng balakang at paa ko." Pag-amin ko.
"Shit! Wait, Can you stand?" Alalang tanong niya. Sinubukan kong tumayo pero napangiwi ako sa kirot ng paa at balakang ko. "No, Hehe." Awkward ko siyang nginitian. "Bubuhatin na lang Kita. I'll bring you to the nearest hospital." Handa na siyang buhatin ako ng biglang may dalawang kamay ang agad na bumuhat sakin. Napakapit ako sa balikat niya. Ang bango.
"Next time, Tumingin kang mabuti sa tinatakbuhan mo. Ako ng bahala sakanya. You can go." Malamig na sabi ng lalakeng mas malamig pa sa yelo. Umirap ako. Jusko wala talagang pinipili ang pagiging masungit niya.
"No, I'll carry her. Ako ang may kasalanan." Malamig siyang tinignan ni Axel. "Hindi ko sinabing Hindi mo kasalanan. Obviously na ikaw ang bumunggo sakanya kaya malamang may injury na siya sa paa. What I'm saying is, umalis kana dahil ako ng bahala sakanya. Hindi mo parin ba naintindihan? Gusto mong English?" Nanlaki ang mata ko. Ang haba ng sinabi niya! Pero puro kasungitan naman!
"Naku, Kuya He he. Okay lang. Uh, sige na. Si boy yelo na ang baha-" Matalim akong tinignan ni Axel. "What did you say?" Mahinang tumawa si Kuyang bumunggo sakin. Hindi ko sinagot ang tanong ni boy yelo. "Promise, okay nako. You can go." He slightly smiled. "Sorry talaga, Nagmamadali lang talaga a-" At naglakad na si boy yelo. Hindi man lang pinatapos si Kuya sa pag-i explain. Bastos talaga. Kinawayan ko na lang siya habang buhat buhat parin ako ni boy yelo. "Stop moving. Hindi ka magaan. Kumapit kang mabuti. Tss."
Inirapan ko siya. "Minsan na nga lang magsalita, puro kasungitan pa ang sasabihin mo." Sabi ko.
Huminto siya sa paglalakad at tinignan ako ng masama. "Can you please, just be grateful because I helped you?"
"S-Sorry. Hindi mo naman kase ako kailangan na tulungan pa." Mahinang sabi ko. He sighed.
"Shut up. I'll bring you to the clinic, Clumsy kulit."
BINABASA MO ANG
Behind His Coldness
RomanceBehind his coldness, He cares, He knows how to be grateful for something he has. Even the smallest thing in the world. Behind his cold personality, I learned to love him.